Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince

Melting His Ice Vow: Seducing the Billionaire Prince

Isang mapanganib na laro. Isang malupit na paghihiganti. Isang sikretong magpapabago ng lahat.* Para isalba ang lupain ng pamilya sa Lopez, inakit at pinaikot ni Sierra ang kinatatakutan at walang-pusong bilyonaryo na si Lucas Altamirano. Matagumpay niyang natunaw ang yelo sa puso ng *Ice Prince*, ngunit nang mabunyag na ang lahat ay isang patibong, naging malupit ang bilyonaryo. Binili siya nito, ikinulong sa karangyaan, at walang-awang pinarusahan sa ibabaw ng kama. Dahil hindi na makayanan ang poot ng lalaking minamahal, tumakas si Sierra dala ang pinakamalaking bunga ng kanilang nakakapasong laro: ang anak ni Lucas. Tatlong taon ang lumipas, natunton sila ng bilyonaryo. Ngayon, puwersahan siyang ibinalik ni Lucas sa Maynila upang angkinin ang tagapagmana at gawin siyang panghabambuhay na parausan. Sa gitna ng nakamamatay na selos at mga nagbabagang parusa gabi-gabi, tuluyan na bang lalamunin ng yelo ang pag-ibig nila? O sapat ang nag-uumapaw na pagnanasa para muling paluhurin ang bilyonaryo sa kanyang nag-iisang reyna? *(Ang nobelang ito ay ang Unang Libro sa **The Altamirano Princes Series**. Abangan ang susunod na henerasyon—ang mga anak ni Lucas na magmamana ng imperyo at ng nagbabagang sumpa ng pag-ibig ng mga Altamirano!)*
101.2K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 38 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
Love me obediently, Mr. Billionaire

Love me obediently, Mr. Billionaire

Lilybluems
Halos pagbagsakan ng langit at lupa si Laura ng malaman na ang lalaking minahal niya ng apat na taon na si Elijah ay ang mismong dahilan ng pagbagsak ng company nila at ang nagpakulong sa kaniyang ama. Idagdag pa rito na may iba pala itong babae at buntis na. Desperado na mailigtas ang ama, walang ibang nagawa si Laura kundi ang makipagkasundo kay Adan Del Rosario. Isang kilalang mayaman na lawyer, kapalit ng tulong ay gagawin niya ang lahat ng gusto ng lalaki. “Be obedient, Ms. Zapanta, and just be mine.” Mariin na bulong ni Adan kay Laura bago siya tuluyan na angkinin nito.
101.4K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 51 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
The Billionaire’s Contract

The Billionaire’s Contract

Lumaki si Irish Wright nang walang pagkilala bilang anak ng pamilyang Wright—nilalait ng kanyang madrasta, ipinagkanulo ng kanyang kapatid sa ama, at nawalan ng lalaking minahal niya. Mula sa sugat na iyon, nabuo ang isang matibay na pasya: gantihan ang lahat sa pinaka-matapang na paraan—sa pamamagitan ng kapangyarihan. Ang kanyang target ay si Alarich Vance, CEO ng Vance Corp. Sa matinding tapang, nais ni Irish na maging Mrs. Vance, ngunit binigyan siya ni Alarich ng tatlong buwan upang patunayan ang kanyang sarili. Nagsimula ang isang mapanganib na laro, kung saan unti-unting nabubura ang hangganan sa pagitan ng plano, ambisyon, at damdamin.
1.2K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 48 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
The Hired Mother

The Hired Mother

Late Bloomer
Dahil sa matinding pangangailangan ng pera ay tinanggap ni Amber ang alok sa kanya kapalit ng malaking halaga para operasyon ng tatay niya. Anak lamang ang gusto ng kliyente niya at hindi asawa na sakto naman para sa kanya dahil hindi pa siya pwedeng mag-asawa dahil wala pang ibang makakatulong sa kanyang pamilya kundi siya lang.Ngunit nagbago ang lahat nang makita niya ng personal ang kliyente niya. Isang kaakit-akit at napakalakas ng dating. Makatakas kaya siya sa karisma nito? Pagkatapos niyang bigyan ito ng magiging tagapagmana nito?
4.9K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 161 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
170 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
THE LOVE AFTER SECRET

THE LOVE AFTER SECRET

Sa isang gabing binalot ng alak, lihim, at pagkakamali, nabago ang kapalaran ng dalagang si Vienna Reign Gonzalez-isang bihasang secret agent na sanay itago ang emosyon sa likod ng malamig na titig at matatag na puso. Isang gabi ng labis na kalasingan ang naging dahilan ng isang hindi inaasahang bunga: isang buhay na lumalaki sa kanyang sinapupunan. Ngunit ang mas masakit na katotohanan-ang ama ng kanyang anak ay ang lalaking itinalaga niyang patayin. Si Devereux Blue Ace Guevara Montague-isang makapangyarihan, misteryoso, at kinatatakutang pangalan sa ilalim ng mundo. Isang lalaking puno ng sikreto, kapangyarihan, at mga kasalanang maaaring gumiba sa buong sistema. Siya ang target. Siya ang kalaban. Siya rin ang ama ng batang dinadala ni Vienna. Habang lumalalim ang misyon, mas lalo ring gumugulo ang kanyang puso. Sa pagitan ng tungkulin at damdamin, galit at pagnanasa, Vienna ay mapipilitang pumili: Barilin ang lalaking kinamumuhian niya... o iligtas ang pamilyang hindi niya inaasahang mabubuo. Sa mundong puno ng baril, dugo, at pagtataksil-maaaring ang pinakamapanganib na misyon ay hindi ang pumatay... kundi ang umibig.
424 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 8 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

The Mute Son-in-Law’s Ten-Year Vow to His Cold Wife

Isang piping manugang na walang silbi… 'yan si Pierre sa mata ng lahat. Ngunit nang malagay sa panganib ang kumpanya ng kaniyang magandang asawa na si Eleanor, ang itinuturing nilang basura ang siyang nagdala ng milagro. Sa isang pitik, nagbago ang ihip ng hangin. Paano haharapin ng pamilya Elizalde ang katotohanang ang lalaking tinapakan nila ay ang nag-iisang tagapagmana na luluhuran ng buong Ciudad de Oro?
109 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 4 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
Claimed By Desire

Claimed By Desire

Si Ariadne Altavilla ay anak sa labas ng isang dating Gobernador. Nang mawala ang kanyang ama sa posisyon niya sa politika, nagbago ang landas ni Ariadne, at natutong lumuhod sa tukso ng casino. Nabaon siya sa utang, at ang tanging paraan upang maayos ang mga pagkakautang ay ipasok siya sa Dream Fortress—isang Class-A na prostitution house na ang mga kliyente ay kabilang sa pinakamataas na uri ng lipunan. Isang gabing puno ng pagbebenta ng laman ang nag-iwan sa kanya ng isang hindi malilimutang karanasan. Matagal na ang nakalipas, ngunit hindi pa rin mabura sa isip ni Ariadne ang unang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang sarili. Sa paglipas ng panahon, nanatili na lamang sa alaala ang lalaking iyon… hanggang sa makilala niya si Adam, na kalaunan ay naging kanyang kasintahan. Masasabi ni Ariadne na tila maayos na ang buhay nila ng kanyang ina, kaya tinanggap niya ang marriage proposal ng kanyang nobyo. Subalit habang papalapit ang araw ng kanyang kasal, muling lumitaw sa kanyang buhay ang lalaking una at huling umangkin sa kanyang katawan, handang baguhin ang lahat ng kanyang pinangarap.
312 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 6 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
MGA TINIK SA KAMA

MGA TINIK SA KAMA

Walang perpektong pamilya, alam ko iyon. Away-bati. Tampuhan. Pagtatalo. Normal na tagpo ang mga iyon sa tahanan ng sinumang mag-asawa. Wala kaming ipinagkaiba ni Gavin pero kampante ako sa pagmamahal na ibinibigay ng asawa ko. Naniniwala akong sa kabila ng kawalan namin ng anak ay sa akin pa rin siya laging umuuwi. Ako pa rin ang nagmamay-ari ng mga salitang hangad na marinig ng karamihan sa mga babaeng nangangarap ng matinong kabiyak. Pero ang lahat ng bagay ay kumukupas nga ba pati ang pagmamahal? Sa araw ng wedding anniversary naming ay ginimbal ako ng kataksilan ng asawa ko. Gusto ko sana siyang sorpresahin pero ako ang ginulat niya sa annulment paper na nilapag niya para pirmahan ko. Bumagsak ang aking mundo at sa sobrang desperasyon ay naisip kong magpakamatay. Pero imbis na magawa ang gusto ay natagpuan ko ang sariling pinipigilan ang lalaking nakasampa rin sa railing ng tulay at gusto ring tumalon tulad ko. Sa pagtatagpo naming dalawa, umusbong ang damdaming kinatatakutan ko na kung ang bilyonaryong kapitan ay handa akong samahang mahiga kahit sa mga tinik sa kama?
109.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 347 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
He’s Not The Father!

He’s Not The Father!

Tearsofpaige
Sa unang pagkakataon, si Donna Oraiz na isang byente-dos anyos na pinakainiingatan ng pamilyang Oraiz ay nakagawa ng ikinaguho ng kanilang pamilya. Nabuntis siya bago pa man sila ikasal ng kaniyang fiance at ang masaklap pa ay hindi ito ang ama ng kaniyang dinadala. Disappointment, disbelief, disgusts, at unworthiness ay kaniyang naranasan buhat noong nangyaring iskandalong binigay niya sa kaniyang pamilya at sa pamilya ng kaniyang fiancee. Pinalayas siya ng kaniyang mga magulang at nakatanggap pa ng mga masasakit na salita mula sa kaniyang pinakamamahal na fiance. Sa panahong lugmok na lugmok siya at walang makakapitan, dumating naman si Clive Fabella na siyang nag-iisang tagapagmana ng Fabella’s Legacies. Ang malamig at walang-pusong si Clive ay naging tahanan ni Donna, ang kaniyang sandigan. Matapos ang lahat ng kaligayahan at sakripisyong pinagsaluhan nilang dalawa, paano nila haharapin ang mga pagsubok na nagmamadaling putulin kung anuman ang namamagitan sa kanila? Makakaasa kaya si Donna sa mga bisig at pangako ni Clive kahit na ang katotohanan ay hindi ito ang ama ng bata?
1.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 54 kali sebagai antas ng wika
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
1
...
2829303132
...
50
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status