Kabanata 3 — Ang Silid na Hindi BinuksanNakatayo ako sa harap ng filing cabinet habang hawak ang maliit na susi.Sa buong basement, iyon lang ang drawer na walang label.At ngayon, alam kong para sa akin iyon.“Dahan-dahan,” sabi ni Adrian.Tumango ako.Ipinasok ko ang susi sa kandado.Click.Bumukas ang drawer.Walang mga dokumentong makapal.Walang pera.Isang maliit na itim na kahon lang ang nasa loob.Kinuha ko iyon.“May pangalan,” sabi ni Ethan.Tiningnan ko ang takip.MIRA AURELIA CRUZHuminga ako nang malalim.“Buksan natin.”Pinindot ko ang gilid.Bumukas ang kahon.May tatlong bagay sa loob.Isang lumang susi.Isang litrato.At isang sobre.Kinuha ko muna ang litrato.Nanigas ako.Larawan iyon ni Leonardo.Pero hindi siya mag-isa.Kasama niya si Marina, Rafael, at isang batang babae.Ako.Sa likod namin ay ang mismong mansyon.Napakunot ang noo ko.“Bakit may picture ako rito?”Lumapit si Marina sa litrato.Pagkakita niya, napahawak siya sa bibig.“Hindi ko alam na itinago
Zuletzt aktualisiert : 2026-09-12 Mehr lesen