เข้าสู่ระบบ
"Don't you dare touch her!"
Iyon ang unang narinig ko nang imulat ko ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko. Mabigat ang buong katawan ko, at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame bago ko napansing hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.
Nasaan ako?
Bakit amoy ospital ang paligid?
"Seraphina! Can you hear me?"
Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama. Matangkad siya, malapad ang balikat, at nakasuot ng mamahaling itim na suit. Gwapo siya, walang duda. Pero mas nangingibabaw ang malamig niyang ekspresyon kaysa sa hitsura niya.
Hindi ko siya kilala. "Who are you?" mahinang tanong ko.
Agad siyang napakunot-noo.
"What?"
Sinubukan kong bumangon, pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido nang sunod-sunod na kakaibang alaala ang pumasok sa isip ko. Isang malaking mansiyon. sang marangyang kasal. Isang lalaking malamig ang pakikitungo sa asawa niya. At isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa kanila.
Isa-isa namang rumehistro sa utak ko ang kanilang mga pangalan.
Seraphina Vaughn.
Damien Vaughn.
Celeste Laurent.
Nanlaki ang mga mata ko. Hindi maaari.Kilala ko ang mga pangalang iyon. The Villainess Must Die.
Iyon ang pamagat ng romance novel na binasa ko kagabi bago ako nakatulog. Isang kuwentong tungkol sa isang babaeng nagpakasal sa lalaking hindi naman siya mahal.
Si Seraphina Vaughn ang kontrabida sa nobela. Mayaman, maganda, at nagmula sa isang makapangyarihang angkan. Ngunit sa kabila ng lahat ng mayroon siya, hindi niya nakuha ang pagmamahal ng kaniyang asawa.
Dahil ang puso ni Damien Vaughn ay nakalaan sa first love nitong si Celeste Laurent. Dahil sa sobrang selos at obsession, ginawa ni Seraphina ang lahat para paghiwalayin ang dalawa. Sinira niya ang reputasyon ni Celeste, nagpakalat ng mga kasinungalingan, at paulit-ulit na gumawa ng gulo.
Hanggang sa dumating ang araw na tuluyan na siyang tinalikuran ng kaniyang asawa. Sa huli, namatay si Seraphina nang walang sinumang nagluksa sa kaniya.
Napahawak ako sa aking dibdib. Teka, hwag mong sabihin sa akin na...
"Seraphina."
Muli akong napatingin sa lalaki.
"Stop pretending. You know exactly what you did."
Napakunot-noo ako.
"What did I do?"
Napailing siya, halatang nauubos na ang kaniyang pasensiya.
"Because of you, Celeste almost lost her life."
Celeste. Ang first love niya.
Napatingin ako sa babaeng nakatayo sa likod niya. Maputla ang mukha nito at may benda sa braso. Nakayuko ito habang pinupunasan ang mga luha. Kung tama ang pagkakaalala ko, ito ang babaeng laging pinoprotektahan ni Damien sa nobela.
At ang lalaking kaharap ko?Si Damien Vaughn. Ang asawa ng babaeng kinaroroonan ko ngayon.
Oh, my God. Nag-transmigrated ako! Hindi ko alam kung paano nangyari iyon. Ang huling naaalala ko ay nakahiga ako sa kama habang nagbabasa ng nobela. Pagkatapos noon, wala na.
At ngayon, nasa katawan ako ng isang fictional character. Mas malala pa, ako ang naging kontrabida.
"Damien, please. Huwag mo nang pagalitan si Seraphina. Baka hindi pa maganda ang pakiramdam niya."
Mahinang nagsalita si Celeste.Agad naman itong nilingon ni Damien.
"Don't worry about her. You should be resting."
Napatingin ako sa dalawa. Kahit nasa ospital ang asawa niya, wala siyang ibang inaalala kundi ang babaeng nasa likod niya.
Napapikit ako. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang isa sa mga eksenang nagsimula sa tuluyang pagkasira ng buhay ni Seraphina.
