Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
HER TURN TO BREAK HIM

HER TURN TO BREAK HIM

Synopsis Sa mata ng lahat, si Safara Gomez ay isang simpleng estudyanteng nerd na walang kapansin-pansin—laging nakasuot ng makapal na salamin at simpleng damit. Ngunit ang hindi nila alam, si Safara ay anak ng isang mayamang angkan, may taglay na katangi-tanging ganda, at itinago lamang ang kanyang tunay na pagkatao upang makaiwas sa mapanirang intriga ng mundo ng mga mayayaman. Sa kabila ng kanyang pagpapakumbaba, hindi siya nakaligtas sa pang-aapi ng mga kaklase, lalo na ng elitistang grupo ni Sabrina. Gayunpaman, nanatili siyang matatag dahil sa pangarap na makatapos ng pag-aaral. Ngunit isang pustahan mula kay Vince Rosales, ang gwapo at sikat na campus heartthrob, ang nagdala sa kanya sa pinakamasakit na karanasan sa buhay niya. Sa gitna ng pagkabigo at pagkasira ng puso, napilitan si Safara na ilantad ang kanyang tunay na katauhan sa isang grandeng beauty pageant na ginanap sa kanilang campus. Sa kabila ng pagkagulat ng lahat, siya ang naging sentro ng atensyon at itinanghal bilang reyna ng gabi. Ngunit hindi iyon ang huling sorpresa ni Safara—sa parehong gabi, iniwan niya ang eskwelahan, dala ang pangakong babalik siya hindi para magpatawad, kundi para maghiganti sa mga taong nagmalupit sa kanya. Handa na si Safara na muling ipakita ang kanyang lakas at talino. Ngunit paano kung ang kanyang pagbabalik ay hindi lang magdulot ng hustisya, kundi muling buhayin din ang sugatang puso?
Romance
105.9K viewsCompleted
Read
Add to library
AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

AFTER DIVORCE: His Ex-Wife becomes CEO

Matapos ng tatlong taong pagiging martir at pagkakakulong sa sagradong kasal ni Alyson Samonte kay Geoffrey Carreon ay tuluyan na itong sumuko sa asawa. Sa kabila ng pagtulong ni Don Gonzalo Carreon na pigilan 'yun ay nangyari pa rin. Muntik na sanang magtagumpay ang Don, kaya lang isang pangyayari ang naganap. Nalagay sa alanganin ang buhay ni Alyson at ng mga batang nasa sinapupunan. Iyon ang naging daan upang tuluyang talikdan ni Alyson si Geoff na akala niya ay pipiliin na siya. Lumabas siya ng bansa. Pilit na bumangon, nangarap at nagsikap sa tulong ni Oliver Gadaza, sa pag-aakalang kaya niyang kalimutan ang dating asawa sa paglipas ng maraming taon. Sa pagbabalik niya ng Pilipinas bilang isa ng matagumpay na CEO ng sarili niyang kumpanya, muli kayang magsanga ang landas nila ni Geoff, ngayong nasa iisang industriya na sila? Ano ang mangyayari sa muli nilang pagkikita lalo pa kapag nalaman ni Geoff na nagkaroon pala sila ng triplets na mga anak ng dati niyang asawa na naging lingid sa kaalaman niya ng apat na taon? "Bakit ganyan ang hitsura mo? Ang payat mo. Pinapabayaan mo ba ang—" "Ano namang pakialam mo sa kung anong hitsura mayroon ako?" Napasuklay na ng buhok si Geoff upang supilin ang awang nadarama. Medyo guilty siya na baka dahil iyon sa annulment nila. "Kailangan kong makialam sa'yo Alyson dahil hindi ka pwedeng mamatay hangga't hindi pa tayo annul. Narinig mo? Ayokong gagamitin mo hanggang kamatayan ang apelyido ko!" "Huwag kang mag-alala, hindi pa ako mamamatay. Ayoko rin namang gamitin ang apelyido mo at ilagay sa magiging lapida ko."
Romance
8.6464.8K viewsOngoing
Show Reviews (77)
Read
Add to library
Analyn Bermudez
hahaha naku Ms A masyado pala kami naexcite noong nlaman ni Geoff na Meron Sila anak ni Allyson at nlaman na Rin sa wakas Ang totoong pagkatao ni allyson..Hindi pa pla tapos dhil Meron pa pala kontrabida sa buhay nila..sana Ms A maikulong Ang mga dapat nakulong kapag ginawan nila ng masama
Purple Moonlight
Hi, everyone! Sa mga napagsarhan ng book nag-optimize po kasi ang libro. Tinanggal po ang title per chapter kaya mahirap hanapin. Iyong latest po na Chapter 326: Diamond Ring ay nasa Chapter 372 na para hindi kayo malito, 'yun na lang po ang buksan niyo para makasunod kayo ulit. Salamat. <3
Read All Reviews
His Monster

