elsewhere225
"Tulog na si Tiya Violeta. Pwede mo na akong angkinin, Sullivan."
Nang-aakit ang tinig ko. Ang palad ko'y marahang humaplos pababa sa dibdib nito hanggang sa natumbok ko ang malaking hinaharap nito.
Blurb
Galit na galit si Atika sa tiyahing si Violeta dahil sa pagiging sakim nito. Ipinagdamot nito sa ina ni Atika ang karapatan sa yamang dapat ay hati sila. Naghirap sila habang may maalwang buhay ang kanyang Tiya Violeta. Namatay na lang ang ina ni Atika na hindi man lang naranasan ang buhay na mayroon si Tiya Violeta niya. Kaya Nang mabigyan siya ng pagkakataon pasukin ang mundo ng tiyahin ay hindi na siya nag-alinlangan pasukin iyon. Gusto niyang ipaghiganti ang kanyang ina.
Hindi alam ni Atika kung paano, pero nang makita niyang baliw na baliw ang tiyahin sa asawa nitong mas bata rito ay nakaisip si Atika ng magandang ganti rito.
Aagawin niya ang asawa ng tiyahin. Walang pakialam si Atika kung isang malaking kasalanan iyon. Handa siyang magkasala para lang makapaghiganti sa malupit niyang tiyahin.
Ngunit paano kung sa bawat hakbang niya para sirain ang pagsasama ng kanyang tiyahin, siya naman ang unti-unting mahulog sa lalaking dapat ay gagamitin lamang niya?
149