yshanggabi
I Sold to the Billionaire
Sa kagustuhang mailigtas ang kanyang pamilya mula sa pagkakautang, napilitan si Althea Reyes na tanggapin ang isang alok na babago sa kanyang buhay—ang ibenta ang kanyang kalayaan kapalit ng milyon-milyong halaga.
Ang bumili sa kanya ay si Zachary Monteverde, isang makapangyarihan, malamig, at misteryosong bilyonaryo na kilalang walang puso pagdating sa negosyo.
Akala ni Althea ay magiging simpleng kasunduan lamang ito. Isang kontratang may malinaw na hangganan.
Ngunit habang lumilipas ang mga araw, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim na itinatago ni Zachary at ang tunay na dahilan kung bakit siya nito pinili.
Sa mundong kontrolado ng pera, kapangyarihan, at pagtataksil, kakayanin kaya nilang labanan ang damdaming unti-unting namamagitan sa kanila?
O tuluyan silang sisirain ng katotohanang nagsimula ang lahat dahil sa isang bentahan?
126