Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
I Am the Lawyer's Contracted Wife

I Am the Lawyer's Contracted Wife

“Huwag ka ng umasa na tatanggapin pa kita ulit. Dahil hindi ko masisikmurang magmahal ng isang tulad mong may dugong kriminal.” Si Rocky Bouchard ay isang ulila sa Canada na inampon ng mag-asawang Mary at Roen Bouchard noong sampung taong gulang pa lamang. Hindi nila alam kung sino ang tunay na magulang ni Rocky dahil wala rin naman itong maikwento sa kanila sa tuwing tinatanong nila. Kalaunan, naging legal na Bouchard si Rocky na siyang lumaki sa isang mayaman at respetadong pamilya sa Canada. Pagkalipas ng ilang taon ay isa na siyang successful na corporate lawyer. Sa hindi inaasahan, nahulog ang loob niya sa pamangkin ng kanyang foster mom na siyang nakatadhana na rin sa iba. Napagdesisyunan niyang ibaon na lamang sa limot ang nararamdaman at mag-focus sa career. Sa kabilang banda, si Cristianna Erica Rowanda ay lumaking breadwinner simula noong hindi na bumalik mula sa Canada ang OFW niyang ama. Wala na silang naging balita rito na para bang naglaho gaya ng isang bula. Dahil dito, kinailangan niyang magtrabaho para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya niya. Sa kasamaang palad, siya ay napagbintangang magnanakaw ng pera ng kumpanya na siyang naghatid sa kanya sa rurok ng kahirapan. Wala siyang kapera-pera dahil ang araw na inaasahan niyang unang sahod niya ay nauwi sa pagkakakulong. Nang kunin ni Rocky ang kanyang kaso, nagawa niya itong ipanalo at patunayan ang kainosentehan ni Cristianna. Gayunpaman, pagkatapos ng dalawang buwan ay muli silang nagkita bitbit ang kani-kanilang problema—si Cristianna na hindi makahanap ng trabaho at si Rocky na pressured ng parents na magkaroon ng asawa. Isang kontrata. Dalawang taon. Nag-iisang krimen na akala nila ay nabaon na sa limot. Magagawa kaya nilang ipanalo ang kanilang pagmamahal kung gayong ang dugo na nananalaytay sa kanilang katawan ay siyang hahatol sa isang ipinagbabawal na pag-ibig?
105.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 138 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

