Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Babae Sa Barko

Ang Babae Sa Barko

Bossy, strict hardworking, workaholic and still single at the age of 25 dahil sa pagiging mataray nito. 'Yan si Colleen Brylle Castro, isang Chief Engineer ng isa sa malaki at sikat na luxury cruise ship na lumilibot sa buong Europe at Asia. Isang hot at gorgeous seawoman na pinapangarap ng lahat pero tinatarayan lang nito at nilalagpasan. Sa pagiging workaholic nito ay wala itong oras na inaaksaya para lamang makipagtalo o kaya ay makipag-date sa kung sino man. Ano kaya ang mangyayari kung aksidenteng makilala niya ang 21 years okd na bubbly, playgirl at spoiled brat na 'rich kid' at isip batang si Jane Mondragon na wala nang ibang ginawa kundi ay kulitin siya? At ano ang gagawin ni Jane kung talagang parang nakababatang kapatid lang ang tingin ni Coleen sa kanya kahit 'di niya pa rin mapigilang ma-in love dito dahil sa pagiging sweet at maalaga nito? Tanggapin kaya ni Coleen ang umuusbong na nararamdaman niya para kay Jane kahit alam niya'ng mali dahil sa pagiging kapwa babae nito?
9.27.9K viewsOngoingIdinagdag sa Library 221 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Ang Paghihiganti ng Bilyonaryo

Ang Paghihiganti ng Bilyonaryo

Siya ang CEO ng Montefalco Group of Companies. Mayroon siyang isang babaeng matagal na ninais na mapangasawa – pero hindi dahil sa pag-ibig, kundi dahil sa paghihiganti. Gusto niyang makaganti, at pinili niya ang anak ng taong may sala noon para ito ang magdusa at magbayad sa mga nangyari sa nakaraan. Hindi alam ng dalaga ang tunay na dahilan kung bakit biglang nagbago ang takbo ng kanyang buhay. May pag-asa pa kaya na matutunan nilang mahalIN ang isa't isa?
219 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Mine ang Baklang CEO

Mine ang Baklang CEO

"Mine ang baklang CEO!" Lakas loob na sigaw ni Janina habang titig na titig siya sa mata ng lalaking isinusuka siya. Janina Marie, isang babaeng pilit iaangat ang sarili para sa dignidad na dati'y taglay ng kaniyang pamilya. Handa siyang maging pambayad utang kung kapalit noon ay ang puso ng baklang CEO. Xavier Wesley, the ruthless CEO. Walang kasal ang kayang baguhin ang puso niyang kasing tigas ng bakal, lalo na kung ang mapapangasawa niya ay isang babaeng baliw na baliw sa kan'ya. Ngunit paano kung biglang sumingit sa kasal nila ang isang Jake Admerson, kakayanin bang panoorin ni Xavier ang unti-unting pagkawala ng pag-ibig na dati'y nakalaan sa kan'ya? Tuluyan na nga bang bibitawan ni Janina ang kaniyang baklang CEO para sa isang pag-ibig na wagas?
9.878.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.9K Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Ipakita ang mga Review (25)
Read
+Library
Aish
Tatak Magic Heart talaga. Hindi mo alam kung ano ang susunod na mangyayari dahil kilala siya sa mga twists na hindi inaasahan. Gusto ko nang maniwala sa mga rebelasyon pero knowing its author, mas gusto kong sundan ang story kasi feeling ko ay magsisisi ako kapag hindi ko ito tinapos.
Andrea
ang ganda...... para saken pwede to sa mga young adult kc hindi sya rated spg...️ very inspiring ang character ni JM at c Xavier naman napaka family oriented kaya love q talaga sila......️ Hindi boring kahit wala pang totoong bed scenes sa main characters very modest...️ Salute to you author magic heart...️...️...
Basahin ang Lahat ng Review
Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

Ang Dalawang Mukha [Tagalog]

