แชร์

LUCAS: 05

ผู้เขียน: ExDealers
last update วันที่เผยแพร่: 2026-10-13 09:49:25

Ysabelle Cuevas (Ysa)

Mahigit tatlong oras na ang nakalilipas mula nang lumabas ako sa napakalaking mansyon ni Mister.

“Hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya,” bulong ko sa sarili habang mabagal na naglalakad sa ilalim ng nakapapasang init ng araw. Tumutunog na ang tiyan ko sa gutom, pero wala akong maaming kainan sa kalsada na kagaya ng simpleng karinderyang pinuntahan namin kahapon ng mabait na ale.

Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa may matanaw akong kainan sa kabilang ibayo. Dah
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก

บทล่าสุด

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:165

    Napalunok ako.“Tsaka… ayoko munang umasa.”Hindi ko itinaas ang paningin ko dahil sa hiyang nararamdaman ko.Pero narinig ko ang boses niya.“Good,” aniya.Nagulat ako. Inangat ko ang mukha ko para sulyapan siya.“Good po?” nagtataka kong tanong.Tumango siya. “That means you’re finally learning.”Parang may humaplos na malamig at preskong hangin sa loob ng aking dibdib.Hindi man biglaan ang pagbabago.Pero sapat na ito para kumalma ang sistema ko.Pagkatapos ng lesson, pinapunta ako ni Victor sa labas—sa isang malawak na pathway na mas malapit sa villa row gate.Mas maraming ilaw rito.Mas maraming security cameras.Mas maraming tao sa paligid.Para itong isang pormal na security tour.“Rules,” sabi ni Victor habang sabay kaming naglalakad. “If you see someone you don’t recognize or trust, you don’t approach them. You walk back immediately. You call Steven. Or you call me.”“Paano po kung… natataranta na ako?” tanong ko nang may buong katapatan.Tiningnan niya ako nang diretso sa m

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:164

    Last night.Parang biglang bumalik ang lamig sa tiyan ko nang marinig ko iyon.Mukhang naramdaman ni Gavin ang pagbabago ko, kaya binabaan niya ang boses niya.“Ysa,” tawag niya, “may gagawin si Victor mamaya. Just… follow his lead.”Napatango ako.Hindi ko pa alam kung ano iyon, pero mas pipiliin ko pang may malinaw na plano kesa sa lumang takot na walang direksyon.Nang pumasok ako sa study room, nandoon na si Liane, at sa gilid ay nakatayo si Victor.Hindi siya nakaupo.Hindi rin siya relaxed.Para bang may malaking pulong pa rin siyang hinahawakan kahit nandito siya para sa akin.“Good morning,” pormal niyang bati.“Good morning din,” mahina kong sagot.Tiningnan niya ang nakabandage kong tuhod.“Better?” tanong niya.“Opo,” sagot ko. “Mas okay na.”Tumango siya, saka ibinaling ang tingin kay Liane. “Start.”Binuksan ni Liane ang laptop, pero sa halip na spreadsheet, ibang screen ang bumungad sa amin.Settings.Privacy.Security.“Today,” simula ni Liane, “we’re going to make your

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:163

    Ysabelle Cuevas (Ysa)Hindi ako agad nakatulog noong gabing iyon.Hindi dahil maingay ang paligid ng villa—sa katunayan ay napakatahimik dito, tipong parang hindi totoo at malayo sa reyalidad—kundi dahil sa bawat pagdampi ng malamig na hangin sa salamin ng bintana, may kasama itong mabigat na pakiramdam ng bantang pilit kong iniiwasang isipin.Humiga ako nang nakatalikod, mahigpit na kayakap ang unan sa dibdib ko, habang sa loob ng utak ko ay paulit-ulit na umuusal ang iisang salitang binitawan ni Victor kanina.Targeted.Ang bigat-bigat nitong pakinggan sa pandinig kahit iisang salita lamang naman.Kaya sa gitna ng madilim at tahimik na silid, dahan-dahan kong inabot ang telepono ko mula sa gilid ng mesa.Hindi ko binuksan ang mensahe ni Mister.Hindi ko rin ginalaw ang unknown number na nagpadala ng takot.Tinitigan ko lamang ang nagniningning na screen na para bang nagbabakasakali akong makakita ng sagot sa liwanag nito.Pero walang sagot.Huminga ako nang malalim, saka ko naalaala

