Hindi ko inaasahang magkakaroon agad ako ng problema matapos makipag-usap kay Celeste. Pero kung iisipin, hindi naman talaga ako dapat magulat.Sa original novel, isa siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit tuluyang nasira ang buhay ni Seraphina. Ang nakapagtataka lang, bakit parang mas kinakabahan siya ngayon kaysa sa akin?I shook my head and continued walking toward my car. Wala akong balak makipagkompetensiya sa kaniya. Kung gusto niya si Damien, puwede niyang kunin iyon. Hindi ko ipaglalaban ang isang lalaking hindi naman worth fighting for.Pagdating ko sa apartment, agad kong inilapag ang mga pinamili ko sa kitchen counter.Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Ngunit bago pa ako makapagpalit ng damit, tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen. Si Damien iyon. Ilang beses na siyang tumawag simula kahapon. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa mga ginagawa ko.Sa huli, sinagot ko rin ang tawag."What?""Where are you?"Napakunot-noo ako."Why?"
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-11-22 อ่านเพิ่มเติม