Christian Ocampo decides to go to an island in Palawan to move on and completely forget his painful memories from his Ex-lover. Ngunit paano kung may matagpuan itong isang Jazmine Flores, babaeng ubod ng kulit at pagpapapansin. Magagawa nga ba nitong makalimot sa kanyang mapait na nakaraan? Makakatulong nga ba si Jazmine sa kanyang planong paghilom? But what if for Chris, Jazmine is not really a stranger he met on the island? Paano kung si Jazmine at ang babae na gusto na nitong kalimutan ay iisa lamang?
View MoreChris
Nakakita na ba kayo ng isang anghel? Ako kasi, oo. Wala man siyang pakpak, pero para sa akin, she's truly my angel.
Na love at first love sight yata ako sa kanya eh. At hanggang sa hindi na iyon nawala pa. Hanggang sa tuluyan na akong nahumaling sa kanya. Ang ganda-ganda kasi talaga niya, nakakatulala.
Siya na rin yata ang may pinakamagandang ngiti na nakilala ko sa tanang buhay ko. May mga matang kumikislap sa tuwing tinititigan ko. Nakakapanghina, kasi ganoon kalakas ang dating niya.
Ang sarap din pakinggan ng boses at mga tawa niya. Hindi nakakasawang pakinggan, pakiramdam ko pa, para akong nakikinig palagi ng magagandang musika. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.
Napaka sweet din nito at maalaga. Madalas man itong makulit, pero ayos lang, bagay parin naman sa kanya. Ang sarap nga niyang i-baby eh, nakakawala ng problema sa buhay. Parang ang sarap niyang igapos palagi sa mga bisig ko. Ang sarap niyang alagaan.
Hindi na rin mahalaga kung ngayon ko lamang ito nakasama ng ganito. Dahil ang importante ay dumating siya sa buhay ko, kung kailan kailangan na kailangan ko ng masasandalan at makakasama. Binigyan parin ako ng pagkakataon na maparamdam sa kanya ang pilit na ipinagkakait sa akin ng panahon. Nagpapasalamat ako dahil siya ang ipinadala ni bathala, para hindi ko maramdamang ako ay mag-isa.
Hay. Napapahinga na lamang ako ng malalim sa tuwing tinitignan ko siya ng palihim. Napapasabi na lamang ako sa aking sarili na...
Pwede bang pasilip kahit sandali sa future? Titignan ko lang kung siya ba ang babaeng makakasama ko? O kung hindi naman, pwede bang nakawin ko nalang siya mula rito? Masigurado ko lamang na walang mananakit sa kanya dahil aalagaan ko siya ng higit pa sa sarili ko.
Masyado na yata akong nahuhulog sa kanya ng tuluyan. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili pero, bahala na. Masaya naman ako eh. Masaya naman kami pareho. At iyon ang mahalaga sa ngayon.
Hindi na importante kung ano ang naghihintay na bukas para sa aming dalawa. Hindi na importante kung ano ang unos na paparating. Ang importante ay ang siya at ako, pati na rin ang islang ito na nagsilbi na yata naming munting paraiso.
Araw-araw ko na lang na ipaparamdam sa kanya, kung gaano ako kasaya na nakasama siya, na nandito siya.
Siya nga pala si Jazmine, ang babaeng magpapaibig yata sa akin ng paulit-ulit. Ang babae na hindi ko inaasahang darating sa buhay ko. Ang babae na hindi ko akalain na matatagpuan ko sa islang ito, na ubod ng kulit pero bumabawi naman sa pagiging sweet.
Nandito kami ngayon nakaupo sa dalampasigan, tanaw ang magandang tanawin na nasa aming harapan. At habang abala kami pareho na dinadama ang medyo lumalamig na ngayon na simoy ng hangin na yumayakap sa aming katawan at tumatama sa aming mga mukha, ay hindi ko mapigilan ang ipikit ang aking mga mata. Upang damhin din ang pagtama ng sikat ng araw sa aking mukha na ngayon ay papalubog na. Pati na rin ang ingay ng hampas ng mga alon sa may hindi kalayuan.
Kahit hindi ko man ito nakikita, alam kong nakatitig si Jazmine sa mukha ko. Ramdam ko ang kanyang mga mata na nakapako lamang sa akin. Napangiti ako sa loob ko.
Ano kayang iniisip niya habang pinagmamasdan ako?
Siguradong poging-pogi na naman siya sa akin. May pagmamayabang na sabi ko sa aking sarili.
"Chris." Pagbanggit nito sa pangalan ko.