Sa original story, nagwala ang babae nang malaman niyang mas pinili ni Damien na samahan si Celeste kaysa manatili sa tabi niya.
Sinampal niya si Celeste. Nagkaroon ng malaking komosyon. At iyon ang naging dahilan para tuluyan siyang kamuhian ni Damien. Pero hindi ako ang original Seraphina. Wala akong pakialam sa kanilang dalawa.
Gusto ko lang mabuhay.
"Can you both leave?" mahinahon kong tanong.
Napalingon sa akin si Damien.
"What?"
"I said, please leave. I want to rest."
Ilang segundo niya akong tinitigan na para bang hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Samantala, bahagyang napahigpit ang pagkakahawak ni Celeste sa braso niya.
"Damien, let's go. Maybe Seraphina needs some time alone."
Tumango ang lalaki. Bago lumabas, muli siyang humarap sa akin.
"Don't think this changes anything between us." Hindi ako sumagot.
Pagkasara ng p***o, saka ako tuluyang napahiga. Napahawak ako sa noo ko.
Ano bang klaseng kamalasan ito? Sa dinamidami ng puwedeng katawan na mapasukan ko, bakit sa babaeng mamamatay sa sarili niyang asawa pa?
Kailangan kong makaalis dito. Kailangan kong baguhin ang kuwento. At higit sa lahat, kailangan kong lumayo kay Damien Vaughn.
—--
KINABUKASAN, saka ko tuluyang nasuri ang sarili kong sitwasyon.
Pagkauwi ko mula sa ospital, agad akong nagtungo sa kuwarto at hinarap ang malaking salamin. Mahaba ang buhok ko, maputi ang balat, matangos ang ilong at maganda ang mukha. Kung tutuusin, napakaganda ni Seraphina.
Sayang nga lang at ginamit niya ang lahat ng iyon para habulin ang lalaking hindi naman siya mahal. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng mesa at binuksan ang calendar.
Nanlamig ako nang makita ang petsa.
Tatlong buwan pa lamang mula nang ikasal sina Seraphina at Damien. Ibig sabihin, nasa simula pa lang ako ng kuwento. May panahon pa akong baguhin ang ending. Naupo ako sa gilid ng kama at pilit na inalala ang buong plot ng nobela.
Sa original storyline, ilang beses pagtataksilan ni Damien ang kaniyang asawa. Patuloy naman itong magmamakaawa at gagawa ng gulo dahil sa selos.
Hanggang sa isang araw, masangkot si Seraphina sa isang aksidente. Hindi siya tutulungan ni Damien dahil mas uunahin nito si Celeste. Mamamatay ang babae. At pagkatapos ng ilang buwan, magkakabalikan ang dalawang bida.
Napangiwi ako. What a terrible ending. pero hindi na iyon mangyayari.Hindi ako mamamatay para lang magkaroon ng happy ending ang dalawang taong iyon.
"Ma'am?"
Napalingon ako sa katulong na nakatayo sa may pintuan.
"Yes?"
"Pinapatawag po kayo ni Sir Damien sa study room."
Napabuntong-hininga ako. Ano na naman kaya ang problema ng lalaking iyon? Tumayo ako at inayos ang suot kong damit bago lumabas.
Pagdating sa study room, nadatnan ko siyang nakaupo sa likod ng malaking mesa. May ilang dokumento sa harapan niya. Hindi man lang siya nag-abalang ngumiti nang makita ako.
"Sit down."
Umupo ako sa tapat niya.
"What is it?"
Inilapag niya ang isang dokumento sa mesa.
"I want you to apologize to Celeste."
Napakurap ako.
Seriously?
Hindi pa ba tapos ang eksena nila?
"Why?"
Agad siyang napatingin sa akin.
"Because you caused her trouble."
"Did I?"
"Don't play innocent, Seraphina."
Napatingin ako sa dokumentong nasa harapan ko. Hindi ko na kailangang basahin iyon para malaman kung gaano kaliit ang tingin niya sa kaniyang asawa.
