Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
My Husband is a Babymaker: Bound by Contract Torn by Heart

My Husband is a Babymaker: Bound by Contract Torn by Heart

Sa paningin ng iba, nasa kanila na ang lahat. Mayaman, matagumpay, at masayang namumuhay bilang mag-asawa sina Vina at Frank. Ngunit sa likod ng kanilang perpektong buhay ay isang pangarap na matagal nang hindi matupad—ang magkaroon ng sariling anak. Nang mawalan ng pag-asa sa lahat ng paraan, gumawa sila ng isang desisyong babago sa kanilang buhay magpakailanman. Pumasok sa eksena si Ramil, ang kanilang tapat na kasambahay at biyudong ama ng tatlong anak. Dahil sa pangangailangang mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang kanyang pamilya, tinanggap niya ang isang kasunduang hindi niya kailanman inakalang haharapin. Nagsimula ang lahat bilang isang kontrata na nakabatay sa pera, obligasyon, at sakripisyo. Ngunit habang lumalalim ang kanilang pagkakakilala, unti-unting nabubuo ang mga damdaming hindi dapat umusbong. Sa pagitan ng katapatan, pag-ibig, at mga lihim na nakatago sa puso, haharap sila sa isang pagsubok na maaaring sumira o bumuo sa kanilang mga buhay magpakailanman.
14 viewsOngoing
Read
+Library
The Humble Son-in-Law is the King of the World

The Humble Son-in-Law is the King of the World

Sa mata ng mga mamamayan ng Lungsod ng San Jose, si Cyrus ay isang anino lamang—isang lalaking walang nakaraan, walang ambisyon, at isang "dustang manugang" na palamunin ng pamilyang Sandoval. Sa loob ng tatlong taon, tinitiis niya ang bawat pangungutya, pag-alipusta, at pagmamaliit mula sa kaniyang mga biyenan at sa mapagmataas na pinsan ng kaniyang asawa na si Marco. Ang tanging dahilan ng kaniyang pananatili ay ang kaniyang wagas na pagmamahal kay Claire Sandoval, ang babaeng nagbigay sa kaniya ng tahanan sa kabila ng kaniyang pagiging "basura" sa paningin ng lipunan. ​Ngunit ang lahat ay magbabago nang mahanap siya ni Arturo, ang tapat na alalay ng pinakamayamang pamilya sa buong mundo. Sa isang madilim na eskinita, mabubunyag ang katotohanang sampung taon nang nakabaon: Si Cyrus ay hindi isang pulubi, kundi si Cyrus Villarreal, ang nag-iisang tagapagmana ng Villarreal Global Holdings. Ang kaniyang amnesia ay hindi aksidente, kundi bunga ng isang malupit na pagkakanulo mula sa sarili niyang kadugo na nagnais na agawin ang kaniyang trono. ​Sa halip na agad na magpakitang-gilas, pipiliin ni Cyrus na manatili sa kaniyang low-profile na buhay. Gagamitin niya ang kaniyang katalinuhan, ang kaniyang walang limitasyong yaman, at ang kaniyang mga lihim na koneksyon upang protektahan si Claire at durugin ang mga kaaway nito nang hindi siya nakikilala. Sa pamamagitan ng mga "frontman" sa negosyo, itatayo niya ang isang imperyo sa likod ng mga anino habang nananatiling tagalinis ng sahig sa harap ng mga Sandoval. Ito ay isang mahabang labanan ng talino, estratehiya, at pagtitimpi. Hanggang kailan niya kayang itago ang kaniyang koronang ginto sa likod ng isang basahan? Sa mundong ang lahat ay nasusukat sa pera, si Cyrus ang magpapatunay na ang pinaka-aba ay siya palang Hari na nagmamay-ari ng lahat.
10818 viewsOngoingIdinagdag sa Library 22 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

TOO LATE TO REGRET; HE IS PURSUING HIS WIFE TO COME BACK!

Limang taon. Ang akala ni Agatha ay makakaya ng panahon para umibig din sa kanya si Noah, pero sa paglipas ng limang taon na kasal siya dito ay hindi nagbago ang pagtingin nito sa kanya. Naghintay siya, ngunit dumating na sa puntong hindi na niya kaya, napagod na siya sa paghihintay kay Noah. Sumuko na siya lalo na at bumalik na rin ang babaeng una nitong minahal bago siya nito pinakasalan. Ngunit kung kailang handa na siyang ibigay ang kalayaan nito, kung kailan gusto na niyang makalaya sa kasal nila ay ayaw naman nitong ipawalang bisa ang kanilan kasal. At ang lagi nitong dahilan kung bakit ayaw siya nitong palayain; Isa lang siyang tagapagligtas sa paningin nito at ang kabayaran ng pagliligtas niya sa buhay nito ay ang manatili silang kasal kahit na pareho na silang nasasakal.
9.874.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 2.0K Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
OH NO! MY SON'S FATHER IS A RICH MAN I MUST MARRY

