LOGIN
ARMIA
TAHIMIK ang buong silid-ospital, at ang tanging tunog lamang ng heart monitor ang bumasag sa kalagitnaan ng gabi. Habang nakahiga si Ate Angela, habang mahigpit na nakahawak sa aking mga kamay. May sakit itong tumor at lumala na ang sakit nito na hindi na naagapan pa ng chemotherapy. Maputla ang kanyang mukha, ngunit may kakaibang kapayapaan sa kanyang mga mata, bago siya tuluyang pumikit ng pang habangbuhay. Ngunit bago ang huling hininga niya, bumulong siya ng mga katagang tuluyang nagpabago sa takbo ng aking buhay. “Armia... pakiusap, tuparin mo ang huling hiling ko. Alagaan mo si Jonathan... ikaw ang maging asawa niya para sa akin.” Iyon ang mga salitang nag-iwan ng matinding kirot at gulat sa dibdib ko. Hanggang sa huling sandali, ang lalaking pinakamamahal ko at fiance niya, ang iniisip niya. Lingid sa kaalaman ng lahat, matagal ko nang itinatago ang pagsinta kay Jonathan Villegas, noon pa man, bago pa man siya naging nobyo ng aking kapatid ay lihim ko na itong minahal. Pero hindi ko kailanman inakala na sa ganitong paraan ko siya makakamit. Makalipas ang ilang mga araw pagkatapos ng libing, narito na ako ngayon sa mansiyon ng mga Villegas. Ang lamig ng hangin sa labas ay sumasalamin sa bigat ng nararamdaman ko habang nakatayo sa tapat ng sala. Bumukas ang p***o at iniluwa nito si Jonathan. Suot pa rin niya ang itim na polo shirt, at bakas sa kanyang guwapong mukha ang pagod at matinding pighati. “Armia, are you okay? You’ve been so quiet since the funeral.” Mahina niyang tawag sa pangalan ko habang lumalapit. Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata. Ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. ‘Calm down, Armia. Kayanin mo ito.’ “I’m trying, Jonathan, kailangan nating pag-usapan ang huling hiling ni Ate Angela.” Sagot ko naman habang pilit na ngumiti kahit nanginginig ang aking mga labi. Napatigil siya. Umupo siya sa malapit na sofa at napahilamos ng mukha gamit ang kanyang mga palad. “I know. It’s... it’s too sudden, Armia. Ang hirap intindihin ng lahat ng ito.” Lumapit ako at marahang naupo sa tabi niya. Nilakasan ko ang loob ko para sabihin ang desisyong nagpabigat nang husto sa konsensya ko. “Alam ko kung gaano kasakit ito para sa iyo, Jonathan. But we have to honor her wish. Tutuparin ko ang pangako ko kay Ate.” Inangat niya ang kanyang ulo at seryoso akong tinitigan. “Do you really want this, Armia? Huwag mong pilitin ang sarili mo just because you feel obligated to fulfill her dying wish. Marriage is not a joke.” “Hindi ito laro para sa akin, I am doing this willingly. Papakasalan kita, Jonathan.” Seryosong tugon ko habang pinipigilang lumandas ang mga luha sa aking mga mata. Natahimik naman siya. Kitang-kita ko ang pag-aalangan at gulo sa kanyang mga mata. Para sa kanya, si ate Angela lang ang mahal niya. Hindi niya alam na ang puso kong ito ay matagal nang tumitibok para sa kanya, kahit na alam kong hinding-hindi niya ako mapapansin sa paraang gusto ko. “If this is what Angela wanted... then I will agree, pero Armia, let’s be clear about this. I can’t promise you a normal marriage right away. My heart is still broken.” Basag niya sa katahimikan habang bumuntong-hininga nang malalim. “I understand, wala akong hinihinging kapalit, Jonathan. Ang mahalaga, matupad natin ang huling hiling niya.” Mabilis kong sagot. Tumayo siya at marahang hinawakan ang aking balikat. “Thank you, Armia. You always know how to be strong for everyone. Pero huwag sana mahulog ang loob mo sa akin, dahil mahal na mahal ko pa rin ang ate mo, I’m doing this, dahil hiniling ito ng ate mo sa atin.” Seryoso nitong saad bago ito tuluyang tumayo. “Naiintindihan ko,” malungkot na sagot ko ngunit hindi ko iyon pinahalata dito. Pagkaalis niya sa sala, saka lang ako tuluyang napabuntong-hininga. Totoo ngang tinanggap ko ang pagiging asawa niya para kay Ate, ngunit sa kaibuturan ng aking puso, lihim akong nasasaktan dahil alam kong