Sa loob ng tatlong buwan nilang pagsasama, hindi man lang nito sinubukang kilalanin ang babaeng pinakasalan niya.
Ang alam lamang niya ay ang mga kasalanan nito. Well, wala na akong balak ipagpatuloy ang lahat ng iyon.
"Fine."
Bahagyang nagtaas ng kilay si Damien.
"Fine?"
"Yes. I'll apologize."
Mukhang hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Marahil ay inaasahan niyang magwawala ako o maghahagis ng kung anong bagay sa kaniya. Pero wala akong balak gawin iyon. May mas mahalaga akong aasikasuhin.
"I also have something to discuss with you."
"What is it?"
Tiningnan ko siya nang diretso sa mga mata.
"I want a divorce."
Natahimik ang buong silid. Sa unang pagkakataon mula nang magising ako sa katawan ni Seraphina, nakita kong tuluyang nagbago ang ekspresyon ni Damien Vaughn.
Unti-unti niyang ibinaba ang hawak niyang dokumento.
"What did you just say?"
Huminga ako nang malalim.
"I want to end this marriage."
Tumayo siya mula sa kaniyang upuan.
"Is this another one of your tricks?"
Umiling ako.
"No. I'm serious."
Lumapit siya sa mesa at bahagyang yumuko.
"You know I will never choose you over Celeste, don't you?"
Napangiti ako nang bahagya.
"I know."
"Then why are you asking for a divorce?"
Simple lang ang sagot ko.
"Because I don't want to be your wife anymore."
Hindi siya agad nakapagsalita. At habang nakatingin ako sa lalaking magiging dahilan sana ng kamatayan ko, isang bagay lang ang malinaw sa isip ko. Hindi ko kailangang makuha ang pagmamahal niya. Kailangan ko lang mabuhay. Pero bago pa ako makaalis sa study room, muli siyang nagsalita.
"You're not going anywhere, Seraphina."
Napatingin ako sa kaniya.
"Because whether you like it or not, you're still my wife."
Ngumiti ako.
"Not for long, Damien."
Hindi ko alam kung bakit bigla siyang natahimik. Pero isang bagay ang sigurado ako. Sa pagkakataong ito, hindi na ako ang babaeng magmamak aawa para mahalin niya. At kung kailangan kong sirain ang buong original storyline para lang mabuhay, gagawin ko.
Hindi ko na nagawang matulog nang gabing iyon. Paulit-ulit kong binabasa ang mensaheng natanggap ko mula sa hindi kilalang numero.Stop investigating the accident if you still want to live.Hindi iyon basta pananakot. May taong alam na hinahalungkat ko ang nangyari kay Seraphina bago ako mapunta sa katawan niya. At mas nakakatakot isipin na maaaring malapit lang sa akin ang taong iyon.Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang dating driver ng pamilya Vaughn. Ilang beses itong nag-ring bago tuluyang mapunta sa voicemail.Sinubukan ko ulit. Ngunit wala pa rin."Please, sagutin mo naman," bulong ko.Hindi ako mapakali. Kung totoo ang sinabi niya na may pangalan siyang natuklasan, kailangan kong malaman iyon bago pa siya tuluyang patahimikin.Kinabukasan, maaga akong nagpunta sa lugar na pinagkasunduan namin. Isang maliit na coffee shop sa labas ng lungsod.Pero halos isang oras na akong naghihintay, wala pa rin siya.Tinawagan ko ulit ang numero niya. But unfortunately, hindi ko na si
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.Paulit-ulit kong tiningnan ang litrato sa ibabaw ng mesa. Naroon si Celeste, katabi ang isang lalaking hindi ko kilala. Sa likod nila ay nakatayo si Damien.Hindi malinaw ang kuha, pero sapat iyon para makilala ko ang lalaking ilang beses ko nang nakaharap mula nang magising ako sa katawan ni Seraphina."Are you sure this is him?" tanong ko sa matandang lalaki."Yes, ma'am. I remember that day very clearly.""Why was he there?"Umiling ito."Hindi ko po alam ang buong kuwento. Ang alam ko lang, ilang araw bago ang aksidente ninyo, may nakita akong lalaking nakikipagkita kay Miss Laurent."Napatingin ako sa litrato."At si Damien?""Naroon din po siya, pero hindi ko alam kung alam niya ang pinag-uusapan nila."Napahawak ako sa noo ko. Hindi ko alam kung ano ang mas nakakatakot. Ang posibilidad na may kinalaman si Celeste sa pagkamatay ng original Seraphina, o ang posibilidad na alam iyon ng sarili nitong asawa."Why didn't you report this before?"