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:162

    Kundi ang pakiramdam na… may taong sadyang nag-aabang para siguraduhing hindi ka nag-iisa sa laban na ’to.Gabi na nang sabay-sabay kaming kumain.Walang masyadong magarbo.Mainit na sopas.Tinapay.At tsaa.Pero sa kabila ng kasimplehan nito, napakaligtas sa pakiramdam.At habang kumakain kami, biglang may lumapit na security staff kay Victor na nakatayo sa may pinto ng dining area.Hindi ko narinig ang buong pag-uusap nila.Pero narinig ko ang dalawang salitang nagpakabog nang husto sa dibdib ko:“Attempted entry.”Bigla akong napatigil sa paghinga.Si Kianna ay napatigil sa pagnguya.Si Gavin naman ay mabilis na tigas ang panga.Si Victor, kahit mukhang kalmado pa rin, ay agad na tumayo mula sa silya.“Saan?” tanong niya sa seryosong boses.“Malapit sa gate ng Villa Row, sir,” ulat ng staff.Lumingon si Victor sa aming tatlo.“Manatili kayo rito,” utos niya.“Victor—,” pagtatangkang magsalita ni Gavin.“Manatili kayo rito,” pag-uulit ni Victor, mas mariin at mas madiin ngayon.At p

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:161

    Standard na naman.Para sa kanila, napakanormal na regular nilang chine-check ang katawan at kalusugan mo para masigurong ligtas ka sa kapahamakan.At habang naglalakad kami patungo sa private clinic wing, hindi ko na napigilan ang sarili kong magtanong.“Victor…”Huminto siya sa paglakad at lumingon sa akin.“Tawagin mo lang ako,” sabi niya sa kalmado at matatag na tono, “kung sakaling may mapansin o matanggap ka ulit na hindi maganda.”Alam ko na agad ang tinutukoy niya—ang mga mensahe ng pananakot kagabi.Napalunok ako nang malalim.“Wala naman na po sa ngayon.”“Good,” dugtong niya. “Pero huwag na huwag kang maghihintay na lumala bago ka magsalita.”Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya na minsan, mas pinipili ko pang mag-abang at maghintay kaysa ang manghingi ng tulong.Dahil sa sandaling humingi ka ng tulong, ibig sabihin ay totoo ang panganib—na may mga kaaway ka, na may nagbabanta sa buhay mo. At minsan, mas masakit tanggapin ang katotohanang iyon kaysa magpanggap

  • Curvy Obsession ni Mr. Caleb   LUCAS:160

    Parang biglang uminit ang magkabilang tainga ko sa mga pangalang lumalaro sa isip ko.“Any problem with the form?” tanong ni Ma’am DC, diretso ang tingin sa mga mata ko.Umiling ako nang mabilis kahit na nagkakagulo ang isip ko.At dahan-dahan, humawak ako sa ballpen at isinulat:Emergency Contact: Kianna Sandoval.Hindi ko alam kung bakit siya ang naisulat ko, pero siya ang pinakapresent at totoo sa akin ngayon. Siya ’yung taong hindi mo kailangang suyuin o pagmakaawaan para lang manatili sa tabi mo.Pagkatapos ay muli kong sinuri ang form bago ito inabot kay Liane.“Good,” maikling sabi ni Liane.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay makarinig ng salitang “good” mula sa iba na walang kasunod na panunumbat o “pero.”“Now,” wika ni Ma’am DC, “let’s move on to something slightly more challenging.”Binuksan niya ang laptop at nag-load ng isang spreadsheet file.Nanlaki nang husto ang mga mata ko.Gusto ko sanang sabihing “Hindi pa po ako handa rito,” pero nakita ko ang nakasulat sa wh

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status