แชร์

CHAPTER 5 THE NAME BEHIND THE ACCIDENT

ผู้เขียน: Mr. Yum
last update วันที่เผยแพร่: 2026-11-22 16:01:25

Hindi ko na nagawang matulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero.

Stop investigating the accident if you still want to live.

Hindi iyon basta pananakot. May taong alam na hinahalungkat ko ang nangyari kay Seraphina bago ako mapunta sa katawan niya. At mas nakakatakot isipin na maaaring malapit lang sa akin ang taong iyon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang dating driver ng pamilya Vaughn. Ilang beses itong nag-ring bago tuluyang mapunta sa voicemail.

Sinubukan ko ulit. Ngunit wala pa rin.

"Please, sagutin mo naman," bulong ko.

Hindi ako mapakali. Kung totoo ang sinabi niya na may pangalan siyang natuklasan, kailangan kong malaman iyon bago pa siya tuluyang patahimikin.

Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa lugar na pinagkasunduan namin. Isang maliit na coffee shop sa labas ng lungsod.

Pero halos isang oras na akong naghihintay, wala pa rin siya.

Tinawagan ko ulit ang numero niya. But unfortunately, hindi ko na siya makontak.

Napakagat ako sa labi. May masamang nangyari. Tumayo ako at nagmamadaling lumabas ng coffee shop. Habang papunta ako sa sasakyan, may napansin akong itim na SUV na nakaparada sa kabilang kalsada.

Hindi ko iyon pinansin noong una.Pero nang humakbang ako papunta sa kotse ko, umandar din ang SUV. Huminto ako.Huminto rin ito. Nanlamig ang mga daliri ko sa pagkakahawak sa cellphone. Hindi ako paranoid. May sumusunod sa akin. Mabilis akong sumakay sa kotse at pinaandar iyon. Ilang beses akong lumiko sa iba't ibang kalsada, umaasang mawawala ang SUV sa likuran ko.

Pero hindi. Mas lalo akong kinabahan nang mapansin kong papalapit na ito.Biglang tumunog ang cellphone ko.Unknown Number l. Nanginginig kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Stop digging, Seraphina."

Nanlaki ang mga mata ko.

Boses iyon ng isang lalaki. Malalim at malamig.

"Sino ka?"

"You're making a mistake."

"Kung alam mo ang nangyari sa akin, bakit hindi mo na lang sabihin ang totoo?"

Saglit na natahimik ang nasa kabilang linya. Pagkatapos ay mahina siyang natawa.

"Because the truth will destroy the people you trust."

Naputol ang tawag. Bago pa ako makapag-isip, biglang sumulpot ang itim na SUV sa tabi ng sasakyan ko. Napahigpit ang hawak ko sa manibela.Hindi ako pwedeng magkamali ngayon.

Pero nang bigla itong humarurot at piliting sumingit sa harapan ko, napasigaw ako.

Napakabig ako sa manibela.Tumama ang gulong ko sa gilid ng kalsada.Muntik nang mawalan ng kontrol ang sasakyan ko. Sa kabutihang-palad, nakapagpreno ako bago tuluyang bumangga.

Nang tumingin ako sa likuran, wala na ang SUV. Huminga ako nang malalim habang pilit pinapakalma ang sarili.Hindi aksidente ang nangyari kay Seraphina. At mukhang may gustong tiyaking hindi ko malalaman kung sino ang may gawa noon.

Pagdating ko sa apartment, agad kong sinuri ang cellphone ko.

May tatlong missed calls mula kay Damien. May isa ring mensahe.

Where are you?

Hindi ko iyon pinansin. Makalipas ang ilang minuto, may panibagong tawag.

Siya na naman. Napabuntong-hininga ako bago sinagot.

"What?"

"Where the hell are you, Seraphina?"

Napakunot ang noo ko. "Bakit?"

"I've been calling you since this morning."

"At kailangan ko bang sagutin lahat ng tawag mo?"

"Don't start with me."

Napailing ako.

"Damien, kung wala kang importanteng sasabihin, ibababa ko na."

"Come home."

Napatawa ako nang walang saya.

"Akala ko ba ayaw mo akong makita?"

"That's not what I said."

"Pero iyon ang ipinaparamdam mo sa akin."

Tahimik siya sandali.

"You're still my wife. You can't just disappear whenever you want."