S.B.S
Nang magising si Amella mula sa matagal na pagkahimlay, natagpuan na lang niya ang kanyang sarili na walang alaala sa kanyang nakaraan. Ni-mukha niya ay bago sa kanyang mga mata. Maging ang sariling pangalan ay hindi siya pamilyar. Maging ang sarili niya hindi niya kilala. Hindi niya alam kung saan siya magsisimulang hanapin ang sarili, lalo na nang malaman niyang ikinasal na siya sa isang lalaking nagngangalang Christian. At lalong gumulo ang mundo niya nang lumitaw si Hade sa buhay niya. Ang kanyang buhay ay naging magulo at puno ng mga katanungan. Sino si Hade? Bahagi nga ba siya ng nakaraan niya? Ginugulo ng lalaki ang kanyang diwa pati na rin ang kanyang puso. "Ang Dalawang Mukha sa loob ng iisang katauhan"
103.2K viewsOngoingIdinagdag sa Library 119 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Pag-aari ko siya PS#1 (TAGLISH)

Alyana Perez, isang simpleng babae at ang tanging gusto niya lang ay makapag tapos ng college, mag trabaho para sa stepmom at mga kapatid niya na lagi nalang siyang sinasaktan at kinakawawa. Kahit mahirap na pagsabayin ang trabaho at pag-aaral ay kinakaya niya para may mapakain sa pamilya at may pambayad sa kuryente. One day, she didn't know that her stepmother sold her... Stephen Wilson, ang lalaking mahilig ikama ang mga babae at paglaruan ang mga damdamin nila. Sa tingin niya ay lahat ng babae ay kagaya ng ex niya manloloko at mukhang pera, pinaglaruan lang ang damdamin niya noon kaya gumaganti siya sa mga babaeng nakikilala niya. Ano kaya ang magiging buhay ni Alyana kasama si Stephen? Mababago niya kaya ang paniniwala ni Stephen na hindi lahat ng babae ay manloloko at mukhang pera? Mag bago kaya si Stephen dahil kay Alyana?
1065.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.4K Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Ang Lihim ni Angelita

Ang Lihim ni Angelita

Mariposa, iyan ang tawag sa kanya. Walang pamilya, walang kaibigan. Isang babaeng mababa ang lipad. Sinisikmura ang lahat para sa pangarap. Gustong gusto na niyang makawala sa kadena. Ngunit lahat ng pangarap niya ay nag-iba noong maging kliyente niya ang isang Gustavo Aarav Bryson Salvador Duckworth, ang lalaking pinagtaksilan ng sariling nobya. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig at tinangay ang plano niya noong makita ang malaking bulto nito sa dilim. Isang hawak lang nito sa kanya ay tiyak na mapipisa siya. "Are you that desperate for money?" malamig, malalim, at may pagkapaos ang boses nito. Kita niyang lumagok ito ng alak na lalong kinakaba niya. "Kailangan ko lang. Ngayon lang para matapos na ang lahat ng ito," mahinang rason niya at kanina pa pinipiga ang mga daliri niya sa sobrang kaba. "Fine. Ibibigay ko ang gusto mo at pag-ungol lang ang kailangan mong gawin," madiing bigkas nito at halos hindi siya nakakilos noong maramdaman ang pag-ikot ng braso nito sa bewang niya at walang sabing siniil siya nito ng halik. Ni hindi niya lubos isipin na ang isang gabing iyon ay pagkakalooban siya ng tatlong anghel. Mga anghel na walang ideya kung sino siya.
1048.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 1.5K Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Mafia Ang Nabingwit Ko

Mafia Ang Nabingwit Ko

Dahil sa aksidenteng nangyari sa kapatid ni Lurena ay napilitan siyang sumalang sa bidding upang masalba ang buhay ng kapatid. Kaya lang dahil sa kapalpakan niya at napagkamalang balloon ang condom ay nagbunga ang isang gabing nangyari sa kanila ng estrangherong lalaki. Bago maipasa kay Hades ang titulo bilang mafia boss ay kailangan nito ng anak. At ngayong nalaman niyang buntis si Lurena ay talagang gagawin niya ang lahat para mapigilan ang dalaga na makalayo. Pero ang bata lang ba talaga ang kailangan niya? Paano kung dumating ang panahong hahanap-hanapin niya na rin pati ang ina ng anak niya?
1092.3K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3.7K Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Hahamakin Ko ang Lahat