Hindi ko inaasahang magkakaroon agad ako ng problema matapos makipag-usap kay Celeste. Pero kung iisipin, hindi naman talaga ako dapat magulat.Sa original novel, isa siya sa mga pangunahing dahilan kung bakit tuluyang nasira ang buhay ni Seraphina. Ang nakapagtataka lang, bakit parang mas kinakabahan siya ngayon kaysa sa akin?I shook my head and continued walking toward my car. Wala akong balak makipagkompetensiya sa kaniya. Kung gusto niya si Damien, puwede niyang kunin iyon. Hindi ko ipaglalaban ang isang lalaking hindi naman worth fighting for.Pagdating ko sa apartment, agad kong inilapag ang mga pinamili ko sa kitchen counter.Sa wakas, makakapagpahinga na rin ako. Ngunit bago pa ako makapagpalit ng damit, tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen. Si Damien iyon. Ilang beses na siyang tumawag simula kahapon. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang naging interesado sa mga ginagawa ko.Sa huli, sinagot ko rin ang tawag."What?""Where are you?"Napakunot-noo ako."Why?"
"You're not going anywhere, Seraphina."Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ko ang sinabi ni Damien habang nakatayo ako sa harap niya. Seriously? Hindi ba niya naiintindihan ang ibig kong sabihin? Gusto kong makipaghiwalay. Hindi ako humihingi ng permiso para magbakasyon."Did you hear what I said?" malamig niyang tanong."Yes. Unfortunately, I did."Bahagyang kumunot ang noo niya."Then stop acting like a spoiled child. You're my wife, and you have responsibilities in this family."Napatingin ako sa kaniya. Responsibilities? Sa pagkakaalala ko, wala naman siyang pakialam sa akin mula nang ikasal kami. Ni hindi nga niya ako tinatratong tunay na asawa. Ngayon, bigla siyang may sasabihing tungkol sa responsibilidad?"Don't worry. I won't cause you any more trouble.""That's not what I'm talking about.""Then what exactly do you want from me?"Hindi siya agad nakasagot. Napabuntong-hininga ako."Look, Damien. I know you love Celeste. I know you never wanted this marriage. So why are you
"Don't you dare touch her!"Iyon ang unang narinig ko nang imulat ko ang aking mga mata. Masakit ang ulo ko. Mabigat ang buong katawan ko, at halos hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Ilang segundo akong nakatitig sa puting kisame bago ko napansing hindi pamilyar ang silid na kinaroroonan ko.Nasaan ako?Bakit amoy ospital ang paligid?"Seraphina! Can you hear me?"Napalingon ako sa lalaking nakatayo sa tabi ng kama. Matangkad siya, malapad ang balikat, at nakasuot ng mamahaling itim na suit. Gwapo siya, walang duda. Pero mas nangingibabaw ang malamig niyang ekspresyon kaysa sa hitsura niya.Hindi ko siya kilala. "Who are you?" mahinang tanong ko.Agad siyang napakunot-noo."What?"Sinubukan kong bumangon, pero biglang sumakit ang ulo ko. Napahawak ako sa sentido nang sunod-sunod na kakaibang alaala ang pumasok sa isip ko. Isang malaking mansiyon. sang marangyang kasal. Isang lalaking malamig ang pakikitungo sa asawa niya. At isang babaeng umiiyak habang nakatingin sa kanila.Isa-isa