"Hmmm?" Noon din ay nagpasya na akong imulat muli ang aking mga mata at agad na tinignan siya sa kanyang mukha.
"Can I ask you again? Bakit napadpad ang isang Christian Ocampo dito sa Coron, Palawan?" Magkasunod na tanong nito.
Halatang gustong malaman talaga ang totoong dahilan kung bakit nga ba ako nandito. Ito kasi ang pangalawang beses na naitanong niya ang bagay na iyon.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanya bago nagbaling sa ibang direksyon.
"Ay. Hindi masagot. Mukhang may tinatakasan ka rin talaga." Tuyo nito sa akin sabay sundot sa tagiligan ko. "Siguro, may nabuntis ka 'no?" Dagdag na biro pa nito bago nagpakawala ng isang malutong na pagtawa. Iyong tawa na parang musika sa aking tenga.
Mabilis na muling ibinalik ko ang aking mga mata sa kanya pagkatapos ng ilang sandali.
Ngunit mas seryoso na rin ang aking mukha this time.
"I'm here to move on." Seryosong sagot ko sa kanya. "To forget everything I don't want to remember anymore. And then, you came. I met you." Napapalunok ako habang sinasabi iyon sa kanya bago ito binigyan ng isang matamis na ngiti.
Mayroong pigil na ngiti na napayuko ito at pinaglaruan ang kanyang mga daliri.
"What about you?" Tanong ko pabalik sa kanya habang mayroong nakakalokong mga ngiti. "Bakit ka nandito? Hmmm?" Atsaka mas inayos pa ang aking sariling pag upo paharap sa kanya.
Hindi nito sinagot ang aking katanungan. Sa halip ay isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aming dalawa at tanging hampas ng mga alon lamang ang aming naririnig. Hindi nagtagal ay napatingala ito para bigyan ako ng isang halik sa aking pisngi.
Awtomatiko naman na napangiti ako at nang init ang aking buong mukha at tenga dahil sa kanyang ginawa.
"You don't have to answer my question." Saad ko. "Ang importante nakilala kita at nakasama sa islang ito." Dagdag ko pa. "Sapat na iyon para sa akin."
"Really?" Para bang hindi naniniwala na tanong pa niya.
Napatango ako. "Yes. Eh ikaw ba? Hindi ka ba thankful na may pogi kang nakilala sa islang ito?" Pagbiro ko habang ngingiti-ngiti.
Muli ay hindi ito nakasagot. Ngunit makikita naman ang pagkislap ng kanyang mga mata nang itanong ko iyon. Binigyan ako nito ng isang matamis na ngiti bago tuluyang isinandal ang kanyang ulo sa aking balikat.
Kinuha nito ang aking kamay bago ipinagdikit ang aming mga daliri.
Habang ako naman ay marahan na hinalikan ito sa kanyang ulo atsaka ipinagpatuloy na ang aming panonood sa papalubog na araw.
Noon din napatanong ako sa aking sarili.
Hanggang kailan ko ba siya makakasama sa islang ito? Pwede bang ganito nalang kami at manatili nalang siya sa tabi ko, habambuhay?
Now playing: Here's Your Perfect by Jamie Miller Chris Three years. It's been three years magmula nang may marinig ako na huling balita kay Jazmine, dahil sa tatlong taon na iyon ay kusa ko nang pinutol ang lahat ng ugnayan na meron ako sa kanyang pamilya at mga kaibigan. Nagpapasalamat ako sa mga kamag anak ko at mga kaibigan, dahil iniiwasan talaga nila at hindi binabanggit ang pangalan nito sa harap ko. Inaamin kong nakatulong ang kanilang mga ginawa sa pag-momove forward ko. Isa sila sa malaking tulong sa hakbang ng pagkalimot ko sa malalim pagmamahal ko para kay Jazmine. Hindi ko akalain na makakayanan ko rin palang gawin ang bagay na akala ko noon ay hindi ko kaya, ang mag-move on. Pero kahit yata anong pilit kong gawin ay nakatatak na si Jazmine sa akin. Habambuhay ko nang dadalhin ang mga alaala nitong naiwan sa akin
