Share

CRAVING MY AUNT'S HUSBAND
CRAVING MY AUNT'S HUSBAND
Author: Mavic Moore

CHAPTER 1

Author: Mavic Moore
last update publish date: 2026-10-27 15:46:24

Leigh POV

"Love, pagod ako sa work. Magpahinga muna ako ngayon ha? Bukas na lang tayo mag-celebrate ng first anniversary natin, okay?"

Paulit-ulit kong binabasa ang text ni Lance habang nakatayo ako sa harap ng salamin. Alas-kwatro pa lang yung chat niya. Alas-nwebe na. Siguro naman nakapagpahinga na siya.

Nasa harap ko ang pulang nighties na isang linggo kong tinago sa drawer. Hanggang hita, malambot sa balat, ngayon ko lang sinuot. Sa mesa, may adobo na niluto ko na maraming bawang kasi paborito niya. May maliit na cake galing Goldilocks na may nakasulat na "Happy Anniversary". May isang bote rin ng sweet wine na pinag-ipunan ko talaga.

Nag-reply ako kanina ng, "Sige love, pahinga ka lang muna. I love you." Tapos pinatay ko ang phone ko. Gusto ko siyang sorpresahin.

"Ngayong gabi na," bulong ko sa salamin.

Pumunta ako sa apartment niya sa downtown. Suot ko ang pulang nighties na sinapawan ko lang ng robe. Dala ang paper bag na may adobo at cake. Pagdating ko sa p***o, bahagyang bukas. May mahinang music sa loob. Yung playlist namin.

Napangiti ako. Sa isip ko baka may sorpresa rin siya sa akin.

"Lance? Love? Surprise—"

Natigil ang boses ko.

Sa sofa na dati naming hinihigaan para manood ng N*****x at magkayakap, may ibang babae. Maputi, mahaba ang buhok, at wala ni isang saplot — tanging t-shirt lang ni Lance ang pilit na tinatakip sa sarili. At si Lance, yung sinasabing pagod sa trabaho, nakaupo at lantarang karga ang hubad na babae sa kandungan niya.

Nabitawan ko ang paper bag. Tumapon ang sabaw ng adobo sa sahig at gumuho ang maliit na cake.

"Love?" Biglang tumayo si Lance. Tarantang kinuha ang shorts sa sahig. Itinulak niya palayo ang babae.

"Love? Love, sandali magpapaliwanag ako."

Nanginginig ang labi ko. "Sabi mo pagod ka. Sabi mo magpapahinga ka. Kaya ako nandito. Anniversary natin ngayon, Lance at ayaw ko sanang ipagpabukas pa!"

"Love, magpapaliwanag ako," lumapit siya at pilit hinawakan ang kamay ko. "Isang beses lang nangyari. Nalasing lang ako."

"Lance, sino 'tong babaeng 'to?"

Tumingin ang babae sa akin na parang naiirita, parang ako pa ang istorbo. Pero si Lance hindi tumingin sa babae, sa akin lang siya nakatingin.

"Love, sorry. Nagawa ko lang 'to dahil pakiramdam ko boring ang relasyon natin. Isang taon na, pero hindi mo pa rin maibigay sa akin ang pangangailangan ko bilang lalaki. Pero mahal kita. Ikaw pa rin ang mahal ko."

"Pero sabi mo hihintayin mo ako..." basag na ang boses ko. "Kaya nga ako nandito ngayon dahil handa na ako, Lance... handa na akong ibigay sa'yo ang matagal mo nang hinihiling."

Hinila niya ang kamay ko. "Love, patawarin mo ako. Mahal kita. Let's fix this."

Binawi ko ang kamay ko.

"Mahal mo ako? Sa ganitong paraan mo pinapakita na mahal mo ako? Anong klaseng pagmamahal 'yan?"

"Love, please. I'm so sorry. Tao lang ako, nagkakamali... nagsisisi na ako..."

"Isang pagkakamali na hindi ko kayang patawarin," putol ko sa kanya. "Tapos na tayo, Lance."

Hindi na ako lumingon pa. Tumakbo ako palabas. Narinig ko pa siyang tinatawag ang pangalan ko.

Paglabas ng building, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Pero hindi ito nakapigil sa akin para umalis. Sinuong ko ang buhos ng ulan. Basang-basa ako. Sumilong ako sa isang waiting shed at doon humagulgol.

By the way, ako nga pala si Leigh. 23 years old, bagong graduate ng BSBA at virgin pa rin hanggang ngayong gabi na dapat sana ay hindi na. Si Lance ang first ko sa lahat. First boyfriend, first kiss, first yakap, kaya durog na durog ang puso ko.

Ayaw ko munang umuwi, tiyak kong kukulitin pa rin ako ni Lance. Nanginginig kong tinawagan ang tanging naalala ko.

"Auntie Celia?"

"Leigh? Bakit umiiyak ka? May nangyari ba?"

"Auntie, pinagtaksilan ako ni Lance... gusto ko na munang lumayo sa kanya… wala po akong ibang mapuntahan... pwede po bang makituloy muna sa inyo?" sunod-sunod kong sabi habang humahagulhol pa rin.

