One Night Stand with a Stranger
Nagmano at humalik agad ako kay Mama para pakalmahin siya.
Pagkaupo ko, nagkalat agad ang mga tanong. Halos sabay-sabay pa sila.
"Mommy, what happened to you? Bakit ang dami mong benda?" tanong ni Alonzo, puno ng pagtataka.
"Oh no! Mommy's turning into a Mummy!" sigaw naman ni Addison na may kasamang acting pa—parang multo na may mga kamay na nakaunat.
Nagtilian tuloy ang magkakapatid, takbuhan kung saan-saan. Kung meron lang sanang award para sa "Best Supporting Actor in a Comedy Scene," panalo na si Addison.