Divorce Denied: Make Billionaires Daddy Cry!
Dahil sa utang na loob, pinakasalan ni Bella ang makapangyarihan ngunit disabled na CEO na si Sebastian Zobel. Pero sa mismong araw ng pagbabalik ni Sebastian mula sa abroad, isang estrangherong naka-maskara ang kumuha sa kanyang dangal sa isang madilim na silid sa hotel.
Sa halip na malasakit, akusasyon ng pagtataksil at divorce agreement ang sumalubong sa kanya. Pinalayas si Bella nang walang kahit na anong dala.
Habang nagtatago, nanganak si Bella sa gitna ng kawalan. Pagkagising niya, tatlong sanggol ang nasa tabi niya. Ang hindi niya alam, ang ika-apat niyang anak ay kinuha at iniwan sa pintuan ni Sebastian bilang nag-iisang tagapagmana nito.
Anim na taon ang nakalipas ay nagbabalik si Bella kasama ang kanyang tatlong henyong anak para sa isang layunin: ang pirma ni Sebastian sa divorce papers. Ngunit sa muling pagkikita nila, isang katotohanan ang yayanig sa kanila—ang lalaki na sumira sa buhay ni Bella ay ang asawa palang ni minsan ay hindi niya nakita.
Habang pilit na umiiwas si Bella, ang kanyang apat na maliliit na anak naman ang gagawa ng gulo para resbakan ang kanilang Mommy.
"Scumbag Daddy, hindi pa kami tapos sa'yo!"