Napapikit ako. Ayan na naman kami.Lagi niyang ipinapaalala ang kasal namin kapag gusto niyang kontrolin ang mga desisyon ko. Pero noong kailangan ko siya, wala siya.

"Damien, hindi ako nawawala. Nasa apartment ko lang ako."

"Then come back."

"No."

"Seraphina—"

"May sarili akong buhay. Hindi mo kailangang malaman ang bawat galaw ko."

Bago ko pa maibaba ang tawag, narinig ko ang malamig niyang tinig.

"Don't make me come there."

Napahawak ako sa sentido.

"At kung pumunta ka rito, ano naman ang gagawin mo? Pipilitin mo akong sumama?"

Wala siyang naisagot.

"Goodbye, Damien."

Ibinaba ko ang tawag.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa kung nasaan ako. Hindi naman siya ganoon noong magkasama pa kami sa iisang bahay.

Pero wala akong oras para isipin iyon.Mas mahalagang malaman kung sino ang nag-utos sa pagmanipula sa sasakyan ni Seraphina.

At kung bakit may perang nawawala sa account niya.

Sa mismong araw na iyon, pumunta ako sa opisina ng abogado ko.

"May nakuha na ba kayo tungkol sa mga paglilipat ng pera?" tanong ko.

Inilapag niya ang ilang dokumento sa harap ko.

"Yes, Ms. Vaughn. We've traced some of the transactions. The money was transferred to a company account."

"Anong kumpanya?"

Itinuro niya ang pangalan sa papel.

LAURENT HOLDINGS.

Napatigil ako. Laurent.Iyon din ang apelyido ni Celeste. Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko sa abogado.

"Sigurado ba kayo rito?"

Tumango siya.

"These are the records from your personal account. The transfers were made in several installments over the past three months."

Tatlong buwan. Ibig sabihin, nagsimula ang paglilipat ng pera noong panahon ding nagpakasal si Seraphina kay Damien.

"May iba pa po ba kayong nahanap?"

Naglabas siya ng isa pang dokumento.

"There's something else. The company that received the money was registered under a different name, but its authorized representative is connected to the Laurent family."

Napahawak ako sa dokumento.

Hindi ko alam kung si Celeste mismo ang may gawa nito o ginagamit lang ang pangalan ng pamilya nila.Pero hindi na simpleng selos ang pinag-uusapan namin. May perang nawawala. May aksidenteng kailangang pagtakpan. At may taong handang manakot para lang tumigil ako.

"Please, huwag muna nating ipaalam kay Damien ang tungkol dito," sabi ko.

"May dahilan po ba?"

Tinitigan ko ang dokumento.

"Dahil hindi ko pa alam kung sino ang kakampi at kalaban ko."

___

Gabi na nang makabalik ako sa apartment Pagbukas ko ng p***o, agad akong napahinto.

May isang malaking bouquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa. Wala akong inorder na bulaklak. Lumapit ako rito at napansin ang maliit na sobre na nakapatong sa tabi ng plorera.

Walang pangalan ng nagpadala.Dahan-dahan ko itong binuksan. Isang litrato ang nasa loob.Ako iyon.

Kuha habang naglalakad palabas ng coffee shop kaninang umaga.

Napalunok ako. Sa likod ng litrato ay may nakasulat na isang pangungusap.

You should have stayed dead.

Biglang nanlamig ang buong katawan ko.

Hindi lang nila alam na iniimbestigahan ko ang aksidente. Alam din nilang hindi ako ang dating Seraphina.

O baka naman… May mas malalim pang dahilan kung bakit nila gustong mamatay ang babaeng ito.

Mabilis kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang abogado, pero bago ko pa magawa iyon, may kumatok nang tatlong beses sa p***o.

Napahinto ako.

"Sino 'yan?"

Walang sumagot.

Muling kumatok.

Pagkatapos ay narinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Sis. Open the door."

Nanlaki ang mga mata ko.Hindi ako pamilyar sa boses na iyon.  Pero nakakasiguro akong kilala siya ng totoong Seraphina. At bakit parang galit na galit siya?

Dahan-dahan akong lumapit sa p***o. At nang buksan ko iyon...

 "Sino ka?"

Mabilis na kumunot ang noo nito.