His Monster

Mistress, kirida, other woman, kabit Pagbali-baliktarin mo man ang mundo at kahit saang anggulo mo man tignan, That's what she is...a Paramour. Pero matatawag mo nga bang isang kabit ang babaeng ang tanging gusto lang ay masuklian ang inaalay na pagmamahal ni Xander para sa asawa niyang wala namang pakielam sa kanya? Matatawag mo ba siyang kirida kung ang gusto niya lang ay paligayahin si Xander sa piling niya? At higit sa lahat, matatawag mo ba siyang other woman kung ang tanging pagkakamali niya lang ay ang magmahal? Si Ava, isang sikat na modelo at aktres, iniwan ang marangyang buhay upang magawa ang mga gusto, ngunit sa kanyang bagong katauhan, makikilala niya si Alexander, ang lalaking mamahalin niya kahit pa mali sa paningin nila.
Romance
106.5K viewsCompleted
Read
Add to library
A NIGHT OF DECEPTION

A NIGHT OF DECEPTION

Si Luna Natividad ay ang nag-iisang anak ng kilalang negosyante sa bansa, bilang nag-iisang anak ay lahat ng bagay ay nakukuha. Ngunit hindi ang pag-mamahal na kay tagal na niyang pinapangarap. Sa kabila nang lahat ay naging mabuting anak pa rin ito,at nagsisikap upang maabot ang pangarap at mapansin din ng kanyang mga magulang. Sa isang gabi na hindi inaasahan na mangyari ay mababago ang lahat. Si Luna ay na buntis ng isang sikat na Volleyball Captain ng kanilang Unibersidad. Isang lalaki na nangarap upang maitaguyod ang buhay, at upang magkaroon ng magandang trabaho, dahil walang mga magulang na kinalakihan ito. Tanging siya lang ang bumuhay sa kanyang sarili, gamit ang talino, kasipagan, at tiwala sa sarili, at higit sa lahat sa Maykapal. Takot man sa nangyari ay walang balak si Luna na ipa-abort ang bata na kagustuhan ng binata. Nang malaman ng kanyang mga magulang ang kanyang sitwasyon ay pinalayas ito. Nasaktan niya ng labis ang kanyang mga magulang kaya labis din ang dismayado niya sa kanyang sarili. Ngunit nag-patuloy pa rin si Luna sa pag-aaral. Ayaw ni Luna na huminto dahil alam niya sa sarili niya na kaya niya kahit may dinadala na siyang baby sa sinapupunan niya. Hindi iyun magiging hadlang na makapag tapos, at kahit papano ay magiging proud ang kanyang mga magulang na tinapos niya pa rin,kahit na dudumugin siya ng media kapag nalaman ng buong school ang kanyang sitwasyon. At ganun din si Kyro,na may paninindigan, at tiwala sa sarili.
Romance
106.5K viewsCompleted
Read
Add to library
Treat Me Right, Misis!

Treat Me Right, Misis!

