Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Forgotten Wife of Gavincci

The Forgotten Wife of Gavincci

Serene Santelle
Nagising si Kayla sa isang pamilyar na silid na matagal na niyang tinakasan. Isang huling misyon ang natanggap niya na hindi kayang tanggihan. Isang daang dolyar, ang kan'yang kalayaan, at kaligtasan ng anak kapalit ng ulo ni Leandro Gavincci. Paano kung malaman niya na ang Gavincci na tinutukoy ay ang ama ng kan'yang anak? Makakaya ba niyang isantabi ang galit at poot para sa kapakanan ng anak? Ngunit paano kung sa gitna ng misyon ay umusbong ang pag-ibig na matagal ng inilista sa tubig? Magagawa pa bang talikuran ni Kayla ang misyon sa kabila ng mga sekretong mabubunyag?
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Dark Boss 2: Hiding the Mafia Billionaire's Heirs

Hindi aakalain na muling magkukrus ang landas nila Seraphim Anastasia Arandia at Philip Kahili Callari ngayong tinatago ng babae ang tatlong anak ng bilyonaryong lider ng isang malaking ilegal na organisayon. Alam ni Seraphim na isang malaking pagkakamali na itago ang mga anak nito ngunit anong magagawa niya kung mas masaya ito sa piling ng unang pag-ibig nito? Pero parang pinaglalaruan talaga sila ng tadhana ngayong nagkita ulit sila, mabigyan kaya ng hustisya ang naudlot niyang seksuwal— este pag-ibig sa lalaki? O mas lalo lamang ipapamukha sa kaniya ng tadhana na hindi talaga sila para sa isa’t-isa?
Romance
101.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Billionaire’s Wife For Revenge (TAGALOG)

Nagdanas ng malalim na sakit si Athena nang malaman ang pagtataksil ng kanyang boyfriend at stepsister. Ibinigay niya ang buong pag-ibig niya sa lalaki at ang buong pag-unawa niya sa kanyang stepsister, ngunit sinaktan pa rin siya ng mga ito. Dahil doon ay lumapit siya kay Euwenn, na gusto ng kanyang stepsister na pakasalan. Si Euwenn Cervantes ay apo ng founder ng Prime Global. Matalino, guwapo, at kilala bilang matagumpay na batang negosyante. Nais ni Athena na pumasok sa isang kontrata para pakasalan si Euwenn, at buong kasiyahan naman itong tinanggap ni Euwenn. Ngunit nais ng lalaki na ang kontrata ay maging isang tunay na kasal.
Romance
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

Saakin Nagtagal Sa Iba Ikinasal

death_pen23
Ashton Kiel Alvarez, ay isang binatang nangulila sa kalinga ng kanyang pamilya. Bata pa nung siya'y iniwan ng kanyang kuya, na nag sanhi na rin sakan'ya ng trauma. Hindi na syang ng iwan ng iba, kasi takot narin syang maiwan tulad ng ginawa ng kanyang kuya. Taon ang lumipas at handa na sya upang pamunuan ang kanilang kompanya. Sa panahong 'yon nakilala nya ang babaeng alam nyang para sakanya. Pinangarap upang dalhin sa altar at pagsilbihan habang buhay. Ngunit nabuo ang isang pagkakamali. Na hindi nya inakalang 'yon ang wawasak sa lahat ng pangarap nya. Kaya nyang bang iwan ang taong ginawa na nyang tahanan? Kaya nya bang iwanan yung taong lubos nyang pinahalagahan. Mananatili ba sya o tanging abo ang haharap sa altar.
YA/TEEN
3.8K viewsOngoing
Read
Add to library
MAHAL KITA PERO

MAHAL KITA PERO

Blossom
Ang pagmamahal ay para sa bawat isa, kalayaan natin humanap ng tao na makapupuno at masasabi, na siya na nga ang makakasama natin sa habang buhay. Ngunit bakit napaka lupit ng buhay para kay Red. Anak mayaman, gwapo, matipuno, halos lahat ng katangian para sa Ideal Man ay nasa kanya. Lahat nga ba ay nabibili ng pera? Nabibili ng yaman ang dignidad? O may tao talagang sapat na makita lang masaya ang minamahal niya. Hanggang saan makakaya ng binata ang hagupit ng tadhana para ipaglaban ang mahal niya. Masasabi nga ba na totoo ang Happy Ending? o hanggang sa pelikula lamang pala makikita ito.
Romance
2.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Only One

My Only One

ScriptingYourDestiny
My Only One Ang makulit niyang kapitbahay na si Jhureign ang gumulo sa buhay ni Timothy simula no'ng lumipat siya ng bahay at lumayo sa pamilya niya. Ngunit hindi naman niya aakalain dahil sa paglipat niya ay mahahanap niya ang taong itinadhana para sa kaniya. Sa simpleng banat nito na nagpapangiti sa kaniya at nagpapatibok ng puso niya. Ngunit kung kailan siya nasanay sa prisensya ng dalaga, saka sila sinubok ng tadhana. @scriptingyourdestiny Ang story na ito ay purong fictional lamang. Kung mahilig kang magbasa ng plot na may taguan ng anak (ito ang hinahanap mo) Engineer at Engineer.
Romance
966 viewsOngoing
Read
Add to library
EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

