Kaito Yagi
Her brother would die, she only wanted to save him.
Nabasa ni Michaella Soriano ang Isang libro kung saan ang mga bida ng kwento ay nakapangalan sa Kuya niyang si Luthner Soriano at girlfriend nitong si Heather Buencamino kung saan nasusulat na mamamatay raw sa kamay ni Heather ang kanyang Kuya, ikalawang linggo lamang pagkatapos ng kanilang kasal. Nasaksihan mismo ng kapatid na si Michaella Soriano itong magkatotoo, maliban sa isang bagay—siya ang sunod nitong pinaslang.
Sa muling pagmulat ni Michaella, bumalik siya sa panahong engaged pa lamang ang kanyang Kuya. Sumumpa siyang gagawin ang lahat para iligtas si Luthner. Ngunit sa pangingialam ay nakapalagayan niya ng loob ang CEO na si Frederick Guevara kahit hindi pa takda, at hindi sinasadyang naungkat ang isang sigalot sa pagitan ng Guevara Mafias at Falkon Recidivists. Isang malalim na hidwaan na paulit-ulit siyang pamimiliin kung sino ang mas matimbang, si Luthner na pamilya o si Frederick na mahal siya?
130