My Bestfriend, My Lover

My Bestfriend, My Lover

By:  Tearsxme  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
0.0
Not enough ratings
22Chapters
1.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

paano kapag matatali ka sa isang kaibigan mong matagal mo nang minahal pero hindi ka naman mahal? hanggang saan ang kaya mong isakripisyo para sa inyong pagsasama kung alam mo namang may ibang pangalan ang isinisigaw ang puso niya? kaya mo bang magpakatanga para lang makasama siya kahit na alam mong hindi ka niya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal mo sa kanya?

View More
My Bestfriend, My Lover Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments
No Comments
22 Chapters
Chapter 1
"Hoy! Bakit inaaway niyo na naman siya? Hindi ba, ang sabi ko sa inyo huwag niyo siyang awayin!" sigaw ng batang Matthew Santos sa mga batang kung umasta ay kaytatanda na. Inaaway na naman ng mga ito ang isang patpating batang babaeng si Sabrina Montis.Agad namang nagsilayuan ang mga batang umaaway sa umiiyak na si Sabrina na para bang takot na takot kay Matthew."Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" agad niyang tanong kay Sabrina nang nakalapit na siya rito at napaangat naman ng mukha ang batang Sabrina. Napatingin ito sa kanya habang may mga luha sa mga mata.Marahan itong umiling-iling para sabihing wala itong nararamdamang sakit sa katawan.Nakalipas ang ilang sandali ay tahimik silang magkatabing naka
Read more
Chapter 2
"Happy birthday, tita," bati ni Sabrina kay Olivia nang dumating na sila sa hotel kung saan sila magdi-dinner.Niyakap at nagbeso-beso silang dalawa habang sina Roman naman at Arturo ay nagtapikan."Thank you, dear," magiliw na saad nito habang nakayakap sa kanya sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan siya nito nang mabuti."You look so gorgeous tonight, honey!" compliment nito sa kanya habang hawak-hawak siya nito sa magkabila niyang braso.Nahihiya namang napayuko na lamang siya habang ang asawa naman nito ay mabilis na sumang-ayon sa kanila."Thank you, tita," sabi naman niya habang nakakaramdam pa rin siya ng hiya.