Si Savannah George "Sage" Valencia ay nag-iisang anak at tagapagmana. Sa gitna ng karangyahan ay mas gusto nitong mabuhay nang simple at kumawala sa luho. Matatag din ang pangarap nitong maging isang sikat na pintor at talikuran ang negosyong kailanman ay hindi pumukaw sa kanyang puso. Ngunit nagbago ang lahat ng kanyang plano nang maakusahang mamamatay tao ang kanyang mga magulang. Sa takot na makulong ang mga ito, at kahit labag sa puso niya ay um-oo siyang pakasalan ang magaling na abogado ng kabilang partido upang ito mismo ang bumitaw at magpatalo. Alam niya sa sarili niyang ayaw niya sa lalaki lalo na ang pagtitig nito sa kanya nang malalim at pagngisi. Alam niyang pagpapanggap lamang ang pinapakita nito sa kanya at ang kanilang yaman ang habol nito kung kaya't siya na mismo ang umiiwas at tumatakas. Ngunit paano kung ang isang Atty. Delton Carancho lang din ang kayang sumuporta sa pangarap niya at magbigay ng kanyang kalayaan? At paano kung ang lalaki lang din ang kakayaning manatili sa tabi niya? Maibibigay kaya ni Savannah ang hiling nitong maging isang mabuting maybahay o pikit-matang hihiling ng hiwalayan?
Romance
1020.8K viewsCompleted
Read
Add to library
The One-Year Contract

The One-Year Contract

solasabegail
OUT of boredom, Apple thought of sketching a teddy bear on the blank side of a contract in front of her, without her realizing that it was actually a contract and her sketch would be counted as her signature. Nakasaad ditong kailangan n'yang samahan si Dravour Ichigo Forestier, isang sikat na modelo, sa loob ng isang taon, hindi lamang upang maging alila nito kundi upang paibigin ito bago matapos ang kontrata. Sa kabilang banda, kontrata ang naisip na paraan ni Dravour upang makahanap ng babaeng ihaharap sa kaniyang ina. Ito ay bilang pagtutol niya sa kagustuhan nitong ipakasal siya sa kaniyang kababatang si Shantall na hindi naman niya mahal. Ang kaibigang sina Hiro at Kio ang tumutulong sa kan'ya sa paghahanap ng babae, at kapag hindi n'ya ito nagugustuhan ay s'ya na mismo ang tumatapos sa kontrata. Bagama't mas'yadong isip-bata at 'weird' ang dalaga ay hindi kaagad tinapos ni Dravour ang kasunduan kahit na malaya siyang gawin iyon sa simula pa lamang. Hindi n'ya rin magawang ipakita sa babae ang kaniyang tunay at itinatagong kondisyon dahil sa takot — takot na iwan din s'ya nito katulad ng ginawa ng mga naunang babaeng kaniya ring pinaperma. Sa kabila ng mga balakid at problemang idinulot ng kontratang iyon, pipiliin pa rin ba nila na ipagpatuloy ito? O sila na rin mismo ang kaagad na tatapos dito?
Romance
102.2K viewsOngoing
Read
Add to library
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
Romance
1032.1K viewsCompleted
Read
Add to library
A Husband For The Wild Heiress

A Husband For The Wild Heiress

When Tala Eloise Sandejas learned that her billionaire father was looking for a man to marry her to finally put an end to her ‘wild and carefree days’, inunahan na niya ito. She offered a contract marriage to some handsome and willing random guy in a club she frequents to and got hitched instantly. Subalit matapos ang mainit na gabing pinagsaluhan nila ng kanyang bagong asawa, natagpuan na lamang ni Tala ang sariling tumatakas mula rito dahil hindi ito katulad ng bayarang lalaking inaakala niya. The man she married is no other than Knoxx Iossif Stefanos Stavropoulos, the owner of a motosport company and was actually… a prince. Realizing her plan didn't go the way she wanted to, she hid from Knoxx, hired someone to destroy their marriage records and decided to fight against her father's selfish schemes alone. Four years later, muli silang nagkita ni Knoxx. Kliyente na niya ito ngayon sa sikat na fashion house na kanyang pagmamay-ari. At mukhang determinado rin itong pagbayarin siya sa kasalanang akala niya'y naitama na niya noon. Magawa kaya ulit ni Tala na takasan si Knoxx? Will she successfully guard her heart from falling for the prince when he is now more handsome and irresistible than ever? Will she surrender to sinful kisses and just accept her punishment from running away? Or will she fight for her freedom at all cost for the sake of their son-- another prince who will be caught between the dangerous game of revenge, deceit and power for the sake of the Maritrian throne?
Romance
1013.4K viewsCompleted
Read
Add to library
Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Revenge Of The Hieress Ex-Wife

