LOVE THAT BREAKS THE SILENCE
“Ano ang ibig mong sabihin? Sinunod ninyo ba ang aking kondisyon? Sinunod ninyo ba ang utos kong huwag magkita, huwag mag-usap, at huwag makipag-ugnayan sa anumang paraan?”
Sa pagkakataong ito, si Luvlette na ang humakbang pasulong. Ramdam niya ang panginginig ng kanyang mga tuhod, ngunit hinugot niya ang lakas mula sa hawak ng kamay ni Isaac at mula sa katotohanang dala niya sa kanyang sinapupunan. Tumingin siya nang diretso sa kanyang ama, sa mga mata ng taong nagpalaki sa kanya at nagturo sa kanya ng lahat ng bagay, at nagsalita nang may buong katapatan.