"Sige, pumunta ka dito. Papabuksan kita ng gate sa Uncle Brix mo."

Pagdating ko sa Emelda subdivision, nakatayo sa gate si Uncle Brix, nakapayong. Naka-puting sando lang at basa na rin ng ambon dahil hinihintay ako. Isang beses ko lang siyang nakita noon pero namumukhaan ko pa rin siya.

"Leigh? Diyos ko, pasok ka. Basang-basa ka na," sabi niya.

Pagpasok sa bahay, hinubad ko ang basang robe. Basa na rin ang suot kong nighties at dumikit na sa katawan ko. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Uncle Brix at inabutan ako ng puting tuwalya.

"O, punasan mo muna 'yang buhok mo. Ginaw na ginaw ka na oh. Teka, ipagtitimpla lang kita ng mainit na gatas."

"Salamat po, Uncle, napakabuti n'yo naman po."

"Ano ka ba? Pamangkin ka ng asawa ko, kaya dapat lang na tratuhin kita nang maayos."

Sinundan ko siya ng tingin papuntang kusina. Naisip ko, napakaswerte ni Auntie Celia dahil may mabait at gwapong asawa. Malayong-malayo kay Lance na ako lang lagi ang nag-aalaga.

Pagbalik niya, inabutan niya ako ng isang baso ng mainit na gatas at itinuro ang maliit na kwarto sa dulo.

"Diyan ka muna sa bakanteng kwarto. Magbihis ka na ng tuyong damit."

"Opo, Uncle. Ahm... nasaan nga pala si Auntie Celia?"

"Nasa loob, bukas na daw kayo mag-usap dahil magpapahinga na daw muna siya. Katatapos lang kasi niyang gumawa ng report sa PrimeBuild."

"Ah, okay po..."

"Magpahinga ka na, Leigh, hayaan mo, lilipas din 'yang problema mo."

Pumasok ako sa kwarto, at pumasok din si Uncle Brix sa kabilang kwarto. Magkatabi lang pala ang kwarto namin, pero hindi man lang nagawang lumabas ni Auntie Celia para damayan ako.

Sa loob, bumungad sa akin ang malaking salamin. Nakita ko ang sarili ko — basang-basa, malungkot, nanginginig. Kumuha ako ng lumang damit sa closet. Umupo ako sa kama at doon lang ako tuluyang humagulgol.

Hindi dahil inisip kong hindi na ako mahal ni Lance.

Kundi dahil mahal ko pa rin siya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 6

    Leigh POVTumutunog pa rin ang cellphone ni Uncle Brix sa maliit na mesa.Parehong kaming nag-aalangan kung itutuloy pa o hihinto na. Alam ko kung gaano kamahal ni Uncle Brix si Auntie Celia. Pero sa pagkakataong ito, ako ang kanyang pinili.Hindi niya sinagot ang tawag ni Auntie Celia. Hinayaan lang niyang mang-ring na mag-ring ang kanyang cellphone, hanggang sa kusa na itong tumigil.Mas naging mapusok ang kanyang halik. Hindi na yung halik na nag-aalangan kanina. Mas buo na. Yung tipong matagal na niyang pinipigilan.Dahan-dahang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg. At dahil maluwag ang strap ng aking nighties, kusa na itong dumulas sa aking balikat. Pababa nang pababa ang kanyang mga halik. Nag-aalab na tila apoy na hindi maapula. Napadaing na lang ako nang bigla niyang sunggaban ang dalawang umbok sa aking dibdib, habang ang kanyang mga kamay ay gumapang sa ilalim ng aking suot na nighties. Dahan-dahan niya akong ihiniga sa sofa, habang ang kanyang mga kamay ay nanatiling n

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 5

    Leigh POV Nang mga sumunod na gabi, hindi pa rin umuuwi si Auntie Celia. Labis akong naawa kay Uncle Brix. Iiwasan ko sana siya pero hindi ko mapigilan ang sarili kong lumapit sa kanya sa sala."Uncle Brix, wala pa rin ba si Auntie Celia?""Nasa team building pa rin daw siya, stranded dahil masama ang panahon," malungkot na wika ni Uncle Brix, hawak ang cellphone. "Hindi na siya nag-reply."Tahimik lang ako. Hindi ko alam kung maniniwala pa ba ako sa team building. Pang-limang gabi na ngayon na wala siya. Tatlong araw lang daw, pero lagpas na.Nang gabing 'yon, hindi ako nagtagal sa sala. Pumasok ako sa kwarto, napag-isipan kong iiwasan ko na muna si Uncle Brix simula nung muntik na akong hindi makapagpigil sa sarili. Nagkulong ako sa kwarto.Nang makita ko ang pulang nighties na isusuot ko sana nung anibersaryo namin ni Lance, naisip kong isuot ito, hindi para kanino, kundi para sa sarili ko. Gusto kong maramdaman na maganda pa rin ako kahit iniwan ako. Tutal matutulog na rin naman