Jazmine Ganoon nga yata talaga ang mundo, hindi lahat ng mga nangyayari sa mga pelikula at teleserye ay mangyayari rin sa totoong buhay. Madalas binubulag lamang tayo ng mga nakikita natin, kaya akala natin eh pati sa ating mga sarili eh mangyayari rin ito. Sabi nga nila, kayang maalala ng puso ang hindi kayang maalala ng isipan. Marahil tama sila sa kasabihang iyon, na anumang hindi kayang maabot ng ating isipan, eh kayang-kaya ng ating mga puso. Katulad na lamang nang kung paano maalala ng aking puso ang pagmamahal na meron ako para kay Chris. Katulad na lamang nang pag-alala ng aking puso, kahit na hindi ito natatandaan ng aking isipan, at kahit na ilang beses ko pang ipilit na alalahanin ay hindi ko na talaga magawa pang maibalik ang lahat ng aming mga alaala. Alam kong may dahilan ang lahat. Alam kong hindi namin parehong ginus
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV Ang pagkukunwari na iyon ni Chris ay binigyan niya pa ng katotohanan nang sinimulan nitong yayain si Jazmine sa mga adventure sa isla. Iyong tila ba para silang bumabalik sa pagiging bata na dapat ay masaya lamang. Araw-araw silang magkasama, kahit saan sila magpunta ay palaging nakabuntot sa kanila ang bawat isa. Hindi nito pinababayaan ang dalaga at mas lalong hindi niya inaalis sa kanyang paningin. Hindi naging madali para kay Chris ang araw-araw, dahil sa halip na makalimot na siya at unti-unti nang maka move forward, ay mas lalong nahuhulog pa siya sa dalaga. Mas lalong lumalalim pa ang kanyang nadamara. Alam naman niya na isa rin ito sa kanyang kagustuhan kaya niya hinahayaan na mangyari. Pero ano bang magagawa niya? Parang hulog ng langit ang ibinigay sa kanya na pagkakataon
***This POV will explain what really happened behind Chris' POV*** Third Person POV *Flashbacks* Ang totoo, hindi natin kayang labanan ang mundo. Kung malupit ito, ay malupit ito at hinding-hindi ka sasantuhin. Mapaglaro ito, at pilit na ipagkakait sa atin ang mga bagay na gusto natin. Hindi palagi ay hahayaan tayong maging masaya, na maging malaya kasama ang tao na gusto talaga nating mahalin at makasama. Iyong tipo na pilit mo nang inilalayo ang sarili mo sa isang sitwasyon na alam mong mahihirapan kang tanggapin, at masasaktan ka lamang lalo, pero paulit-ulit ka paring ilalapit nito sa bagay na alam mong--- maaari na muling ikawasak ng iyong puso. Alam kasi nito kung ano ang kahinaan mo. Alam nito, kung saan tayo dapat na matututo. At hindi natin alam, walang makapagsasabi kung anong kapalaran ang mga naghihintay sa atin
JazmineHindi nagtagal noong makaalis si Chris ay dumating na rin si David. Agad na nagtaka ito kung bakit parang namamaga ang mga mata ko at kung bakit tila raw katatapos ko lamang sa pag-iyak.Napailing lamang ako at sinabing napuwing lamang kanina noong nasa may garden ako. Mabuti na lang at hindi na siya nagtanong pang muli pagkatapos.Hanggang sa nahiga na lamang kami nang magkatalikuran dahil patuloy pa rin akong binabagabag ng mga sinabi at ipinagtapat sa akin ni Chris. Hindi ko alam kung totoo ba ang lahat ng iyon. Dahil kahit konti, wala akong maalala, wala akong matandaan.Noon naman naalala ko ang camera na ibinigay nito sa akin.Maingat na gumalaw ako at bumangon mula sa higaan. Kinuha ko ang camera mula sa drawer na aking pinaglagyan. Dahan-dahan din ang mga hakbang na binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang hindi makagawa ng anumang ingay, para na rin hindi ko magis
Jazmine"Chris!"Kahit na kinakabahan ay pinilit ko pa rin na ihakbang ang aking mga paa palapit sa kanya.Kasabay ng mga hakbang ko palapit rito ang malakas din na pagkabog ng dibdib ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Ang tanging alam ko lamang ay masaya ako na makita siyang muli, sa hindi inaasahan na pagkakataon."Ang daya mo. Na-miss kita!" Sabi ko sa kanya noong tuluyan akong huminto sa kanyang harapan at pagkatapos ay hindi nagdalawang isip na niyakap siya."You missed me." Malamig ang boses na sabi nito.Napatango ako."Oo naman!" Sagot ko sa kanya. "Hindi ka man lang pumunta sa o nagpakita sa kasal ko." Pagkatapos ay napanguso ako at kunwaring nagtatampo. "Ang daya mo!"Ngunit sa halip na sagutin ako ay isang malutong na tawa ang pinakawalan ni Chris dahilan upang matigilan ako. I
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments