Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Love Is Strange

Love Is Strange

Bumukas ang malaking pintuan sa harap ko, at narito ang lalaking minamahal ko, ang mata'y walang damdamin habang lumalapit ako sa altar. Ngumiti ako kahit na masikip ang dibdib ko. Narinig ko ang musika habang dahan-dahang naglalakad patungo sa lalaking naghihintay sa harap. Si Kiel, nakatitig nang seryoso sa akin. Walang kahit anong kasiyahan ang makikita sa kanyang mukha, at ito'y nagdulot ng kirot sa aking puso. Iniharap ko ang aking kamay, ngunit itinuring niyang wala ito at agad na umusad patungo sa harap ng pari. Iniwan akong nakatambad ang kamay sa ere. Yumuko ako, bahagyang nahihiya. Sumunod ako sa harap ng pari, at sinimulan na ang misa. "Maari mo nang halikan ang iyong asawa," ang sabi ng pari. Humarap ako kay Kiel, inaasahan ang isang halik sa labi, ngunit sa pisngi lamang ito dumapo. "Nakuha mo na ang titulong Mrs. Valerian, ngunit tiyak kong hindi mo makukuha ang aking pagmamahal," bulong niya. Pumikit ako, at naramdaman ang sakit sa aking puso. "Tandaan mo 'yan, Sam? Hindi mo makukuha ang aking pagmamahal dahil may iniibig na ako," dagdag niya habang nagpalakpakan na ang mga tao. Tumulo ang isang butil na luha. "Sarap mong pagmasdan habang umiiyak," layo na nito sa akin pagkatapos ng mga salitang iyon at agad na lumabas ng simbahan. Pinalis ko ang luha ko at mag-isang ngumiti sa harap ng mga taong masaya para sa amin. Kumikirot ang dibdib ko sa likod ng aking mga ngiti. Daig ko pa ang sinaksak, ngunit hindi ko pinahalata. "Saan pupunta ang asawa mo?" inosenteng tanong ng isang matanda. Ngumiti ako, ngunit hindi na nagbigay ng pagsasalita. "Baka excited lang," mapanukso ng isa. Tumawa ako, kahit na parang pinipiga ang puso ko. Ako si Samantha Alexandria Perez, o dapat bang sabihin Samantha Alexandria Perez Valerian, and I am his unwanted wife.
Romance
1028.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Loved and Chained

Loved and Chained

A rebellious woman and a policeman. Will she accept that she was loved and chained by him? Tunay nga na kapag tumitigas ang ulo ng isang bata, kailangang dinidisiplina. Pero sa kaso ni Gisselle na dalaga na, hindi niya matanggap na dinidisiplina siya ng isang pulis na hindi niya naman kilala. Ang nais niya lang naman ay magrebelde dahil sa sama ng loob niya sa sarili niyang ama na dating pulis, na aniya’y tila wala naman daw sa katuwiran, at abusado sa karapatan ng kababaihan. Naging party girl siya dahil sa mga barkada niya at sinasadyang magpa-late ng uwi upang inisin ang kaniyang ama. Pero ang hindi niya alam, iyon na pala ang huling beses na magagawa niya ang mga bagay na ’yon. Nahuli siya ng mga pulis sa kalsada nang hating-gabi, at naging buena manong curfew violator sa gabing iyon. Napatawan siya ng community service sa loob ng isang buwan. Naiinis siya sa tuwing nakakakita siya ng mga pulis, lalo na ang lalaking hindi niya inaasahang makikilala niya. Naiinis siya lalo dahil desidido itong palambutin ang ulo niya. Tahimik lamang itong lalaki pero walang sinoman ang kayang bumali sa mga salita nito. Hanggang sa hindi niya namamalayan na nag-iiba na pala ang tingin at pananaw niya sa mga pulis, na hindi pala lahat ay masasama tulad ng iniisip niya noon. May tulad pa rin pala ni PCol. Carlos Joseph Guevarra na matino at disiplinadong pulis na magpapatino sa kaniyang rebeldeng pag-iisip. Lingid sa kaalaman ng dalaga, may lihim palang interes sa kaniya ang single at treinta y tres anyos na pulis. Kaya naman pala kahit na anong gawin niya ay pinapansin agad nito at todo kung makaprotekta sa kaniya. Papaano niya kaya mapipigilan ang lalaki kung siya mismo ay hindi ito magawang mapaikot sa mga kamay niya?
Other
1013.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Unforgettable One Hot Night

Unforgettable One Hot Night

Celeste Delgado is a woman who will do anything for money, para maipagamot ang Mama niya na may sakit sa puso. In desperation, she had to come to the bachelor party as stripper and sell herself for money. In exchange for 20 million, she spent a hot night with a stranger. After four years, she accidentally saw the one she was with that night. The man still remembers who she is, and what a warm night they shared. She immediately hid her daughter, but the DNA test cannot lie! Idris Gonzalo, is a heart surgeon, one of the youngest billionaire in Asia, and the heir of Gonzalo Empire. Anong gagawin niya kung malaman niyang may anak siya? What if their daughter wants a happy family but Idris canʼt be happy knowing that Celeste is a liar and the reason why his ex-fiancee left him? Kaya pa ba itong ayusin ng pag-ibig?
Romance
1027.6K viewsOngoing
Read
Add to library
My Lovely Wife

My Lovely Wife

"Yes! I want to be your girlfriend, Kairus Dhan Alvarez. Sinasagot na kita," sigaw ng kaibigan ko. Ouch! Nanigas ako sa kinatayuan ko ng pagpasok ko pa lang sa university kung saan ako nag-aaral, ng marinig ko ang sigaw ng isang pamilyar na boses, o should I say, ng aking best friend. Ang ganda naman ng bungad. Hindi ako makagalaw sa kinatayuan ko. Para akong natulala. Para akong binagsakan ng langit at lupa. "WOAH, CONGRATS NEW COUPLE." Nanlalabo ang paningin ko habang pinagmamasdan ang kaibigan ko at ang lalaking mahal ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya si Kairus nang sagutin siya ni Amara. Nagyayakapan silang dalawa, at worst, they kissed each other in front of me. Mas lalong lumakas ang sigawan ng mga tao habang ako naman ay parang nabingi. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Basta alam ko lang, unti-unti nang nawawasak ang puso ko. Yumuko ako. Ramdam na ramdam ko ang physical na sakit sa puso ko. "I LOVE YOU, AMARA... SO MUCH!" D@MN! Tuluyan nang nawasak ang puso ko nang marinig ko ang katagang iyon mula sa bibig ng mahal ko na para sa kaibigan ko. Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang luha na gustong kumawala sa aking mga mata. Dapat handa na ako sa ganito, alam kong darating ang araw na ito, pero p*tangina, bakit parang sobrang sakit? Bakit parang hindi ko kaya? "BESH...!" Kaagad kong pinunasan ang isang butil na luha na tuluyan itong kumawala sa mata ko. Huminga ako ng malalim at saka inangat ang paningin sa kaibigan kong patakbong palapit sa akin na may malaking ngiti. Ngumiti din ako, pero pilit lang. Sinubukan kong maging masaya para hindi siya makahalata. "KAMI NA... I ALREADY SAID YES TO HIM," masaya niyang sabi bago ako niyakap.
Romance
8.6109.2K viewsCompleted
Read
Add to library
Her Obsession [gxg]

Her Obsession [gxg]

Lumipat ang kaniyang kaluluwa sa asawa ng Mafia Boss na kung saan ay matagal nang nakakaranas ng paghihirap habang kasama ang asawa nito. Clyde Cleomonte, a 21 years old na kung saan ay pinakasalan ng sapilitan ni Silvia Kill na Mafia boss. "Hon, are you okay?", tanong ng babae saakin. Hon? Bakit niya ako tinatawag na Hon at bakit nandito ako sa hospital? Ang huli kong naaalala ay itinulak ako ni Blue, may tumulong ba saakin? "Nasaan sina Blue? Nakulong naba sila?", tanong ko sa mga lalaking nakaitim. I think mga pulis sila pero bakit hindi sila nakauniporme? "Whose blue? Hon, what happened back then?", tanong ulit ng babae. Bakit ba Hon ang palaging tawag niya sakin? Hindi ko naman siya kilala. Napatingin ako sa salamin na kung saan ay nasa side wall, I saw that this is not my face. Nanlaki ang mata ko sa gulat, anong nangyari sa mukha ko at sino sila. Lalapit na sana ang babae ng itinago ko ang katawan ko hanggang sa leeg ng kumot. "Stay right there!! Wah mokong lapitan", sigaw ko kaya napahinto naman siya at nag aalalang nakatingin saakin. "Do you- do you forget about me?", nauutal na sagot niya. Biglang may lumitaw na batang babae around 3 ata galing sa kaniyang likod. Nakatingin na siya saakin ngayon. "Mama?", tanong nito. Wait, naguguluhan na ako. Sino ba sila at bakit tinatawag akong Mama ng bata. "Hindi ko alam ang sinasabi niyo at wag mokong tinatawag na Mama!!" ,sigaw ko sa kanila. Biglang umiyak ang bata at nagpabuhat sa babae. Kinarga niya ito at nagdilim ang tingin nito saakin. Sino ba sila? I don't understand what's happening. Mama, i need you.
LGBTQ+
8.717.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Until The Hate gone

Until The Hate gone

Itsmeiffa
Sa bawat librong ating binabasa ay tungkol sa bidang sinubok ng isang kalaban . Yung klase na galit tayo sa kasamaan.habang galit tayo sa kanila sila naman ay nagdudusa, tinatanong ang sarili bakit sila ang naging masama sa kwento? Deserve ba nila ang galit natin? But how about their point of view hindi ba pwde natin alamin muna bago humusga? May sariling kwento din sila... hinuhusgahan natin sila ng hindi natin alam ang kanilang point of view may sariling kwento din sila.. hindi alam ng karamihan sa atin.. they have a story too Until the hate gone Ereshkigal a girl who wants to be loved, she wants to be loved my her mother and his father but hindi nangyari ang gusto niya instead of love, hatred and angry she felt she use her power to lived. Her life full of hatred and nightmare you cant judge her. They say kung anong itinuro siya din ang natutunan. Is it right? When she go to dark academy without his father permission. Nabago ang lahat. Natutunan niyang umintindi... habang natutu siya hindi niya alam na isang malaking misteryo pala ang kanyang buhay.. napapqligiran pala siya ng misteryo... paano kung yung nagturo sa kanyang umintindi, mag bago. At higit sa lahat maging siya.. Lahat ng nakapaligid sa kanya kasinungalingan lang pala Paano kung ang sakit niya ay doble lang pala sa pagpasok niya doon? She killed her mother and she wants to kill his father. She felt like tinalikuran siya ng mundong ginagalawan niya. Lumaki siya na napapaligiran ng galit. But now she learn about it.they called eresh evil. They called eresh as a selfish.is it to much?she have a fellings to.. When you chose to revenge be ready to the result..
Fantasy
6.62.3K viewsOngoing
Read
Add to library
She's Mine

She's Mine

Miss Elle
"Bakit single pa rin ako sa edad na thirty-seven?” Matagal na nagpakahibang sa isang lalaki si Mia Dizon na kapwa niya doctor, hanggang sa malaman niya na lang na pamilyadong tao na ito. At siya, naiwang single habang nagmo-move on. Inisip niya rin na sana makahanap siya ng taong para sa kanya sa parehong paraan—naging payente niya muna at na-in love sila sa isa’t isa. Hindi nagtagal matapos niyang sambitin ang bagay na iyon, ay dininig ang wish niya. Or not. Dahil ang pasyente na ibinigay sa kanya, bukod sa matalas ang dila, walang modo, ay may tinatawag na ibang pangalan at… Isa itong magandang babae na may magandang boses na tila hinehele ang buong pagkatao niya. Maging ang labi nito ay tila hinihila siya sa mundong bago sa kanya. Summer Braganza, o mas kilala sa screenname nitong Rain—kaya bang tanggapin ni Mia ang biglang pagbabago ng preference niya dahil sa babaeng ito? Saan siya lulugar sa buhay ni Summer? Hindi niya na ito dapat pang alamin dahil may Cornelia na ito. Magiging single na lang ba siya forever?
LGBTQ+
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Secretly, Mrs. CEO

Secretly, Mrs. CEO

Walang ibang hinangad si Naya Diaz kundi ang maayos na pagturing sa kanya ng kanyang pamilya lalong-lalo na ng kanyang ina. Ngunit tila ba kahit anong gawin niya ay hindi pa rin sapat para sa kanila ang kanyang pagpupursige. Kaya naman nang pilitin siya na makipagkasal sa kaibigan ng kanyang ina na mas matanda sa kanya ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili. Nagpasya siyang lumayas. Nang malaman ni Xavier Iglesias ang nangyaring iyon, ang kanyang boss at ang kanyang long time boyfriend, ay labis ang pagkasuklam at galit nito sa kanila. Sa ilang taong pagsasama nila bilang magnobyo ay pagod na siyang nakikita ang kanyang nobya na nahihirapan dahil sa sarili nitong pamilya. Kung kaya't hindi na siya nagdalawang-isip na ayain at ituloy ang kasal na matagal niya nang binabalak para sa kanilang dalawa. Naya agreed to marry him, but there's a condition. Xavier respects her decision. Ngunit kahit na pilitin niya ang kanyang sarili na tanggapin ang kondisyon na iyon ng asawa ay sawa na siya sa pagtatago. Kaya naman nang makahanap siya ng pagkakataon na makaharap ang pamilya ni Naya ay hindi na siya nagdalawang-isip na isakatuparan ang kanyang plano. Kung ang mga taong kinamumuhian niya ang magiging daan upang masabi niya sa lahat ang tungkol sa relasyon nila, kukunin niya ang oportunidad na iyon. He will pursue his plan, even though there's a hundred percent chance that they'll use him for their own benefit.
Romance
9.26.6K viewsOngoing
Read
Add to library
His Fake Wife

His Fake Wife

Pinakidnap si Aurora isang araw lamang nang dumating siya sa Lanayan. Nagising siya sa isang maranyang mansyon at nakilala ang taong nagpadukot sa kaniya— si Alted Dela Fuente— ang kaniyang asawa. Litong-lito siya sa mga nangyayari lalo na nang ipagpilitan nito na siya si Candice Dela Fuente, ang mapanlinlang nitong asawa. Galit, pagkamuhi at disgusto ang nakikita niya sa mga mata ng lalaking nasa harap niya. Hindi siya si Candice. Kilala niya ang kaniyang sarili, Aurora ang pangalan niya at alam niyang wala siyang asawa at hindi pwedeng magkaroon sila ng ugnayan ni Mr. Dela Fuente. Ngunit sadyang hindi siya pinapaniwalaan ng lalaki, hindi siya nito hahayaang makaalis at makatakas. Alam niyang pahihirapan siya ng ginoo, ngunit ano bang bago? Buong buhay niya ay nakakaranas na siya ng paghihirap at pagmamaltrato. "You can't fool me, Candice, not again." Mr. Dela Fuente told her with gritted teeth. Ang galit na naglulumiyab sa mga mata nito ang patunay na hinding-hindi siya nito papakawalan. Paano nga ito maniniwala sa kaniya gayong kamukhang-kamukha niya ang asawa nitong si Candice? Bawat anggulo, mata, ilong at hugis ng mukha maging ang pangangatawan ay parang xerox-copy. "You're my wife." That statement makes her feel overwhelmed. Asawa? Imposible, ngunit may nagtutulak sa kaniya na magkunwaring asawa nito. Marami ang dahilan niya para magpanggap bilang si Candice. Ang mga dahilan na iyon ang nag-uudyok sa kaniyang magkunwaring si Candice, hiramin ang pagkatao nito at takasan ang pagkatao niyang si Aurora Sandoval. He is not his wife.. she is not Candice. Life is not fair in her past, so maybe she could be HIS FAKE WIFE and pretend to be Candice for a spare time. She is Aurora and she will be Candice.. the lost wife of the rich and well-known Alted Dela Fuente.
Romance
9.8525.9K viewsOngoing
Read
Add to library
Chasing Zander Frovizo

Chasing Zander Frovizo

youreminestrawberry
Zander Frovizo was her besfriend since his day one in the orphanage. Bata pa lang, hinahangaan na ng babaeng si Novelyn Basañes ang kaibigan na lalaki. Malapit sila sa isa't isa at palaging pinoprotektahan ni Zander ang kaibigan niyang babae. Hindi sila mapaghiwalay. Magkasama sa hirap at ginhawa. Ngunit, ang maginhawang buhay ni Novelyn kasama ang kanyang pinapangarap na makasama habang buhay ay sa isang iglap, napalayo sa kanya. She thought she lost him at hindi na niya maibabalik iyong pagkakaibigan nila. After several years of carrying the pain, nagpakita sa kanya ang kaibigan niya at minuto pa lang ay napaibig na siya nito ulit. She became more possessive and obsessed with him. Ang gusto niya lang ay makuha ang lalaki at maitali na sa kanya habang buhay. Ngunit, makakaya niya nga ba ang kagustuhan sa isang tao na nalimutan na siya at ang pinagsamahan nila? Zander couldn't remember her or their past. Ni pangalan niya ay hindi maalala nito. Magtatagumpay kaya siya sa pag angkin rito kahit na hindi siya maalala ng lalaki? O susuko nalang siya at aalamin ang mga nangyari sa kaibigan noong hindi sila magkasama?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
454647484950
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status