Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Whispers of Forbidden Desire

Whispers of Forbidden Desire

Anak sa pagkadalaga. Iniwan ng ina at lumaki sa poder ng kanyang lola. Iyan ang buhay ni Isabela Siason. Lumaking konserbatibo at puno ng mga pangaral, si Isabela ay sanay mamuhay nang simple at may takot sa Diyos. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magpapabago sa lahat. Napilitan siyang tumira kasama ang kanyang ina, ang babaeng matagal na niyang hindi nakita at halos hindi na niya kilala. Akala ni Isabela, magiging madali lang ito. Ngunit nagkamali siya. Dahil sa loob ng marangyang mansion na tinitirhan ng kanyang ina, naroon din ang lalaking magpapayanig sa tahimik niyang mundo, ang asawa ng kanyang ina. Si Liam o mas kilalang si William Laurell. Isang batang billionaryo, kabaligtaran ng inaakala niyang isa itong matandang mayaman ,malapit nang mamatay. Ang titig niya’y parang apoy, mainit, mapangahas, at handang tumupok sa kanila pareho. Sa bawat paglapit nito, dama ni Isabela ang init na gumagapang sa kanyang balat, ang panginginig ng damdaming matagal nang nakatago. May kung anong puwersang humihila sa kanya palapit, kahit alam niyang mali. Paano niya lalabanan ang tukso at ang apoy ng pagnanasa na unti-unting nilalamon ang kanyang puso’t isipan? Pag-ibig nga ba ito… o isang ipinagbabawal na pagnanasa? At kung totoo man na “kung ano ang puno, siya rin ang bunga,” handa ba siyang tanggapin na baka hindi nga siya naiiba sa kinamumuhian niyang ina, ang babaeng minsang tinalikuran ang tama para sa bawal na pag-ibig?
Romance
1025.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ACCIDENTALLY IN LOVE

ACCIDENTALLY IN LOVE

“Nothing hurts more than being betrayed by someone you love.” Iyan ang naramdaman ni Reyna nang matuklasan niya ang pagtataksil ng kanyang ama sa kanilang pamilya. Mulat man sa marangyang buhay, mas pinili ni Reyna na mamuhay ng simple sa poder ng kanyang Auntie Vanessa dahil hindi niya kaya ang klase ng living set-up na meron ang kanyang mga magulang. Isang umaga niyanig ng malungkot na balita ang mundo ni Reyna, bumagsak ang kumpanya ng Jhudwung Company kung kaya'y hindi na nito kayang bayaran ang mga obligasyon ng mga scholars nito sa Whiz Franklin University kung saan siya nag-aaral bilang university scholar ng nasabing kumpanya. Habang nasa kalagitnaan siya ng problema, isang Filipino-Japanese Kanji Fujisawa ang lumitaw na parang kabute sa buhay niya. Ang nag-iisang lalaking nag order ng beer sa cofee shop kung saan siya ay barista. Na wewerdohan man, napilitan siyang gawin ang isang bagay para sa lalaki, dahil ang scholarship na pinakaiingatan niya ay tanging Kanji lang ang makakasalba.
Romance
1011.4K viewsCompleted
Read
Add to library
I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

I SOLD MY VIRGINITY TO MY POSSESSIVE BOSS

May isang araw na lang si Iris Celeste Delgado para bayaran ang utang ng kanyang ama—kapag hindi, mareremata ang tanging tahanan nila. Bilang isang utility staff, wala siyang sapat na pera, kaya sa isang desperadong hakbang, pumayag siyang ibenta ang kanyang pagkabirhen sa isang matandang mayamang kliyente. Ngunit nagkamali siya ng silid. Pagkagising, hindi matanda ang nasa tabi niya—kundi si Alexander Corañez Jr.: ang gwapong, tahimik, at misteryosong CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. At sa halip na kalimutan ang nangyari, inalok siya nito ng isang kasunduan—isang pekeng kasal. Walang emosyon. Walang tanong. Pero may isang kondisyon: Bawal siyang mapalapit sa kahit sinong lalaki... maliban kay Alexander. Habang pinipilit niyang itago ang damdamin, hindi niya alam na ang lalaking ito ay hindi lang basta umaarte. Dahil para kay Alexander—lahat ng ito ay totoo. At sa pagbabalik ng ex nitong si Brigitte, magagawa pa ba ni Iris na panindigan ang kasunduan—kahit posible siyang masaktan?
Romance
9.456.9K viewsCompleted
Show Reviews (32)
Read
Add to library
Gabriel Pattern
“Hindi lahat ng matapang at lumalaban ay may dalang patalim. Minsan sapat na ’yung nakatayo ka pa rin, sa kabila ng hirap, sakit, at problemang dumaan sa buhay mo.” Iyon si Iris Celeste Delgado. Alam ko, maraming nagalit, dahil duwag, iyakin, at lampa daw si Iris. Pero si Iris ay si Iris.
Xavier Hernández
Madami satin na naghahanap ng ibang tao once na di nag work ang relationship lalo na pag nasaktan at niloko. But in this story. Na over come ni Iris ang pain. pinatawad nya si Alex at naging happy sila. but its case to case basis hindi applicable sa lahat. Good thing na sila pa rin sa huli.... kudos
Read All Reviews
My Beloved Corazon