Read more

Chapter 3
Nagtatakang napatingin si Matthew sa kanyang ina nang wala pa rin silang natanggap na tugon mula rito. Talagang nabigla ito sa kanyang dalang balita, hindi naman kasi pumasok sa kanyang isipan na ganu'n pala ang magiging epekto ng balitang 'yon sa kanyang pamilya."Ma?" tawag niya sa ginang habang ang lahat ng nandu'n ay kakaibang atmosphere na ang nararamdaman sa kanilang paligid na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat.Napatingin si Sabrina sa ginang at nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa basong may lamang tubig ay nagmamadaling agad niya itong nilapitan saka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa may baso."Tita," tawag niya rito na siyang nagpagising sa diwa ng ginang.Napangiti siya nang kaytamis nang n
Read more
CHAPTER 4
Parang biglang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ni Sabrina nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Pakiramdam niya, pati ang bosesng binata ay nag-slow motion na rin dahil sa sakit na unti-unting bumabangon mula sa kanyang kaibuturan."Hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Matthew sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang damdamin na unti-unti nang sinasaksak ng sakit na naidulot nito sa kanya."O-oo naman!" sagot naman niya sabay ngiti kahit na nasasaktan na siya."Eh, mukhang hindi naman, ah!" "Nakikinig kaya ako," pagrarason pa niya."Eh, bakit mukhang hindi ka masaya para sa akin?"Diretsong napatingin siya sa mga mat
Read more
CHAPTER 5
Nakauwi na si Sabrina sa kanilang bahay habang si Matthew naman ay napakalapad ng ngiti sa mga labi nito habang kausap ang nobyo nitong si Alheia. Dahil sa pagkagiliw niya sa nobya ay hindi na sumagi pa sa kanyang isipan ang mga taong nasa paligid niya.Ni hindi naman sumagi sa kanyang isipan na mahal na pala siya ng kanyang kaibigang si Sabrina na kasalukuyan nang umiiyak dahil sa sinabi niyang magpo-propose siya kay Alheia.Tahimik namang nakatayo lamang ang ina ng dalagang si Sylvia. Dinig na dinig niya ang paghikbi ng kanyang anak sa loob ng kwarto nito. Bilang ina ay hindi talaga niya kaya na hanggang pakikinig na lamang ang kanyang magagawa kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nang silipin niya ang anak ay nakita niya itong nakasandal sa gilid ng kama nito habang nakaupo sa sahig.Nakataas ang dalawang tuhod nito habang nakadikit naman sa sahig ang magkabila niyang paa. Nakapatong ang dalawa niyang magkahawak na braso sa ibabaw ng
Read more
CHAPTER 6
“Ano sa tingin mo? Maganda kaya?” tanong ni Matthew kay Sabrina matapos nitong sabihin sa dalaga ang ideya nito kung papaano nito iso-sorpresa ang nobya para sa wedding proposal nito.“Okay lang naman siya. Maganda,” sagot naman ng dalaga.“Magugustuhan kaya niya?”Bahagyang nakatingalang tanong ng binata habang si Sabrina naman ay lihim na nasasaktan.“Hindi naman importante kung papaano ka nag-propose sa kanya, ang mahalaga du’n totoo ka sa nararamdaman mo,” litanya ng dalaga.Napapiksi na lamang si Sabrina nang bigla siyang niyakap ng kanyang kaibigan sa tuwa.“Masaya talaga ako dahil ikaw ang kaibigan ko. Sana, hindi ka na magbabago pa,” madamdamin nitong saad at sapilitan namang napangiti si Sabrina para naman masabi nito na okay lang siya at masaya rin siya dahil naging kaibigan din niya ito.Masaya rin naman talaga siya pero ang hindi lang niya maintindihan ay ku
Read more
CHAPTER 7
Ang buong akala ni Sabrina ay maniniwala na sa kanya ang kanyang kaibigan pero hindi pala dahil matapos siya nitong lingunin ay napatawa lamang ito na para bang ginagawa nitong biro ang kanyang ipinagtapat dito.“Brin, alam kong pagod ka pero pwede bang huwag mo siyang gawan ng isang bagay na hindi naman niya magagawa?” natatawa nitong saad at masakit iyon para kay Sabrina dahil nais lang naman niyang mailayo ang binata sa mapanlukong si Alheia.“Nagsasabi ako ng totoo saýo. Hindi ko gawa-gawa ang bagay na ýon at alam mo kung anong klaseng tao ako, Matt kaya sana naman, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang,” pagsusumamo pa niya pero talagang hindi na naniniwala pa sa kanya ang kanyang kaibigan.Ganito nga siguro kapag sobrang nagmamahal, nakakabulag at nakakabingi!Naglakad palapit sa kanya ang binata saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata.“Thank you for your information. Alam kong concern
Read more
CHAPTER 8
Nang maayos nang naibaba ni Matthew ang kanyang kamao ay mapagkumbabang binalingan ni Sabrina ng tingin ang mga kalalakihan lalo na ang sinapak ng kanyang kaibigan.“Pasensiya na kayo, lasing lang siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa,” paghingi niya ng paumanhin.“Ilayo mo na ýan mula rito dahil baka kung ano pa ang magagawa namin diyan,” sabi ng isa sa mga ito habang nakahawak ito sa kabilang braso ng kaibigan nitong nasapak ng binata.“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Matthew pero agad naman niya itong binalingan.“Tumigil ka na,” saway niya saka niya ito pinandilatan ng mga mata.“Pasensiya na po talaga sa inyo ulit,” muling paghingi ni Sabrina ng paumanhin sa mga ito. Mabuti na lang at hindi ganu’n kainit ang ulo ng mga ito kaya imbes na manggulo at gumanti dahil sa ginawa ni Matthew ay mas pinili na lang ng mga ito ang pagpasensiyahan na lamang sila.Read more
CHAPTER 9
“What? No!” sigaw ni Matthew sabay tayo. Napatingin ang lahat sa binata habang si Sabrina naman ay nanatiling nakayuko at pilit na pinipigilan ang sarili nitong mga luha sa pagdaloy.“Matthew!” awat ni Arturo sa anak.Nahihiya naman ang mag-asawa nang napatingin ang mga ito sa mga magulang ni Sabrina. Napailing na lamang din si Roman dahil sa inasal ni Matthew ng mga sadaling ýon.“Hindi ako papaya na makasal kau Sabrina. Ma, alam naman ninyong kapatid lang ang turing ko sa kanya at kahit kailan, hindi na ýon magbabago pa,” katwiran ng binata na siyang lalong sumaksak sa puso ni Sabrina nang lihiman.“If you don’t love her then, why did you sleep with her?!” singhal na tanong ni Slyvia sa anak na gustong magrebelde sa kanila.“I was drunk last night. I was unconscious. I was not in-----”“Kahit ano pang sasabihin mo, sa ngalan na nakipagsiping ka sa kanya,
Read more
CHAPTER 10
Pagkatapos ng kanilang secret wedding ay mas pinili ng dalawa na dumiretso na lamang sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Ang nasabing honeymoon ay pinlano rin ng ina ni Matthew. Wala na rin sa kanilang kukuti na magkakaroon pa sila ng kasiyahan pagkatapos ng kasal dahil alam naman nila na magmumukha lang silang namatayan dahil sa mga nangyayari sa kanila.Walang imikang na namamagitan sa kanilang dalawa habang nagba-biyahe sila papunta sa kanilang destinasyon. Hindi rin magawa ni Sabrina ang ibuka ang kanyang mga bibig para magsalita dahil sa takot nab aka bulyaw lang ang kanyang matatanggap na tugon mula sa kanyang asawa lalo na at wala talaga ito sa mood na makipag-usap matapos itong ikasal sa kanya ng sapilitan.Hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan na ang labis na pagsisisi kung bakit mas pinili niya ang kagustuhan niyang matikman ang higpit na yakap ni Matthew pati na ang matikman ang tamis ng bawat halik nito
Read more
DMCA.com Protection Status