pangalan lang niya ang maibibigay niya sa akin, ngunit hinding-hindi ang kanyang puso at pagmamahal. LUMIPAS ang mga linggo na ng maikasal kami sa huwes ay tila ba walang katapusang pag-ikot sa isang madilim na silid ang nangyayari. Ang akala ko, ang pagiging mag-asawa namin ni Jonathan ang magiging simula ng unti-unti kong pag-abot sa kanyang mga kamay. Ngunit nagkamali ako. Ang pagsasama naming dalawa ay walang idinulot kundi sunod-sunod na kirot at matinding paghihirap ko emosyonal. Trinato niya ako na parang isang estranghera na nakatira lamang sa ilalim ng kanyang bubong. Madalas siyang umiiwas sa akin, sapagkat alam kong sa tuwing titingin siya sa akin, ang nakikita lamang niya ay ang multo ng yumaong fiance nito, ang aking kapatid na si Angela. Ang mga ngiting minsa lang iginawad niya ay hindi kailanman naging akin. Ang bawat pagdikit niya sa akin ay may pag-iingat, at ang bawat salita ay may limitasyon. “Jonathan, kumain ka muna. I prepared dinner,” mahina kong alok habang nakatayo sa tapat ng kanyang home office nang gabing iyon. Hindi man lang niya inangat ang kanyang mukha mula sa mga dokumentong binabasa niya. Tumikhim lang siya bago malamig na sumagot. “No, Armia. I’m busy. Kumain ka na lang kung gusto mo, huwag mo akong intindihin, kakain na lang ako kapag nagutom ako, wala ka namang obligasyon sa akin kaya malaya kang gawin ang mga gusto mo.” Ganoon na lang palagi ang kanyang sagot sa tuwing lumalapit ako sa kanya para sabay kaming kumain o kaya mangungumusta sa maghapo.niya. Palaging may pader sa pagitan namin. Palaging may multo ng nakaraan na mas makapangyarihan kaysa sa kasalukuyan. Kaya habang tumatagal, ang pagmamahal na iningatan ko nang ilang taon ay unti-unting napalitan ng labis na sakit. Napagtanto ko na habang pinipilit naming tuparin ang huling hiling ni Ate, ay ang unti-unti namang pagpatay sa sarili ko sa mga pag iwas niya sa akin. Ayaw ko na. Ayaw ko nang maging anino lamang ng aking kapatid. At higit sa lahat, gusto ko na siyang palayain mula sa isang kasalang pilit na nakatali lamang sa isang obligasyon o pangako. Kahit hindi niya naman ako sinasaktan o pinapakitaan ng masamang ugali ay nararamdaman kong lalo lamang siyang lumalayo sa akin, sa bawat buwang lumilipas. Umabot naman kami ng anim na buwan na ganun lang ang set up na parang magkasama lang kami na parang hindi niya ako nakikita. Subalit ako ay napapagod na dahil habang tumatagal ay para na kaming estranghero sa isa’t isa baka mamalayan na lang namin na hindi na kami magkakilala. Tulad ng dati tahimik na naman ang buong mansiyon dahil nag over time si Jonathan sa kanyang opisina. At ang tanging malamlam na ilaw sa sala lamang ang aking kasama na nagbibigay-liwanag sa dilim habang ako ay nakaupo sa sofa. Mahigpit kong hawak ang isang brown envelope na naglalaman ng mga dokumentong matagal ko nang pinag-isipan. Mga papel ng annulment, habang matiyaga ko naman siyang hinihintay. At ilang sandali pa ang lumipas, narinig ko na ang pagbukas ng pintuan sa labas. Pumasok si Jonathan, suot ang kanyang amerikana na nakasabit na ngayon sa kanyang balikat. Bakas sa kanyang mukha ang pagod ng buong araw. Nang mapatingin ito sa gawi ko ay natigilan siya nang makita akong gising pa at naghihintay naman sa kanya sa sala. “Armia? Bakit gising ka pa? May problema ba?” tanong niya habang inilalagay ang kanyang mga gamit sa ibabaw ng mesa. Tumayo naman ako nang dahan-dahan. Kinuha ko ang sobre na nasa mesa at iniabot ko ito sa kanya nang may katatagan sa kabila ng panginginig ng aking mga kamay. “J-Jonathan, ilang buwan na tayong ganito, hindi ka ba napapagod? We tried our best to honor ate Angela’s wish. Pero nakikita ko kung gaano ka nahihirapan. At pagod na rin ako sa ganitong sitwasyon.” Marahan kong saad, na may seryoso at diretso kong tiningnan ang kanyang mga mata na nagulat sa aking inabot. “What is this?” Napakunot ang noo niya. habang nagtatanong at tinititigan ang sobre na hawak ko. Hindi niya ito binuksan, ngunit parang alam na niya ang nilalaman nito. “A-annulment papers, Jonathan, I am letting you go. Hindi mo na kailangang magtiis pa sa kasalang ito dahil lamang sa pangako natin kay Ate Angela, sapat na rin siguro ang anim na buwan na natupad na nating ang huling hiling niya.” Malinaw na sambit ko. Sumikip man ang lalamunan ko, ngunit pinilit kong maging matatag. Biglang lumapit si Jonathan, sa akin at bakas ang gulat at pagtataka sa kanyang mukha na hindi ko maintindihan kasi dapat ay matuwa siya. “Are you out of your mind, Armia? Ano na naman ito? Bigla-bigla ka na lang magdedesisyon ng ganito?” madiin na tanong nito. “Pagod na kasi akong maging anino ng kapatid ko! Pagod na rin akong makita kang umiiwas sa akin, dahil ang mukha ni Ate ang nakikita mo tuwing tinitingnan mo ako! Kung gusto mo siyang alalahanin, gawin mo nang malaya ka. Hindi mo na ako kailangan!” malungkot na sagot ko. Natahimik naman si Jonathan. Napatulala siya sa akin, tila ba ngayon lang niya ako nakita nang buo, hindi bilang kapatid ni ate Angela, kundi bilang si Armia na may sariling nararamdaman, nasasaktan, at lumalaban. “Armia… It’s not that simple… I try naman na subukan kang pakisamahan at tanggapin, kaso hindi pa sa ngayon, I love Angela so much… but I try to save our marriage, and started to like you! But…” basag ang boses na tawag niya sa pangalan ko, habang nagpapaliwanag. “‘Yun ang akala mo, pero sa loob-loob mo hindi mo ako kayang mahalin o magustuhan dahil alam kong hindi ko mapapalitan si Ate riyan sa puso mo, kahit wala na siya! Kaya hinihiling ko na pirmahan mo na ang mga papel na iyan. Palayain mo na ako... pati na rin ang sarili mo.” Pagtatapos ko sa gusto pa nitong sabihin, habang pinunasan ang mga luhang pilit na kumakawala sa aking mga mata. ITUTULOYARMIA HINDI ko alam kung gaano katagal kaming nanatili sa loob ng tahimik na sasakyan, habang ang init ng kanyang palad ay nanunuot sa nanginginig kong palad na hawak niya. Ang bawat paghinga ko ay mabigat, at tila ba ang bawat hibla ng katinuan ko ay unti-unting nauupos sa bawat pulgadang paglapit ng kanyang mukha.Gusto ko siyang itulak. Gusto kong hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya at sabihing…‘Huwag kang umasta na parang may karapatan ka pang hawakan ako’, pero ang traydor kong katawan ay nanatiling nakapako sa kinauupuan ko. Ang amoy ng pamilyar na pabango niya na humahalo sa malamig na hangin ng aircon ay parang kawit na humihila sa akin pabalik sa mga panahong wala pang sugat, walang galit, at walang limang taon ng pagdurusa.“Jonathan… itigil mo na ito nababaliw ka na.” Nanginginig kong bulong, sapat na para marinig niya iyon. Habang unti-unting humigpit ang hawak niya sa aking kamay bago dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa aking mga labi. Ramdam ko ang pagpigi
ARMIA NANG sumapit ang alas-sais ng gabi, akala ko ay nakatakas na ako. Inayos ko na ang mga gamit ko sa ibabaw ng mesa, handang-handang tumakbo ako papuntang elevator pauwi kay Nanay Belen at kay Jason, nang bumukas ang pinto ng executive office.Lumabas si Jonathan. Suot na niya ang kanyang itim na suit na mas lalong nagpalitaw sa tindig at kagwapuhan niya, hawak ang kanyang attachcase sa isang kamay habang ang kabilang kamay ay nakasuksok sa bulsa ng pantalon. Malamig at seryoso ang mukha nito, ngunit may kakaibang kislap ng determinasyon sa mga mata nang dumapo iyon sa akin.“Saan ka pupunta?” tanong niya, ang boses ay may awtoridad na nagpatigil sa mga paa ko.“Uuwi na pi,” mabilis kong sagot nang hindi tumitingin nang diretso sa kanya. “Tapos na ang working hours ko, Mr. Villegas. Kung wala na kayong ipag-uutos, mauuna na ako.”“Hindi ko sinabing tapos na ang trabaho mo para sa araw na ito,” sagot niya habang naglalakad palapit sa akin. “Kailangan ko ang personal secretary ko s
ARMIA HINDI ko hinayaang magtagumpay si Jonathan na sirain ang araw ko. Matapos ang mainit na tagpo naming iyon sa loob ng kanyang opisina, ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa trabaho. Nag-ayos ako ng mga dokumento, nag-verify ng mga schedule, at sinigurong walang kahit isang maliit na detalye ang makakaligtaan. Ayokong magbigay ng kahit anong dahilan para masabihan niya akong incompetent.Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Bandang hapon, habang nagdadala ako ng karagdagang financial statements sa kanyang mesa nang walang katok-katok, dahil naiinis pa rin ako sa kanya ay naabutan ko siyang may kausap sa telepono.Natigilan ako sa pintø. Nakatalikod siya habang nakatanaw sa malawak na glass window ng kanyang opisina, maluwag ang kurbata at bahagyang gusot ang manggas ng kanyang polo.“I don’t care about the board’s approval on that specific clause. Just fix it,” seryoso at malamig na utos niya sa kausap bago ibinagsak ang linya.Pagharap niya, agad ding sumalubong sa akin ang mga
KINABUKASAN maaga akong pumasok sa Villegas Corporation. Para ipagpatuloy ang pagiging sekretarya ko, Hindi ko nga alam kung anong uri ng kabaliwan ang sumapi sa akin nang pirmahan ko ang kontrata bilang Secretary ng lalaki na iyon pero dahil Kay Jason ay titiisin ko na lang ang kamalasan na nangyayari ngayon sa buhay ko, kung matatawag ko nga bang kamalasan nga ito ngayon. Pero ano nga bang laban ko? Mas mataas ang sahod, doble ang porsyento ng komisyon, at higit sa lahat, kailangan ko ang perang ito para kay Jason. Isa pa, mas gusto ko nang nasa ilalim ako ng mga mata niya kaysa sa nagtatago ako sa kanya para mabantayan ko rin ang mga gagawin ni Jonathan, kinakabahan man sa bawat tawag o imbestigasyon na baka sikretong isagawa niya likod ko. Kung gusto niyang mag-imbestiga, ibibigay ko sa kanya ang mukha ng isang Armia na palaban at hindi na lang basta tatahimik pa.“Armia,” natigilan ako sa pag-aayos ng mga dokumento sa ibabaw ng aking table na ilang metro lang ang layo sa malaki
ARMIA MARIING nakatitig sa akin ang mga mata ni Jonathan, matapos niya akong halikan. Ramdam ko ang pag-wawala ng sarili kong dibdib sa kaba. Kaya ang bawat tibok niyon ay parang tambol na nagmamadaling tumalon palabas. Halos mawalan na ako ng balanse ang mga tuhod ko, pero pinilit ko pa ring itayo ang natitira kong pride. Hinding-hindi ako magpapadala sa lalaking ito. Not this time. Not after everything he put me through.“Ang kapal ng mukha mong halikan ako!”galit kong saad.Ngunit ngumiti lang ito ng nakakaloloko Kaya lalo akong naasar dito.“Palalagpasin ko ang ginawa mo sa akin, Mr. Villegas at iisipin ko na lang na hindi mo iyon sinasadya, ngunit kapag inulit mo iyon ay kakasuhan kitang harassment, kapag hindi mo pa ako pinakawalan, at tsaka naghihintay na si Jason sa akin.” Mariing kong saad, pero may diin ang bawat salita para ipakita sa kanyang hindi ako natatakot. “Let him wait a little longer, We’re not done talking yet, Armia. Pasensya ka na kung nahalikan kita hin
ARMIA ANG bawat araw na lumilipas ay parang paglalakad sa ibabaw ng manipis na yelo, dahil isang maling hakbang ko lamang ay maaari akong lumubog sa malamig at malalim na tubig ng katotohanan. Sa kabila ng mabibigat na responsibilidad at presyon sa bagong posisyon, pinanatili ko ang aking propesyonalismo at determinasyon na itago ang tunay na katotohanan ukol sa aking anak.“Ms. Bronel, kailangan ko na ang summary report para sa Q3 logistics expansion bago mag-a-alas-dose,” malamig na utos ni Mr. Vergara habang dumadaan sa aking mesa at nagpatong ng makakapal na folder.“Opo, Sir. Nirereview ko na lang po ang huling adjustments at ipapadala ko na sa opisina ninyo bago mag-tanghalian,” magalang at matatag ko namang sagot habang ipinapakita ang ngiti.“Good. Alam kong maaasahan ka rito sa executive floor, Armia. Keep up the good work,” pagpupuri niya bago tuluyang naglakad patungo sa conference room.Pagkaalis niya, ay napabuntong-hininga ako nang malalim. Hinawakan ko ang gilid n







