DEL FIERRO
Tumama iyon sa mukha niya at agad niyang nasalo, dahilan para mapahinto siya sa paglapit.
“What the hell was that?” malamig niyang tanong, bahagyang nakakunot ang noo habang hawak ang unan.
Si Matheo nama’y marahang yumuko, nagbigay galang. “I'll take my leave, Ma'am, Boss.” Agad siyang tumalikod at lumabas ng kwarto, halatang ayaw masangkot sa tensyon.
Pagkaalis niya, nanatiling nakatitig sa akin ang lalaki. Mabigat ang tingin, halatang nagpipigil ng inis. Kahit kinakabahan pinilit kong patatagin ang boses.
Sikat na Kabanata