A Contract Marriage with My Ex-Husband’s Ruthless Brother

Limang taon nang asawa si Dr. Vera Almonte ni Riley Garcia, ngunit sa buong panahon ng kanilang pagsasama, palagi siyang pangalawa. Sa bawat gabi at sa bawat katahimikan ng kanilang bahay, malinaw na may isang babaeng hindi niya kailanman kayang palitan—ang unang babaeng minahal ng kaniyang asawa, si Carla Mendoza. Sa mismong kaarawan ni Vera, nalaman niyang siya’y buntis. Inakala niyang iyon na ang magiging dahilan para sa wakas ay piliin siya ni Riley. Ngunit bago pa man niya maibahagi ang balita, isang mas masakit na katotohanan ang dumurog sa kaniya—buntis din si Carla, at iisa ang ama ng mga batang iyon. Doon niya napagtanto na kailanman ay hindi siya naging tunay na asawa, kundi isang pansamantalang kapalit lamang. Pinili ni Vera ang paglayo. Nag-file siya ng annulment at ipinadala iyon kay Riley, upang hindi na siya maging sagabal sa pagmamahalan ng dalawa. Nilihim niya ang sariling pagbubuntis upang protektahan ang sarili at ang anak na pilit niyang ipinaglaban. Ngunit hindi lahat ng lihim ay nananatiling ligtas. Sa takot na maagaw si Riley, sinira ni Carla ang tanging bagay na natitira kay Vera. Sinagasaan siya nito, at sa isang iglap, nawala ang batang nasa kaniyang sinapupunan. Nang magising si Vera sa loob ng ospital, isang lalaking hindi niya inaasahan ang nadatnan niyang nagbabantay sa kaniya—si Rico Garcia. Ang nakatatandang kapatid ni Riley. Isang makapangyarihan at walang-awang CEO na sanay kumuha ng gusto niya, at ngayon, ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan si Vera. Isang kontratang kasal ang inalok ni Rico. Kapalit ng proteksyon, si Vera ay magiging kanya—sa pangalan, sa buhay, at sa mundong hindi na niya maaaring talikuran. Ngunit sa isang kasal na itinayo sa galit at paghihiganti, hanggang saan hahantong ang lahat kapag minahal ka ng lalaking handang wasakin ang sarili niyang kapatid para sa ‘yo?
1014.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 336 kali sebagai after trilogy
Tampilkan Ulasan (26)
Baca
+Pustaka
ArtofPollyanna
Interesting plot. Akala ko magiging sila ng lalakeng minahal niya. Hindi naman siya deserve ng lalakeng yon. Mabuti nang mapunta siya sa tulad ni Rico. Maganda yung may pa cliff hanger kaya for sure mapapaisip ang mga readers kung anong mangyayari sa story na 'to. Highly recommend ...
Duskara Morvane
Hi, guys. Available na po ang stand-alone story nina Sam at Daddy GAB. Pwede kayong direct na magbasa roon. Check niyo lang sa profile ko. Ito ang title: 𝗜𝗡 𝗕𝗘𝗗 𝗪𝗜𝗧𝗛 𝗠𝗬 𝗦𝗖𝗨𝗠𝗕𝗔𝗚 𝗛𝗨𝗦𝗕𝗔𝗡𝗗'𝗦 𝗥𝗨𝗧𝗛𝗟𝗘𝗦𝗦 𝗙𝗔𝗧𝗛𝗘𝗥 (𝗦𝗣𝗚) Maraming-maraming salamat! 🤍
Baca Semua Ulasan
FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

FORBIDDEN TASTE OF MY STEPBROTHER

Muling nagpakasal ang ina ni Reign—at kasabay noon, bumalik ang damdaming matagal na niyang kinalimutan. Sa mansyon ng bagong asawa ng kanyang ina, muli niyang hinarap ang lalaking minsan nang naging buong mundo niya. Si Michael— ang lalaking minahal niya bago pa ito naging bawal. Ngayon, isa na siyang kasalanang hindi dapat lapitan. Isang pagnanasa na kailangang tanggihan. Habang pilit niyang nilalabanan ang nararamdaman, mas lalo naman siyang nahuhulog sa lalaking hindi niya dapat mahalin. Dahil kung minsan, kung ano pa ang bawal, siya ring pinakamasarap tikman. He’s the sin she can’t stop craving.
1011.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 418 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
Never Beg For Your Love

Never Beg For Your Love

Ilang beses ni Adah na pinagbigyan at inintindi ang kaniyang minamahal na asawang si Jake. Mahal na mahal niya ito tepong kaya niyang magbulag bulagan na lamang sa mga kabulastugan ng lalaki. Kaya lang hindi habang-buhay kakayanin niya iyon. Dumating sa puntong napagod siya sa asawa niya at sinukuan ito. Kasabay niyon ay dumating sa buhay niya ang bilyonaryong si Havier. Ang lalaking may malaking parte sa kaniyang nakaraan. Ang lalaking una niyang iniyakan bago niya nakilala si Jake. Ngunit papaano kung bumalik ang dating asawa ni Adah at maglumuhod upang makipagbalikan sa kaniya? Pagbibigyan niya kaya? At hanggang saan ipaglalaban ni Havier ang pag-ibig sa babae kung kalaban niya ay ang dating asawa nito?
198 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 7 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
DESTINED TO BE HIS BRIDE