My Beloved Corazon

Imyham
Dahil sa hindi inaasahang aksidente nawalan ng paningin ang binatang si Benny, ang mundo niya ay binalot ng kadiliman kasabay noon ay ang pagnanais n'yang muling babalik ang kaniyang minamahal. Sapagkat gusto niya na kahit hindi na bumalik ang kaniyang paningin ayos na sa kaniya basta makasama niya lang si Corazon. Bulag ang kanyang mga mata ngunit hindi nawawalan ng pagasa ang kaniyang puso na hintayin ang dalaga sa muli nitong pagbabalik kahit batid niya na suntok sa buwan ang pangarapin na muli pa niyang makikita ang babaeng unang nagpatibok ng kaniyang puso.
Romance
104.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Divorce Me Now, Chase Me Later

Divorce Me Now, Chase Me Later

Isang sorpresa na puting envelope ang sumalubong kay Harper, hindi galing sa kanyang asawang tatlong taon nang walang paramdam sa Japan, kundi isang brutal na request for annulment. Sa gitna ng pait at insulto, napilitan siyang umuwi ng Pilipinas. Ngunit sa halip na bumigay at magpakita ng kahinaan, isang makeover ang nagbigay-daan sa kanya para harapin ang asawang nag-iwan sa kanya nang may bagong dignidad at tapang. Pero bakit tila ngayon lang napansin ni Oliver ang kagandahan ng babaeng pinakawalan niya? At bakit ngayon pa siya humahabol, kung kailan napirmahan na ang annulment?
Romance
277 viewsOngoing
Read
Add to library
Officially Yours

Officially Yours

Sheila Marie Lomongo
Leslie Magtrano is a big time dreamer. She dreams to be a successful one someday, that she can provide anything to her family. A simple, realistic and sweet daughter. She is capable on doing things that anyone cannot. Ang tanging pangarap niya lang ay makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng desenteng trabaho na nababagay sa kanya. Ang babaeng hindi naniniwala sa salitang "forever". Naniniwala siyang ang mga lalaki ay isa lamang instrumento para manakit ng babae. Until Phillip Rosier came, a jerk and specially a stalker na siyang magpapabago ng kanyang paniniwala. Mapanindigan kaya ni Leslie ang paniniwala niya o magbabago na lang ang lahat sa isang iglap?
YA/TEEN
102.1K viewsOngoing
Read
Add to library
The Girl Next Door (TagLish Version)

The Girl Next Door (TagLish Version)

Zam
John Aquino, a famous basketball player just met a heartbreak with his six months girlfriend named Kate. Isang buwan din bago tuluyang makalimutan ni John lahat ng sakit na dinulot ng kanyang ex-girlfriend. Sa isang buwan na iyon ay doon niya nakilala ang tauhan ni Julia na bagong kapit-bahay ni John, isang babaeng mabait, disente, at pinapahalagahan ang pamilya. Napakabilis ng pangyayari nang biglang nahulog ang loob ni John sa bagong kapit-bahay niya. Lahat din tayo ay may haharaping problema sa buhay, even the past will hunt us in the future. The thing is, will we let the past hunt us forever, or will we just accept it?
YA/TEEN
108.7K viewsCompleted
Read
Add to library
Carrying the VAMPIRE'S BABY

Carrying the VAMPIRE'S BABY

Hevean is an orphan because her parents died due to an accident that Xyrus was responsible for. What if the person you love so much is the reason for the death of your parents? Paano matatanggap ni Hevean ang isang katulad ni Xyrus na isang halimaw at ilang daang taon nang nabubuhay. Will Xyrus continue to choose Hevean or will he choose his father's king's offer to marry the daughter of the vamos clan. Because of anger and hatred, Hevean preferred to lose Xyrus from his mind. Ngunit ang kanilang pag-iibigan ay nagbunga, magbabago ba nito ang kanilang sitwasyon o mag papakasal na ng lubusan si Xyrus sa ibang babaeng bampira?
Fantasy
102.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Father's Hot Mistress (Xhymich Fernandez)

My Father's Hot Mistress (Xhymich Fernandez)

Xhymich Fernandez, 23 year old, maganda, sexy at masayahing babae. Sa kanyang edad na 23, ay inaakala ng marami na isa siyang kabit ng isang mayaman at kilalang tao na si Marcus Breslow, half-American at half-Pilipino businessman. Sixty na ang edad ng lalaki pero hindi halata dahil sa gwapo at kisig ng pangangatawan nito. Austin Breslow, 28 years old, handsome, and a famous businessman, a CEO, in their company. Mataas ang respito at pag hanga niya sa kanyang ama. Pero nag bago ang lahat ng matuklasan niyang nagtaksil ito sa kanyang ina. He will do everything, para makaganti sa babaeng gustong sumira sa kanilang pamilya.
Romance
1038.6K viewsCompleted
Read
Add to library
Ang Hot Na Mekaniko

Ang Hot Na Mekaniko

Si Pierre ay isang lalaking matikas, gwapo at mahusay na mekaniko. Sa edad na trentay uno ay single pa sya, at wala pa sa planong pumasok sa usaping pang puso. Hindi nababakantehan ang sex life niya. Mataas ang kanyang libido at sinumang babaeng matipuhan ay nakukuha nya. Pero paano kung sa isang dalagang mas bata sa kanya ng labing tatlong taon sya nakaramdam ng init na katawan? Na ang turing sa kanya ay parang kuya. Mapigilan nya kaya ang pagnanasang nararamdaman sa dalaga o magpapaalipin sa nais ng katawan na maangkin ito. Pierre Allen Rosca at Anika Robles story.
Romance
1016.7K viewsCompleted
Read
Add to library
PREV
1
...
4142434445
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status