Blurb Labis na pinagsisisihan ni Sandy nang magkrus ang kanilang landas ni Dimitri Vinocencio. Ang lalaking inibig at nagpatibok ng kaniyang puso at maging ang lahat sa kaniya ay nagawa niyang isuko. Lihim silang nagpakasal. Subalit ang inakala 't masaya nilang simulan bilang mag-asawa na aabot hanggang sa dulo ng walang hanggan katulad sa kanilang simumpaang PAG-IBIG NA WAGAS, makalipas lamang pala ng tatlong taon ay MAGWAWAKAS. Siya na mismo ang sumuko. Matapos ipinamukha ni Dimitri sa kan'ya kung gaano pa nito ka-mahal ang ex-girlfriend at first love nitong si Lindsay na ngayo'y nagbabalik ay nakapag-desisiyon siya hiwalayan na ang asawa. Sa kaniyang pagbangon muli mula sa lusak matapos ang diborsyo. Sino ang mag-aakala? Na ang sikat na Jewelry designer na hindi nagpakilala sa publiko at ang matagal nang hinahanap ni Dimitri dahil sa natatatangi nitong mga obra ay walang iba kun 'di ay siya. Si Sandy Ariela ang nag-iisang Unica Hija ng nag-uumapaw sa karangyaan mula pamilya ng mga Delavin. Siya rin ang unknown magic fortune teller sa investment bank na ngayon ay hinabol ng halos lahat ng Business Tycoons mapansin lamang ang mga ito. Isa na roon si Dimitri na matagal nang naghihintay na muli silang magkita ng dating asawa na nawala noon na parang bula. Ngayon ay nakita na nito si Sandy ay hindi na niya ito pakakawalan pa na noon hay halos mabaliw siya kahahanap sa bawat araw na lumipas ay kabiguan lamang ang nakukuha. Magawa pa kaya ni Dimitri na mahuli ang sa nagyo 'y mailap na puso ng dating asawa na minsan ay naging kaniyang pagmamay-ari?
Romance
1028.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Contracted Mistress of My Boyfriend’s Father

Si Althea Cruz ay isang dancer sa sikat na club na Elysium, kung saan siya ay laging naka-mask para itago ang kanyang pagkakakilanlan. Isang gabi, nakilala niya ang misteryosong may-ari ng club, si Damian Villanueva… isang mayaman, dominante, at mapanuksong lalaki. Nagkaroon sila ng kakaibang koneksyon hanggang sa inalok siya ni Damian ng isang kasunduan: maging mistress niya sa loob ng dalawang taon, kapalit ng malaking halaga na pera at iba pa. Dahil sa pagkakaospital ng kanyang ina at sa kakulangan ng pera para sa gamutan, napilitan si Althea na pumirma sa kontrata, kahit alam niyang maaaring magbago ang buhay niya mula noon. Ang hindi niya alam, si Damian ay ama ng boyfriend niyang si Ethan… ang lalaking tunay niyang minamahal. Habang lumilipas ang mga buwan sa piling ni Damian, unti-unti niyang natutuklasan ang mga lihim sa likod ng pamilya Villanueva… at ang mas nakakatakot pa, nahuhulog na rin siya sa lalaking dapat ay kinamumuhian niya. Ngayon, nahati ang puso ni Althea sa pagitan ng lalaking una niyang minahal at ng lalaking hindi niya kayang iwan, kahit alam niyang mali. Hanggang saan ang kaya niyang tiisin alang-alang sa kontrata, sa pamilya, at sa pusong unti-unting nabubuwag sa bawal na pag-ibig?
Romance
10369 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3031323334
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status