Jeorgette
Isang gabi. Isang pagkakamali. Isang lihim na magdurugtong sa dalawang buhay magpakailanman.
Limang taon na ang nakalipas nang magkasama sina Alex at George sa isang gabing hindi nila inaasahang magkakaroon ng bunga. Walang pangako, walang kasiguraduhan, at walang planong muling magkita. Ngunit nang matuklasan ni Alex na nagdadalang-tao siya, nagbago ang lahat. Nais sana niyang sabihin iyon kay George, ngunit nalaman niyang nakatakda na itong pakasalan si Nathalie. Ayaw niyang maging dahilan ng pagkasira ng kanilang relasyon kaya pinili niyang manahimik at mag-isang palakihin ang kanilang anak.
Ngunit sinubok ng tadhana ang kaniyang katatagan nang ma-diagnose si Noah ng isang pambihirang sakit sa dugo na nangangailangan ng bone marrow transplant. Nang hindi makahanap ng compatible donor, iminungkahi ng mga doktor na magkaroon siya ng biological sibling na maaaring masuri bilang posibleng donor.
Wala nang ibang mapagpipilian si Alex kundi hanapin si George at aminin ang lihim na limang taon niyang itinago.
Galit at nasaktan, pumayag si George na tumulong. Ngunit ang muling pagsasama nila ay magbubukas ng mga damdaming hindi pala kailanman naglaho. Sa kabila ng kaniyang engagement kay Nathalie, unti-unting maipakikita ni George na si Alex pa rin ang babaeng minahal niya.
Ngunit paano kung ang babaeng nakatakda niyang pakasalan ang siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon?
Sa pagitan ng isang batang lumalaban para mabuhay, isang lalaking hindi nakalimot magmahal, at isang babaeng handang magsakripisyo, mabubunyag ang mga lihim na kayang magwasak ng kanilang mundo.
116