Hahamakin Ko ang Lahat

“Minsan, ang pinakamadilim na pagkabulag… ay ang pagkabulag sa pag-ibig.” Si Lorie Philip, ang nag-iisang tagapagmana ng Philip Empire, ay nawala ang lahat sa isang iglap. Isang aksidente ang kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang at nagdulot ng kanyang pagkabulag — iniwan siyang mag-isa, mahina, at umaasa lamang sa lalaking akala niya’y kanyang sandigan: si Jason Curry, ang asawa niyang ipinagkasundo sa kanya mula pagkabata. Ngunit ang pag-ibig na inakala niyang totoo, ay isa palang malupit na panlilinlang. Habang siya’y nabubuhay sa dilim, ginamit siya ni Jason upang makuha ang lahat ng ari-arian ng Philip family, habang palihim na nilalapastangan ang kanilang kasal kasama ang sekretarya nitong si Necy. Sa paningin ni Lorie, siya ay minamahal. Ngunit sa katotohanan, siya ay ginamit, pinagtawanan, at niloko. Hanggang sa isang araw, isang pagkadulas sa banyo ang nagbalik ng kanyang paningin at kasabay nito, ang katotohanang mas masakit pa sa pagkabulag. Nakita niya mismo ang kanyang asawa at sekretarya, naglalampungan sa study room, at mula sa bibig ni Jason, narinig ang mga salitang pumunit sa kanyang puso: “Hindi ko siya mahal. Kayamanan lang niya ang kailangan ko.” Ngunit ang mas mabigat na katotohanan, ang aksidenteng pumatay sa kanyang mga magulang ay hindi aksidente, kundi isang maingat na plano ng pamilya Curry. Sa gitna ng luha at galit, nanumpa si Lorie: “Pagbabayarin ko kayo sa lahat ng ginawa n’yo sa akin.” Sa tulong ng isang matalino at misteryosong private investigator na si Fernan James, unti-unti niyang binuo ang kanyang lakas upang bawiin ang lahat — kayamanan, hustisya, at dignidad. Ngunit habang lumalalim ang imbestigasyon, unti-unting nagigising ang damdamin niyang matagal nang natulog. Pag-ibig ba o hustisya ang pipiliin niya? At handa ba siyang magmahal muli sa lalaking handang ipaglaban siya, kahit kapalit ay buhay niya?
101.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 41 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Ang Bagong Emily Hills

Ang Bagong Emily Hills

Nora Dumont, a ruthless and merciless most feared gang leader in the region and has slowly taken other countries, died in the hands of one of her trusted persons. Sa naghihingalo niyang buhay, nalaman niya na ang taong pumatay sa kanya ay siya ding taong kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang. But she had a chance for revenge ng muli siyang mabuhay sa katauhan ni Emily Hills. A rejected wife of a billionaire CEO that divorced her in her weakened state. Sa paglabas ni Emily ng hospital, isa na siyang bagong katauhan dahil kay Nora who will avenge her vessel habang naghihiganti sa pagkamatay nilang pamilya.
1.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 50 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
Ang Ikatlong Misis Lagdameo

Ang Ikatlong Misis Lagdameo

“I liked you. And when I grow up, I promise to marry you.” Totoo palang mapagbiro ang tadhana. Dahil nang maglayas si Francesca at mapadpad sa mansyon ng mga Lagdameo; hindi niya akalaing magkukrus muli ang landas nila ni Leandro — ang lalaking bumihag sa kaniyang batang puso noon. Kaya sa halip na mabawasan ang problema, ay mas lalo lang nakadagdag sa isipin ang kakaibang kabog ng kaniyang dibdib sa tuwing makikita ang lalaki. Ano’ng gagawin niya? Paano ba niya sasawayin ang pesteng puso sa kakatwang pagtibok nito?
102.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 73 Beses bilang ang tangi kong pag ibig
Read
+Library
PREV
1
...
7891011
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status