"Ay, wow! Naikasal ka lang sa kuya ko, nakalimutan mo na agad ako?"

Kuya? Si Damien ba ang tinutukoy niya?

Muli ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Bata pa siya kumpara kay Damien. Matangkad din, maayos manamit, at may nakakalokong ngiti sa labi.

Saglit akong natahimik bago unti-unting nabuo sa isip ko ang isang pangalan.

"Adrian?"

Agad na lumawak ang ngiti niya.

"At least, naalala mo pa ako."

Si Adrian Vaughn. Nakababatang kapatid ni Damien at isa sa mga taong naging malapit kay Seraphina noong college sila.

Kung tama ang pagkakaalala ko, madalas silang magkasama noon. Pero hindi gaanong nabigyang-pansin ang karakter niya sa orihinal na nobela dahil bihira siyang lumabas sa kuwento.

"What are you doing here?" tanong ko.

"Wow. Ganiyan mo ba talaga ako sasalubungin? It's been a long time, sis."

"How did you find my apartment?"

"That's easy. I asked around."

Napakunot-noo ako.

"Why?"

Bigla siyang naging seryoso.

"I heard about what happened to you. I wanted to check if you're okay."

Napatingin ako sa kaniya.

"Who told you?"

"Does it matter?"

"Yes, it does."

Napabuntong-hininga siya bago muling ngumiti. Hindi ako agad sumagot. Sa totoo lang, hindi ko pa alam kung dapat ba akong magtiwala sa kaniya. Marami nang nangyari simula nang magising ako sa katawan ni Seraphina, at hindi ko na alam kung sino ang kakampi o kalaban.

"Can I come in?" tanong niya.

Saglit akong nag-alinlangan bago tumabi sa p***o.

"Fine. Come in."

Pumasok siya at agad na napatingin sa bouquet ng puting rosas sa ibabaw ng mesa.

"Wow. Someone sent you flowers?"

Hindi ako ngumiti. "Someone sent me a warning."

Nawala ang ngiti niya.

"What do you mean?"

At bago ko pa namalayan, bigla niya akong niyakap.

"Thank God you're safe."

Ilang segundo akong natigilan bago bahagyang gumanti sa yakap niya. Hindi ko alam kung gaano kami katagal na ganoon nang biglang bumukas ang p***o ng apartment.

"Seraphina?"

Napalingon ako.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nakatayo roon. Si Damien. Nakatitig siya sa amin habang mahigpit na nakakuyom ang kaniyang mga kamao.

Unti-unting bumaba ang tingin niya sa mga bisig ni Adrian na nakayakap pa rin sa akin.

"What the hell is going on here?"

Hindi agad nakasagot si Adrian.Sa halip, bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa nakatatandang kapatid.

"Hey, bro. Long time no see."

Subalit malamig lamang na tinitigan ni Damien ang kapatid.

"Get your hands off my wife."

At sa unang pagkakataon, nakita kong tila may kung anong nagbago sa mga mata ng asawa ko.

Hindi ko alam kung galit ba iyon, selos, o isang bagay na matagal na niyang itinatago.

Pero bakit parang hindi niya nagustuhang makita akong yakap ng sarili niyang kapatid?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE    CHAPTER 5 THE NAME BEHIND THE ACCIDENT

    Hindi ko na nagawang matulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero.Stop investigating the accident if you still want to live.Hindi iyon basta pananakot. May taong alam na hinahalungkat ko ang nangyari kay Seraphina bago ako mapunta sa katawan niya. At mas nakakatakot isipin na maaaring malapit lang sa akin ang taong iyon.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang dating driver ng pamilya Vaughn. Ilang beses itong nag-ring bago tuluyang mapunta sa voicemail.Sinubukan ko ulit. Ngunit wala pa rin."Please, sagutin mo naman," bulong ko.Hindi ako mapakali. Kung totoo ang sinabi niya na may pangalan siyang natuklasan, kailangan kong malaman iyon bago pa siya tuluyang patahimikin.Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa lugar na pinagkasunduan namin. Isang maliit na coffee shop sa labas ng lungsod.Pero halos isang oras na akong naghihintay, wala pa rin siya.Tinawagan ko ulit ang numero niya. But unfortunately, hindi ko na si

  • I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE    CHAPTER 4 – THE SECRET BEHIND THE ACCIDENT

    Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Paulit-ulit kong tiningnan ang litrato sa ibabaw ng mesa. Naroon si Celeste, katabi ang isang lalaking hindi ko kilala. Sa likod nila ay nakatayo si Damien.Hindi malinaw ang kuha, pero sapat iyon para makilala ko ang lalaking ilang beses ko nang nakaharap mula nang magising ako sa katawan ni Seraphina."Are you sure this is him?" tanong ko sa matandang lalaki."Yes, ma'am. I remember that day very clearly.""Why was he there?"Umiling ito."Hindi ko po alam ang buong kuwento. Ang alam ko lang, ilang araw bago ang aksidente ninyo, may nakita akong lalaking nakikipagkita kay Miss Laurent."Napatingin ako sa litrato."At si Damien?""Naroon din po siya, pero hindi ko alam kung alam niya ang pinag-uusapan nila."Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang posibilidad na may kinalaman si Celeste sa pagkamatay ng original Seraphina, o ang posibilidad na alam iyon ng sarili nitong asawa."Why didn't you report this before?"

  • I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE    CHAPTER 3 – THE WOMAN BEHIND THE INNOCENT SMILE

    Hindi ko inaasahang magkakaroon agad ako ng problema matapos makipag-usap kay Celeste. Pero kung iisipin, hindi naman talaga ako dapat magulat.Sa original novel, isa siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit tuluyang nasira ang buhay ni Seraphina. Ang nakapagtataka lang, bakit parang mas kinakabahan siya ngayon kaysa sa akin?I shook my head and continued walking toward my car. Wala akong balak makipagkompetensiya sa kaniya. Kung gusto niya si Damien, puwede niyang kunin iyon. Hindi ko ipaglalaban ang isang lalaking hindi naman worth fighting for.Pagdating ko sa apartment, agad kong inilapag ang mga pinamili ko sa kitchen counter.Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Ngunit bago pa ako makapagpalit ng damit, tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen. Si Damien iyon. Ilang beses na siyang tumawag simula kahapon. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa mga ginagawa ko.Sa huli, sinagot ko rin ang tawag."What?""Where are you?"Napakunot-noo ako."Why?"

  • I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE    CHAPTER 2 – I DON'T WANT YOUR LOVE ANYMORE

    "You're not going anywhere, Seraphina."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Damien habang nakatayo ako sa harap niya. Seriously? Hindi ba niya naiintindihan ang ibig kong sabihin? Gusto kong makipaghiwalay. Hindi ako humihingi ng permiso para magbakasyon."Did you hear what I said?" malamig niyang tanong."Yes. Unfortunately, I did."Bahagyang kumunot ang noo niya."Then stop acting like a spoiled child. You're my wife, and you have responsibilities in this family."Napatingin ako sa kaniya. Responsibilities? Sa pagkakaalala ko, wala naman siyang pakialam sa akin mula nang ikasal kami. Ni hindi nga niya ako tinatratong tunay na asawa. Ngayon, bigla siyang may sasabihing tungkol sa responsibilidad?"Don't worry. I won't cause you any more trouble.""That's not what I'm talking about.""Then what exactly do you want from me?"Hindi siya agad nakasagot. Napabuntong-hininga ako."Look, Damien. I know you love Celeste. I know you never wanted this marriage. So why are you

  • I TRANSMIGRATED INTO HIS HATED WIFE    CHAPTER 1 – I WOKE UP AS THE VILLAINESS

    "Don't you dare touch her!"Iyon ang unang narinig ko nang imulat ko ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko. Mabigat ang buong katawan ko, at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame bago ko napansing hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.Nasaan ako?Bakit amoy ospital ang paligid?"Seraphina! Can you hear me?"Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama. Matangkad siya, malapad ang balikat, at nakasuot ng mamahaling itim na suit. Gwapo siya, walang duda. Pero mas nangingibabaw ang malamig niyang ekspresyon kaysa sa hitsura niya.Hindi ko siya kilala. "Who are you?" mahinang tanong ko.Agad siyang napakunot-noo."What?"Sinubukan kong bumangon, pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido nang sunod-sunod na kakaibang alaala ang pumasok sa isip ko. Isang malaking mansiyon. sang marangyang kasal. Isang lalaking malamig ang pakikitungo sa asawa niya. At isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa kanila.Isa-isa

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status