Sweet Revenge, Fake Marriage
Limang taon ang binigay ni Aria Alcantara para sa fiancé niya; halos iikot na nga ang buhay niya rito. Pero nawasak ang lahat nang mahuli niya itong may relasyon pala sa sarili niyang kapatid. Mas matindi pa rito, nagawa pa siyang baligtarin ng dalawa. Pinalabas nilang si Aria ang may kasalanan, kaya tuluyan siyang itinakwil at pinalayas ng sarili niyang pamilya nang walang kahit ano.
Noong lugmok na lugmok na si Aria, nakatagpo niya sa isang bar si Ethan Vance—isang makapangyarihan at kinatatakutang CEO na binansagang "Billionaire Grim Reaper" sa mundo ng negosyo. Dahil hawak ni Aria ang isang sekretong dokumento na pwedeng magpabagsak sa mga nanloko sa kanya, naglakas-loob siyang lumapit at makipag-usap kay Ethan para humingi ng tulong at maghiganti.
Pero imbes na trabaho ang i-alok, isang kakaibang kasunduan ang ibinigay ni Ethan— isang kasal sa papel na puno ng panganib. Kailangan ng bilyonaryo ng asawa para makuha ang mana niya, habang si Aria naman ay kailangan ng backer at impluwensya para mapabagsak ang mga nanira sa kanya.
Sa gitna ng pekeng kasal, matitinding labanan sa business world, at tensyong unti-unting nahuhulog sa totohanan, mapipigilan kaya ni Aria na ma-fall kay Ethan? O ang paghihiganting ito ang tuluyang sisira sa kanilang dalawa?