DESTINED TO BE HIS BRIDE

SYNOPSIS – DESTINED TO BE HIS WIFE Hindi niya siya pinili. Ngunit siya ang pinilit. Si Ayesha Dela Vega ay isang babaeng lumaban sa lahat—maliban sa sarili niyang pamilya. Isang kasunduan ang nagbago ng buhay niya. isang arranged marriage sa lalaking hindi niya kilala—ang malamig at misteryosong Rohan Villarreal, tagapagmana ng pinakamakapangyarihang angkan sa bansa. Ngunit sa mismong araw ng kasal, isang katotohanang hindi niya inaasahan ang sumabog. ang lalaking pinakasalan niya ay ang kabataang minahal niya noon, ang kalarong bigla na lang nawala, at akala niya’y patay na. Sa simula, inakala ni Ayesha na tadhana ang nagbabalik sa kanila. Hanggang sa isang gabi ng putok, dugo, at sigaw— nang barilin si Rohan sa harap niya, at sa sumunod na sandali, isang lalaking kamukha ni Rohan ang lumitaw mula sa dilim. Ngayon, habol ng pamilya Villarreal, tinutugis ng mga lihim na pilit itinago ng panahon, si Ayesha ay kailangang pumili kung sino ang paniniwalaan— ang lalaking minahal niya noon, o ang an inong nagdadala ng pangalan ng asawa niya ngayon. Ngunit sa mundong nilamon ng kapangyarihan at kasinungalingan, ang katotohanan ay may kabayarang dugo. At sa pagitan ng dalawang lalaking may parehong mukha, isa lang ang dapat mabuhay. “DESTINED TO BE HIS WIFE” — isang kwento ng pag-ibig, lihim, at kapalaran. Kung saan ang puso ay sandata, at ang bawat halik ay maaaring maging sumpa.
622 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 21 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

MARRIED TO A BILLIONAIRE: Surgeon by Day, Husband by Mistake

Sa mismong araw ng kasal nila, nalaman ni Luna ang mapait na katotohanan—ginamit at pinakasalan lang siya ni Damon upang saktan ang babaeng dating karelasyon nito. Dala ng matinding sakit at pagkabigo, nagpasya siyang iwan si Damon sa araw ding iyon. Tahimik itong naglaho nang walang paalam. “Hanapin n’yo siya! I want every inch of this estate searched!” sigaw ni Damon habang galit na galit na naglalakad paikot sa marble flooring ng hall, ang mga palad niya'y nakasukbit sa kanyang buhok na tila ba hindi malaman kung ano ang uunahin—ang takot, ang galit, o ang pagkasira ng loob. “Sir Damon,” lapit ng isa sa mga security. “We’ve searched the entire estate… wala po talaga si Ma’am Luna. Even the guard at the back gate said walang nakitang dumaan.” “She can’t just run away with my child!” singhal niya, boses niya'y halos mapunit sa dami ng emosyong nagsasalubong sa dibdib. “Do whatever it takes—bring her back! Now!” Pagkalipas ng anim na taon magmula noong maglaho na parang bula si Luna... "Boss, we found your wife. She just landed at the international airport." "And she’s with three kids... who all look exactly like you." "But there’s another man with them—and one of the kids is calling him Dad."
109.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 309 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Madalas nga ay nagpa-practice na siya sa pagsusulat at idudugtong ang apelyido ni Vaughn na Lopez sa kanyang buong pangalan na Samantha Santos. Inspirasyon din niya ito sa kanyang pag-aaral para maipagmalaki siya nito. Samantalang ang binata ay may nobya sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. At nangako na pagkatapos ng sampung taon nito sa modelling career ay magpapakasal na silang dalawa at iiwanan ni Yvonne ang modelling para sa bubuuin nilang pamilya. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Hindi naman siya nagtagumpay dahil nahulaan agad ng binata ang kanyang masamang balak. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kasal nila Vaughn at Yvonne. Sinamantala naman ni Samantha ang pagkakataon na ligawan si Vaughn. Wala siyang pakialam kung siya ang humabol sa binatang CEO. Walang nakapigil sa kanya kahit ultimo ang sariling pamilya dahil katwiran niya ay nasa tamang edad na siya at tapos na sa pag-aaral. Ngunit, tila naging bato na yata ang puso ng binatang Bilyonaryo dahil kahit anong panunuyo niya rito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Igi-give up na ba niya ang pagmamahal kay Vaughn at ibabaling na lamang ang atensyon sa nakababatang kapatid nito na matagal nang may gusto sa kanya? O maghihintay pa rin siya na mapansin ni Vaughn kahit mayroon na ulit itong bagong nobya?
102.2K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 49 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

