LOGINHinayaan ko ang sarili kong malunod sa bawat dampi ng kanyang mga palad habang ipinagpapatuloy ni Liam ang pagpapaligo sa akin. Ang bawat haplos niya ay tila isang paglalakbay sa bawat kurba ng aking katawan na siya lang ang may alam. Sa bawat pagdampi ng aming mga balat, isang pigil na ungol ang kumakawala sa aking mga labi, isang halo ng gulat at purong sarap.
![]()
![]()
Isabela’s POVApat na araw na ang nakalipas simula nang umalis si Liam para sa kanyang business trip sa Paris. Sa loob ng apat na araw na iyon, ang tanging tulay na nag-uugnay sa aming dalawa ay si Maeva.Naging maingat si Liam, bawat tawag niya ay seryoso, direkta, at walang bahid ng pangungulit. Walang "Mhine," walang matatamis na salita, at walang pagtatangkang kontrolin ako.Mukhang naging epektibo ang pananakot ko sa kanya sa parking lot. Pero bakit ganoon? Sa tuwing ibinababa ko ang telepono matapos niyang makausap ang anak namin, may bahagi ng puso ko na tila hungkak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.Sinasabi ko sa utak ko na hindi na ako muling magpapaloko, pero ang katahimikan niya ay tila mas maingay pa sa mga sigaw ni
Liam’s POVParis, France.Nakatitig ako sa kumukititap na mga ilaw ng Paris mula sa bintana ng aking hotel suite, pero kahit ang bansag na City of Lights ay hindi sapat para itaboy ang dilim sa isip ko. Apat na araw na ang nakalipas simula nang huli kaming magkasagutan ni Isabela sa parking lot, at hanggang ngayon, ang bawat salitang binitiwan niya ay tila mga pilat na humahapdi sa tuwing naaalala ko.“I am no longer your pawn, Liam... hinding-hindi mo na kami matatagpuang muli.”Napapikit ako nang mariin, pilit na iwinawaksi ang imahe ng kanyang mga matang puno ng hinanakit. Hawak ko ang isang baso ng scotch, ang pait nito ay ti
Isabela’s POVBawat hakbang ko pabalik sa loob ng shop ay tila may kasamang panginginig ng buong katawan. Hindi dahil sa lamig ng gabi, kundi dahil sa naglalagablab na galit at pasakit na muling binuhay ni Liam sa isang iglap.“Akin ka lang.”Ang mga salitang iyon... akala niya ba ay ganoon pa rin ako kadaling paikutin? Akala ba niya ay isa pa rin akong kumpanya o ari-arian na pwede niyang bawiin dahil lang gusto niya? Pagpasok ko, agad kong nakita si Lorenzo na karga si Maeva. Halata ang matinding pag-aalala sa kanyang mukha habang dahan-dahang tinatapik ang likod ng anak ko.“Isabela, are you okay? I heard the shouting,” mahinang tanong ni Lorenzo, ang boses niya ay puno ng pag-aalala na sanay akong sumasalo s
Liam’s POV"I told you on the phone, Lorenzo," sabi ko, ang boses ko ay mahina na ngayon pero puno ng banta."I don't like unnecessary distractions. At mukhang ikaw ang pinakamalaking distraction dito.""Liam, stop it! Nakakahiya kay Lorenzo!" saway ni Isabela. Lumapit siya sa amin at pilit na kinuha si Maeva."Nakakahiya?" napangisi ako nang mapait."Ang nakakahiya, Isabela, ay ang makita ang ina ng anak ko na halos makipaghalikan na sa empleyado niya sa loob mismo ng shop na ito.""He's not an employee! He's my partner!" sigaw niya pabalik."Partner?" lumapit ako sa kanya, sapat para
Liam’s POVNakasandal ako sa swivel chair sa loob ng library ng mansyon habang pinapanood si Maeva na mahimbing na natutulog para sa kanyang tanghalian.Limang araw na ang nakalipas simula nang lumipat sila sa mansyon. At puno iyon ng mga masasayang alaala. Di ko mapigilang malungkot dahil sa lunes kailangan kong lumipad papuntang paris para sa meeting namin ni Mr. Beamont.Hawak ko ang aking phone, hinihintay ang pagkakataong marinig ang boses ni Isabela. Pagkatapos kong ipadala ang paborito niyang lilies, hindi ko mapigilan ang pagnanais na malaman kung anong naging reaksyon niya.Gulat ba siya? Galit? O baka naman... kahit konti, napangiti siya?Hindi ko na natiis, denial ko ang numero niya. Isan
Isabela’s POVHindi ko inaasahan na ganoon kabilis tatakbo ang mga araw. Limang araw na pala kaming nakatira sa ilalim ng iisang bubong ni Liam. At sa loob ng limang araw na iyon, walang ibang ginawa ang lalaking iyon kundi ang landiin at paamuhin ako sa bawat pagkakataon.Para akong kandilang unt-unting nalulunod sa sarili kong init, sa bawat haplos niya, sa bawat pilyong kindat, at sa bawat "Mhine" na binibitawan niya, tila ba dahan-dahan akong natutunaw.Buti na lang at nagagawa ko pa ring kontrolin ang sarili ko, kahit na ang totoo ay konting-konti na lang at bibigay na ang mga pader na itinayo ko.Kagagaling lang namin ni Lorenzo sa isang seryosong pag-uusap tungkol sa mga bagong designs para sa shop nang biglang bumukas ang pinto. P







