My Brother Wants Me
Eyeris_DiaryDark RomanceDramaSteamyIndependentHeir/HeirnessDominantAge GapForbidden LoveSecret Love
Si Loriene Tianelle Mejes ay lumaking makuha ang lahat bilang bunsong anak ng pamilyang Mejes, maliban sa atensyon ng panganay na si Jaxon Roan. Ang hindi alam ni Loriene, sadyang umiiwas si Jaxon dahil sa ipinagbabawal nitong pagnanasa sa kanya.
Gumuho ang mundo ni Loriene nang iuwi ni Jaxon si Angelique—ang tunay na anak ng mga Mejes—na naging dahilan upang mawalan siya ng lugar sa pamilya.
Para kay Jaxon, ang katotohanang hindi sila magkadugo ay nagbigay ng laya sa kanyang damdamin. Nang tumakas si Loriene sa isang bahay-tabing dagat dahil sa sakit, sinundan siya ni Jaxon at doon sumiklab ang kanilang pag-iibigan. Ngunit mariin itong tinutulan ng pamilya Mejes. Pinaghiwalay sila at napilitan si Loriene na mamuhay nang payak sa probinsya sa loob ng tatlong taon.
Sa kanyang pagbabalik sa lungsod bilang isang propesyonal, muling nagtagpo ang kanilang landas sa hotel na pagmamay-ari ni Jaxon. Kahit engaged na si Jaxon sa iba, hindi nila mapigilan ang muling pag-alab ng kanilang koneksyon. Sa gitna ng gulo, nabunyag ang mas malalim na sikreto: si Loriene ay anak ng kanilang ama sa ibang babae, habang si Jaxon ay anak naman ng kanilang ina sa ibang lalaki. Sa kabila ng panibagong pagtatago ni Loriene, determinadong libutin ni Jaxon ang mundo upang hanapin at hinding-hindi na muling pakawalan ang babaeng tanging itinitibok ng kanyang puso.