The Billionaire’s Accidental Marriage: Disabled Hot Uncle

Si Beatrice ay niloko at ipinahamak ni Minda, ang dapat ay kanyang magiging biyenan. Dinala sya nito sa kwarto ni Marcus, ang tiyuhin ng kanyang fiance na noon ay nakawheelchair dahil sa aksidenteng kinasangkutan nito. Napilitan syang pakasalan si Marcus upang mabawi ang dangal na nawala sa kanya. Ang inaasahan nyong miserableng mangyayari sa buhay nya mataposa maipakasal kay Marcus, ay kabaliktaran pala ng tunay na mangyayari. May tangi lamang syang problema sa kanilang pagsasama, si Marcus ay may sakit at mahina na. Ngunit isang araw matutuklasan nya ang isang sekreto ng kanyang asawa na ito pala ay palihim na nagpapagamot. Ito na kaya ang magiging umpisa ng kanilang perpektong pamilya o ito kaya ang magiging dahilan upang mas gumulo pa ang kanilang buhay.
1015.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 479 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
Falling for the Forbidden King

Falling for the Forbidden King

When Alina’s parents announced that their business was bankrupt, akala niya tapos na ang mundo niya. She thought there was no way out, no hope for her family—until Adamon Salvatore walked into their house. The youngest billionaire in the country, kilalang cold-hearted at mysterious, made them an offer they couldn’t refuse: he will save their company, pero kailangan siyang pakasalan ni Alina. Out of desperation and love for her parents, Alina said yes. The marriage made headlines. Their business was saved. Everyone thought she was living her perfect life—luxury, power, and a handsome husband beside her. But behind that glamorous world was a truth darker than anything she imagined. Adamon is not just a billionaire. He is a mafia king. Ang akala ni Alina kaya niyang tiisin ang bagong buhay, until she discovered secrets that could destroy her. She tried to escape—pero hinabol siya ni Adamon para ibalik, ngunit may mga tao ring gustong humabol sa kanya nang malamang siya ang asawa nito. Worse, habang lumalayo siya, mas lalo siyang nahuhulog sa lalaking dapat niyang katakutan. Saan siya tatakbo, if her heart screams that her home is in Adamon’s arm yet she is afraid of his world.
9372 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 9 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

HIS ONLY WOMAN: Billionaire Romance

Lumaki sa saktong pamumuhay si Nessa Villego, siya ngayon ay 25-taong gulang na at isa ng lisensyadong engineer. Tanging ang nakababata na lamang niyang kapatid na si Tasha 20-taong gulang, ang mayroon siya nang mamatay ang mga magulang nila 5 years ago sa hindi inaasahang trahedya. Dahil dito ay mas lalong naging malapit ang dalawang magkapatid na halos siya na ang tumayong ina at ama para kay Tasha. Naghangad si Nessa ng magandang pamumuhay upang matulungan ang kapatid. Hanggang sa isang araw ay labis siyang nabanas nang mapansin niya na tila unti-unting nagsisilipatan ang mga dati niyang kliyente. Si Engr. Veos Dimitre, ang lalaking labis na nagdala ng pagbabago kay Nessa dahil naging kakompentensya niya ito dahil sa pagkakapareho nila ng propesiyon. Ngunit ano kaya ang magiging reaksyon ni Nessa kapag nalaman niya na palihim na minahal ng kanyang kapatid na si Tasha si Veos? At paano kung ang damdamin ni Veos ay hindi pala nakalaan kay Tasha? At sa ibang babae ito mas nahuhumaling. Ano kaya ang magiging takbo ng buhay nina Nessa, Veos at Tasha. May pag-asa pa kayang magkasundo ang dalawa sa kabila ng kanilang propesiyon o tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan dahil sa hindi nila palaging pagkakaunawaan.
9.914.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 546 kali sebagai after trilogy
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
3738394041
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status