OH NO! MY SON'S FATHER IS A RICH MAN I MUST MARRY

ROOM 808. It was just a normal night at kwarto lamang ito sa iba, ngunit para kay Rosa, ito ay isang masamang panaginip. She never saw the man who made love with her or even knew his name. Ang naalala lang niya, ang kakaibang init at minty na labi nito. After being planned and trapped sa isang silid ng dahil sa plano ng stepsister at kapatid para mapaalis siya, nagbunga ito ng isang anak na lalaki. After 5 years passed, ang pag-uwi nila sa Pilipinas ang magiging simula ng unti unting paglabas ng katotohanan at ang nalalapit na pagkikita ng dalawa from that night. Will she get the revenge she deserves? Or will she never find the truth about her son’s father?
108.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 299 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth

The Man I Betrayed is Now an Attorney Who Wants the Truth

Anim na taon ang lumipas mula nang talikuran ni Zephyra Arcadia ang lalaking kanyang minahal—ang tahimik at prinsipyadong si Wren Deveraux—para sa mas “tamang” desisyon sa mata ng mundo. Isang kasal na may pangalan, kapangyarihan, at proteksyon. Ngunit kapalit nito ang isang buhay na puno ng pananakit, takot, at unti-unting pagguho ng sarili. Nang tuluyan niyang piliing makipaghiwalay sa lalaking sumira sa kanya, akala ni Zephyra ay sapat na ang lakas ng loob. Hindi niya inasahan na ang mas mahirap na laban ay ang harapin ang lalaking iniwan niya noon—ang lalaking ngayon ay isa nang makapangyarihang abogado na kayang pabagsakin ang sinuman… at kasama siya. Wren Deveraux—ang lalaking minahal niya, at lalaking matagal nang itinuring na patay ang pangalan niya sa puso nito. Malamig, mapanupil, at may galit na anim na taong kinikimkim. Isang lalaking hindi tumutulong nang libre, at hindi nagpapatawad basta-basta. Isang gabi. Isang silid. Isang kompromisong walang malinaw na hangganan. Habang sinusubukan ni Zephyra na buuin muli ang sarili at ipaglaban ang kalayaan niya, mas lalo naman siyang hinihila ni Wren pabalik—hindi bilang minamahal, kundi bilang isang bagay na minsan nang naging kanya. Pero sa pagitan ng galit at paghihiganti, posible pa bang mabuhay ang pagmamahal na matagal nang inilibing? O sadyang huli na ang lahat para sa ikalawang pagkakataon?
10278 viewsOngoingIdinagdag sa Library 9 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)

IRREPLACEABLE - MY CEO BOSS IS MY LOVER BOOK 2 (THE NEW GEN)

Kasalukuyang nasa bar si Heaven at nagpapakalasing. Kaka-break lang nila ng nobyo dahil nahuli niya ito at ang bestfriend niyang nakapatong sa isa’t isa sa mismong pamamahay niya! Nasaktan siya, hindi dahil naagawan siya ng boyfriend, kundi nasaktan ang pride niya dahil isang pipitsuging lalaki lang ang nakagawa noon sa kanya. Kung tutuusin, hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay. Shes an independent woman, mabubuhay siya nang walang lalaki dahil siya si Heaven Ferrer! "Hi..." Narinig niyang may nagsalita sa likod niya... isang lalaki. Umupo ito sa tabi niya. "Sorry na lumapit ako, ha. I know na gusto mong mapag-isa dahil tinapalan mo ng pera ang lahat ng nanggugulo sa'yo dito. Hahaha..." Napangisi siya sa humor ng lalaki. "Bakit, gusto mo rin ng pera?" biro niya. Pinagmasdan nya ito. Kahit na lasing na siya nababnaag pa din ang kagwapuhan ng lalaking nagpakilalang si Theo. Actually, napansin na din niya ito kanina pagpasok niya. Ang lakas kasi ng sex appeal nito. Lihim siyang napangiti sa naiisip. Bakit hindi siya magwalwal sa gabing iyon? Gagamitin niya si Theo para sa kanyang plano. Gusto niyang makatikim ng lalaki sa gabing iyon. At kapag maisagawa na niya iyon, magpo-focus na siya sa buhay nya. Magpapawasak siya sa gabing iyon para hindi naman siya matawag na desperate virgin. At pagkatapos noon, hindi na siya magbo-boyfriend. She can live without a boyfriend anyway! "Theo, can you bring me to your place?" diretsahang sabi niya. Napaubo si Theo sa sinabi niya. "Huh?... Why?" "You know what I mean..." malanding wika niya. Alam niyang type siya ni Theo kaya imposibleng aayaw ito sa gusto niya. "A-are you sure?" "Ayaw mo ata. Sige, I will find someone else..." wika niya saka akmang tatayo, pero pinigilan siya nito. "Wait!..." Hinawakan siya nito sa braso. "Let's go..."
1085.4K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3.4K Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Ipakita ang mga Review (21)
Read
+Library
Analyn Bermudez
thank you sa update Ms A...may twist nga na binigay ni Ms A...kaso Ms A wag mo nmn gawin martir at Tanga Ang mga Bida..baka mmya Ang nangyari kagaya ung nangyari before..at sana wag Basta Basta maniniwala SI Theo na anak niya bata ipDNA test Ng lihim pra di Siya maloko
Nimpha
sorry po madam e good bye Kuna sa library ko po paramabawasan Ang puyat ko sa kakahintay po na Wala nmang update nagging low blood na Ako dahil lagging late na makatulog sa pag hihintay Ng mga update sa mga binabsa ko po kaya Ang ititira ko UNG always updated at Maaga mg update good byirreplaceable
Basahin ang Lahat ng Review
My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

