Ellucidera
Some mistakes are too precious to undo.
Isang pagkakamali. Dalawang pamilyang nasira. Isang batang pareho nilang gustong
angkinin.
Tatlong taon nag-ipon si Ysabel Montecillo upang matupad ang pangarap niyang maging isang ina. Walang asawa, walang kasintahan, at walang balak maghintay sa pag-ibig. Sa
tulong ng IVF, sa wakas ay nabigyan siya ng pagkakataong magkaroon ng anak, hanggang sa isang pagkakamali sa isang kilalang fertility clinic sa BGC ang nagpabago sa lahat.
Tatlong buwan na ang sanggol sa kanyang sinapupunan nang malaman niyang ang embryo ay pag-aari pala ng mag-asawang Serrano, si Rafhayeel Serrano, isang kilalang hotel magnate and multi-millionaire, at ang namayapa nitong asawa na si Ellara.
Para kay Rafhayeel, iyon na lamang ang natitirang pagkakataon upang magkaroon ng anak sa babaeng minahal niya. Ngunit para kay Ysabel, ang batang dinadala niya ay anak na rin niya sa puso.
Sa halip na mauwi sa isang masalimuot na labanan, nag-alok si Rafhayeel ng isang
kasunduang hindi inaasahan: anim na buwan silang maninirahan sa isang pribadong villa sa Tagaytay, kasama ang kumpletong pangangalaga para sa pagbubuntis ni Ysabel. Ngunit may isang kondisyon, kailangan nilang magpakasal. Isang pekeng kasal na magbibigay kay Rafhayeel ng pagkakataong maging bahagi ng buhay ng bata.
What begins as a marriage of convenience slowly turns into something neither of them
expected. Sa pagitan ng mga gabing puno ng musika, mga alaalang hindi kayang kalimutan, at mga damdaming unti-unting lumalalim, pareho nilang matutuklasan na hindi lahat ng pamilya ay nabubuo sa paraang inaasahan.
But what happens when a fake marriage starts feeling real, and the hearts involved begin wanting more than the child they once fought for?
66