UNCLE WADE (FORBIDDEN PASSION SERIES)
Ang nakahain sa lamesa ay pritong isda kanin at may sawsawang kamatis na may toyo at kalamansi.
"Ako nga pala si Aida at siya naman si Paeng, at ang anak naming si Carmela, matagal na kaming naninirahan dito sa Cagayan," pagpapakilala ni Aling Aida.
"Pwede kang tumuloy muna dito habang hindi mo pa naaalala ang lahat," saad naman ni Mang Paeng.
"Salamat po," saad ko.
"Hindi namin alam kung anong itatawag namin sayo, mag imbento na lang muna tayo ng pangalan mo," saad ni Carmela.