Author Rain
Anong gagawin mo kapag nalaman mong ang isang empleyado mo sa kumpanya ay siya ring lihim na sumisira sa kasal mo at ikinakama pala ang asawa mo?
Si Alexander Perez, CEO ng Perez Industries, ay hindi naniniwala sa pangalawang pagkakataon pagdating sa pagtataksil. Nang matuklasan niyang ang asawa niyang si Stacy ay may relasyon sa ambisyosong empleyado niyang si Kiefer, hindi siya nagalit.
Bagkus ay napangiti pa siya. At naghanda ng mas malupit na ganti.
Sa gabi ng silver anniversary ng Perez Industries, inalok niya si Kiefer ng isang bagay na hindi niya matatanggihan. Promotion, kapalit ng pagtikim niya sa asawa nitong si Willa.
Ngunit paano kung ang babaeng gusto lamang gawing bahagi ng paghihiganti ay may sariling mga sugat at lihim na hindi alam ni Alexander?
***
Si Willa, na walang kamalay-malay sa pagtataksil ng sarili niyang asawa, ay hindi kailanman inakalang magagawa ito sa kanya ni Kiefer. Ang lalaking minahal at pinagkatiwalaan niya ay siya palang maglalagay ng pampatulog sa kanyang inumin at gagamitin siyang kabayaran kapalit ng inaasam nitong promotion.
Ang mas masakit? Ang lalaking nais ipagamit sa kanya ni Kiefer ay walang iba kundi ang sarili nitong boss, si Alexander Perez.
Akala ni Kiefer ay nagtagumpay na siya sa plano niyang makuha ang posisyong matagal na niyang pinapangarap. Ngunit hindi niya alam na ang gabing iyon ang magiging simula ng sarili niyang pagbagsak.
Sa halip na maging magkalaban, sina Willa at Alexander ay magkakampi sa isang planong hindi kailanman inakala ni Kiefer at ng kabit nitong si Stacy, na best friend ni Willa.
Sa likod ng mga ngiti at pagpapanggap ay unti-unting binubuo nina Willa at Alexander ang kanilang paghihiganti. Bawat kasinungalingan ay may katumbas na kaparusahan, at bawat pagtataksil ay may presyong kailangang bayaran.
Ngunit sa larong ito ng paghihiganti, sino ang unang mawawasak?
249