EXCLUSIVE ESCORT OF A RUTHLESS TYCOON (SSPG)

‼️ Warning : R-18 SSPG ‼️ Velora Venice, mabuting empleyada sa Solara Essence. Sa kabila niyon ay mayroon silang lihim na kasunduan ng kanyang boss na si Dewei Hughes. Isang araw sa piling ni Mr. Dewei Hughes, singkwenta mil ang ibinabayad nito sa kanya. Pangdagdag sa pang-dialysis ng kanyang kapatid at para sa gastusin nila sa bahay. Inalok siya ng boss niya ng isang gabing pagt@t*lik at babayaran siya ng malaking halaga. Pumayag din siyang maging isang exclusive escort ng isang mayamang estrangherong lalaki. Ginawa ni Velora ang magsakripisyo para mabuo ang malaking halagang kailangan sa kidney transplant ng kanyang nakakababatang kapatid na si Vanna.
Romance
10137.3K viewsCompleted
Read
Add to library
Taming The Arrogant Boss (SPG)

Taming The Arrogant Boss (SPG)

Isang alipin ang turing kay Bea ng kaniyang tiyahin at pinsan. Ang sinasahod niya sa pinapasukan niyang karinderya ay sa kanila lang napupunta. Hindi na niya kinaya pa ang pang-aalipin ng mga ito sa kanya kaya humanap siya ng trabaho at natanggap siya bilang isang caregiver ng isang aroganteng binata. Magagawa niya kayang habaan ang pasensya niya sa binatang ito na magiging sakit ng kanyang ulo? Paano kung malaman niyang sinasadyang inisin siya ng binata para makuha ang kanyang loob?
Romance
3.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Tres Marias: Ada

Tres Marias: Ada

Hindi naging hadlang ang yaman at pribilehiyo upang tuparin ni Atty. Ada Esquivel--- isang matapang at ma-prinsipyong babae--- ang kanyang misyon sa buhay. Bagaman lumaki siyang laki sa yaman at karangyaan, pinili niyang i-alay ang kanyang buhay upang tulungan ang mga mas higit na nangangailangan. Ang kanyang pangalan ay isang malaking tinik sa lalamunan ng mga mayayamang mapang-abuso, sapagkat kilala siya sa pagpanalo ng ng mga kasong isinasampa laban sa ilan sa kanila. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natalo siya sa isang kaso. Kasunod nito ay ang kalunos-lunos na pagkamatay ng kanyang dating Propesor. Dahil dito ay mapapadpad siya sa isang malayo at maliit ngunit tahimik na bayan ng Bagong Silang. Sa patuloy na pakikibaka para sa karapatan ng mga taong naninirahan dito, unti-unti ring mabibigyan ng linaw ang sinapit ng kanyang propesor, maging ang misteryo sa likod ng kauna-unahang kasong hindi niya naipanalo ay mabubunyag din. Lingid sa kaalaman ni Ada ang bawat sikretong matutuklasan niya ay magiging mitsa ng kanyang buhay. Makakaligtas kaya siya sa tiyak na kapahamakang nakaabang sa kanya? Posible kayang makatagpo siya ng pag-ibig sa gitna ng digmaan? How much will it take to win against the fight outside the courtroom?
Mystery/Thriller
1.4K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For The Billionaire

Falling For The Billionaire

“A marriage of convenience… turned into a love worth fighting for.” Isang kasal na hindi pinili, kundi ipinilit ng kapalaran. Para kay Vernice, ang kasal ay isang bagay na dapat nagmumula sa pagmamahal at hindi sa kasunduan. Ngunit biglang nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumayag sa isang arranged marriage—at ang lalaking nakatakda niyang pakasalan ay walang iba kundi si Caius, isang makapangyarihang negosyante na kilala sa kanyang malamig na ugali at walang interes sa pag-ibig. Sa simula, parang isang bangungot ang pagsasama nila. Ang buhay ng isang simpleng babae ay biglang naipit sa mundo ng karangyaan, intriga, at matinding pressure na dala ng pagiging asawa ng isang kilalang billionaire. Sa kanilang pagsasama, tila dalawang magkaibang mundo ang pinilit na pinagtatagpo—isang pusong naghahanap ng pagmamahal at isang pusong sanay nang magtago sa likod ng yaman at kapangyarihan. Ngunit habang lumilipas ang mga araw, may mga simpleng bagay na unti-unting nagbabago. Ang mga tingin na dati ay malamig, naging mainit. Ang mga usapan na dati ay pormal at walang saysay, nagiging puno ng lambing at tawa. At ang kasal na dati’y walang emosyon, nagiging isang tahanan ng pag-ibig na hindi nila inasahan. Subalit hindi mawawala ang mga pagsubok—mga taong tututol, intriga ng lipunan, at takot na baka ang lahat ng ito ay pansamantala lamang. Ngunit sa kabila ng lahat, matutuklasan nilang hindi ang kasunduan ang magtatali sa kanila, kundi ang pusong natutong magmahal ng totoo. Isang kwento ng dalawang taong hindi pinili ang isa’t isa, pero pinili ng tadhana. Sa huli, mapapatunayan nilang minsan, ang pagmamahal ay dumarating sa pinaka–hindi inaasahang paraan.
Romance
10260 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3738394041
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status