My New Boss is the Man I Had a One Night Stand With!

Nalaman ni Ximena na sinadya ng kanyang nobyo na si Julius na ipambayad utang ang kanyang puri kasabwat ang babae na pinakilala sa kanya ng kasintahan na matalik nitong kaibigan. Yun pala ay matagal ng may relasyon ang mga ito. Kasunod non ay natanggap siya sa trabaho. Ngunit ganon na lang ang gulat ni Ximena na imbis na sa Marketing Department ay nalipat siya bilang Personal Assistant ng CEO!
1026.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 815 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
Yumi and the Golden Mansion

Yumi and the Golden Mansion

Writer Zai
Laundrymaid, cook, janitress— name it all. These are among of the tasks YUMI has to do every day. In short, she's your generous all-around maid who works without getting paid. However, her monotonous life of being the modern Cinderella will soon end the moment she lays eyes on VINCENT, who is a rich, fair young boy who is offering her one huge offer no lady of her status would ever say no— to marry him. Everything is already supposed to be a happy ending for Yumi until her cruel stepmother-in-law, VICTORIA, steps in to ruin the dream-like fantasy she has ever dreamed of. Will her fairytale-like life with her prince charming end so soon? Or will she then begin to put her A-game on a battle against her stepmother-in-law for the sake of Vincent and the life she has longed for?
104.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 100 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
Golden Cuisine: 10,569

Golden Cuisine: 10,569

clam11th
Golden Cuisine owner no. 1: YelA suicidal maniac, Yelsha Oba, seem to always fail in her attempts to end her life. She then decided to join Kyumei, an organization that helps people to save lives by risking their own. Two birds in one stone. She can both save other's lives and fulfill her own desire to die. Along doing the job, she started to run her own business as her mask for her real job. The epitome of her hard work, her home... Golden Cuisine. Warning: R-18 Mature Content
105.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 197 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
She Calls Him Dad, I Call Him Mine

She Calls Him Dad, I Call Him Mine

Umalis si Elizabeth sa marangyang buhay sa Maynila upang takasan ang isang sapilitang kasunduan—ang pag-date kay Greg, anak ng pinakamayamang negosyante sa lungsod. Sa pagtakbo palayo, hindi inaasahang masisira ang kanyang kotse sa gitna ng isang liblib na lugar. Isang misteryosong lalaki ang dumaan at tumulong sa kanya. Tall, dark, and handsome—isang "prince charming" sa tunay na buhay. Pero hindi niya nakuha ang pangalan nito. Pagdating sa probinsya, ibinahagi niya ang kwento sa kanyang kaibigang si Monique, na agad nilang tinawag ang lalaki bilang "Prince Charming." Ngunit gumuho ang mundo ni Elizabeth nang mapagtanto niyang ang lalaking ito… ay walang iba kundi si Benedict—ang ama ng kanyang kaibigan. Isang single dad na hindi rin inakalang ang babaeng tinulungan niya sa kalsada ay ang magiging dahilan ng muling pagtibok ng kanyang puso. Handa ba si Elizabeth na mahalin ang lalaking hindi niya dapat ibigin? At kaya ba niyang ipaglaban ang damdaming maaaring sirain ang pagkakaibigan nila ni Monique?
10811 viewsOngoingIdinagdag sa Library 23 Beses bilang all that glitters is not gold quotes
Read
+Library
PREV
1
...
2526272829
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status