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 4

    Leigh POVSa gabi-gabing matagal na pag-uwi ni Auntie Celia at gabi-gabing pagtatalo nilang mag-asawa, may napansin akong kakaiba kay Uncle Brix.Tuwing umuuwi si Auntie Celia nang late, kahit pagod na pagod na siya at halatang iniiwasan siya, gabi-gabi pa ring naghihintay si Uncle Brix. Parang mas naging obsessed pa siyang makatabi ang asawa. Gabi-gabi siyang nag-aayos ng kama, at pilit na nilalambing si Auntie Celia kahit sinabihan na siya ng masasakit na salita."Brix, tigilan mo nga ako! Pagod ako!" madalas kong marinig na sigaw ni Auntie Celia mula sa kabilang dingding. "Matulog ka na!"Pero hindi tumitigil si Uncle Brix. Naririnig ko pa rin ang boses niya na nagmamakaawa, "Mahal, pag-usapan naman natin. Miss na kita.""Dahil dito, mas naging curious ako. Hindi ko gustong makinig, pero dahil manipis ang pader, naririnig ko ang lahat. Yung pagtatalo, yung pagmamakaawa, at pagkatapos, yung katahimikan na nagpapakaba sa akin. Yung pilit na pag-aayos. Sumunod ang mga mahihinang boses

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 3

    Leigh POV Nang mga sumunod na araw ay mas naging madalas ang pag-alis ni Auntie Celia tuwing gabi at kung minsan ay hindi na umuuwi.Isang umaga, bago siya umalis, nagkausap kami."Leigh," tawag niya habang hawak ang laptop bag, naka-blazer at naka-heels. "Pasensya ka na ha, simula nang dumating ka, hindi pa kita naasikaso. Masyado lang talaga akong busy sa PrimeBuild. Operations Manager na kasi ako ngayon, sunod-sunod ang meeting at client dinner.""Okay lang po, Auntie. Naiintindihan ko po," sagot ko. Naniwala naman ako. Akala ko talaga trabaho lang."Sige, pag nagka-oras ako, mag-dinner tayo ha? Bawi ako," sabi niya at umalis na.Simula nun, mas madalas na siyang wala. Minsan naka-dress, mabango, naka-makeup nang makapal. Hindi na siya yung Auntie Celia na kilala ko na simpleng t-shirt lang sa bahay.Si Uncle Brix ay laging naiiwan sa sala at naghihintay hanggang sa madaling araw. Nakikita ko siya gabi-gabi. Nakaupo sa sofa, bukas ang TV pero hindi naman nanonood. Hawak ang cellph

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 2

    Leigh POV Sa unang gabi ko sa bahay ni Tita Celia, hindi agad ako nakatulog. Sakto lang ang bakanteng kwartong pinatulugan nila sa akin. Malambot ang kama, pero amoy luma at halatang matagal nang hindi nagagamit. Nakapatay ang ilaw, pero dilat na dilat ako. Hawak ko ang kumot hanggang dibdib at nakikinig lang sa katahimikan ng buong bahay. Nasanay ako na may boses si Lance sa kabilang linya bago matulog. Ngayon wala na. Binlock ko na siya. Kaya tahimik ang cellphone ko. Muli na namang tumulo ang luha ko pero naudlot ito nang marinig ko ang ingay sa kwarto nina Auntie Celia at Uncle Brix. Manipis lang pala ang dingding. Rinig na rinig ang boses ni Auntie Celia. "Tigilan mo nga ako, Brix! Nakakasawa ka na!" matinis at galit ang boses ni Auntie Celia. Paulit-ulit niyang minamaliit si Uncle Brix. "Construction worker ka lang, Brix! Samantalang ako, Operations Manager na sa PrimeBuild! Ako ang bumubuhay sa bahay na 'to! Anong ambag mo? Pawis? Pabigat ka lang! Wala kang kwenta!" T

  • CRAVING MY AUNT'S HUSBAND    CHAPTER 1

    Leigh POV"Love, pagod ako sa work. Magpahinga muna ako ngayon ha? Bukas na lang tayo mag-celebrate ng first anniversary natin, okay?"Paulit-ulit kong binabasa ang text ni Lance habang nakatayo ako sa harap ng salamin. Alas-kwatro pa lang yung chat niya. Alas-nwebe na. Siguro naman nakapagpahinga na siya.Nasa harap ko ang pulang nighties na isang linggo kong tinago sa drawer. Hanggang hita, malambot sa balat, ngayon ko lang sinuot. Sa mesa, may adobo na niluto ko na maraming bawang kasi paborito niya. May maliit na cake galing Goldilocks na may nakasulat na "Happy Anniversary". May isang bote rin ng sweet wine na pinag-ipunan ko talaga.Nag-reply ako kanina ng, "Sige love, pahinga ka lang muna. I love you." Tapos pinatay ko ang phone ko. Gusto ko siyang sorpresahin."Ngayong gabi na," bulong ko sa salamin.Pumunta ako sa apartment niya sa downtown. Suot ko ang pulang nighties na sinapawan ko lang ng robe. Dala ang paper bag na may adobo at cake. Pagdating ko sa pinto, bahagyang buka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status