Ilang buwan ang lumipas.Hindi ko namalayan kung kailan naging normal ang buhay namin.Umaga, trabaho.Hapon, meetings.Gabi, bahay.Wala nang biglaang tawag mula sa mga lumang network.Wala nang lihim na dokumentong kailangang habulin.Wala nang taong sumusubok kumuha ng kontrol sa isang bagay na hindi naman dapat pag-aari ng iisang tao.At higit sa lahat, wala na akong kailangang patunayan.Naging abala rin ang Mira Santos Advisory.Lumaki ang team namin.Hindi sobra.Sapat lang para hindi mawala ang kalidad ng trabaho.May projects sa iba't ibang komunidad, pero pareho pa rin ang prinsipyo namin.Makinig muna.Suriin.Ipaliwanag ang options.At hayaan silang pumili.Minsan, tinatanggihan namin ang malaking kontrata kapag may kondisyon na hindi namin kayang tanggapin.Dati, matatakot ako sa pagkawala ng pera.Ngayon, alam ko nang hindi lahat ng oportunidad ay para sa akin.---Isang Sabado ng umaga, dinala ako ni Adrian sa bagong bahay namin.Hindi pa rin ako sanay tawagin itong “ba
Zuletzt aktualisiert : 2026-10-01 Mehr lesen