"Claudia." Tawag ko sakanya. Nasa ospital na'ko ngayon, dumeretso ako kaagad after kong mag out. "Ate!" Masayang sabi nito at sinalubong ako. "Oh, mauna kanang umuwi, ako na bahala rito. May pasok kapa bukas, at chaka dalhin mo ’to. Pasalubong ko sainyo iyan para sainyo ni kuya mo okay?" Sabi ko sakanya at pinakita ang dala kong jollibee. "Okay ate, salamat po! Una na'ko!" Sabi nito. "Sige! Ingat ka Claudia okay? Chat moko kapag naka-uwi kana." Sabi ko sakanya bago ko ito yakapin. Umalis na siya kaya binigay kona ang attention ko kay mama na ngayon ay nakahiga at nakapikit. "Ma, may trabaho na'ko. Ako na muna bahala sainyo. Laban lang kayo ha?" Sabi ko rito bago ko siya kinumutan. Dala dala ko rin yung nga papeles na nasa lamesa ko kanina dahil kailangan ko iyon gawin sa bahay. "Ma, review ko lang ’to ha? Di muna kita chichikahin ngayon ha? Busy kasi ang panganay niyo e. " ngiti kong sabi sakanya. Umupo ako malapit sa kama ni mama at kinuha yung maliit na lamesa sa gilid bago
Last Updated : 2026-08-10 Read more