Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Manugang kong Hamak

Ang Manugang kong Hamak

Nagpanggap na mahirap si Sabrina Gabrielle Madrigal, ang bunsong anak sa tatlong magkakapatid na anak ng kilalang Business Tycoon na si Don Felipe Madrigal. Namuhay ng simple at nakihalubilo sa gitna ng mga taong hindi niya kapantay ang estado sa buhay. Pinili niyang bumaba sa pedestal na kinalalagyan, iyon ay dahil kay Vladimir Hidalgo na isang gwapong Varsity Player na nakapag-aral lang dahil sa scholarship. Paano kung ang lalakeng pinangarap at minahal ng higit sa sarili ay ito pa pala ang magsadlak sa kaniya sa mala-impyernong buhay? At ano ang magiging bahagi ng isang Zachary Montefalcon sa buhay ni Sabrina Gabrielle na nakilala lang nito dahil sa isang aksidente? Sa pagitan ng pag-ibig at paghihiganti. Ano ang mananaig?
102.1K viewsOngoingAdded to Library 69 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
How To Catch A Billionare

How To Catch A Billionare

LiaCollargaSiyosa
Si Aika ay isang simpleng empleyada sa kompanya ng mga armas na pagmamay-ari ng bilyonaryong si Don Jacinto Herrera, ay laging nangangarap ng mas magandang buhay. Sa kabila ng hirap ng kaniyang buhay at mababang suweldo, hindi mapigilan ni Aika ang mag-isip ng paraan para makamtan ang kayamanang matagal niyang pinapangarap. Isang araw, nalaman ni Jaika ang isang lihim na matagal nang itinago ng pamilyang Herrera—ang pagkawala ng kanilang nag-iisang anak na si Isaid. Ang plano niya ay makuha ang atensyon ni Isaid at magpabuntis sa kaniya upang maging bahagi ng makapangyarihang pamilyang Herrera. Alam niyang si Isaid ay ang tanging tagapagmana ng imperyo ng kanilang kompanya at ang pagkakaroon ng anak mula sa kaniya ay ang pinakamabilis na daan para maging bilyonaryo siya. Magtagumpay ka siyang magpabuntis kay Isaid? Magiging bilyonaryo rin ba siya?
104.0K viewsOngoingAdded to Library 107 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
EACHEN HAN, The Obsessive CEO

EACHEN HAN, The Obsessive CEO

"You're stunning, no matter what you wear. Honestly, even without anything on, you'd still be the most gorgeous woman I've ever seen." Selina was ready to give her all to her boyfriend on their special night but a shocking intrusion by a stranger left her life in shambles. Ang masaya sanang gabi nila ng nobyo ay napalitan ng bangungot.The man force her, resulting in pregnancy.Nawala ang lahat sa kanya, ang tiwala ng nobyo at ang trabaho niya. Hindi niya alam kung paano pa makakabangon muli.Ngayon, na nag uumpisa siyang muli, ang estrangherong lalaki na sumira sa kanyang mga pangarap ay sinusubukang maging bahagi ng kanyang buhay. Can she forgive and let him in, or will she shut him out forever?
1027.8K viewsOngoingAdded to Library 888 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Twin Fate: Wife, Please Love Me Again

Sa loob ng dalawang taon, inakala ni Valerie na may pag-asa siyang mapalambot ang pusong kasingyelo ng kanyang asawang si Harvey Alcantara. Ngunit isang araw, nagbago ang lahat—nalaman niyang hindi siya ang tunay na anak ng pamilyang Lozano, at kasabay nito, itinakwil siya ng kanyang sariling pamilya at itinaboy mula sa buhay na marangyang inakala niyang kanya. Sa isang iglap, nawala ang lahat—pamilya, pangalan, at maging ang kasal na pinanghawakan niya nang buong puso. Pinalitan siya ng babaeng tunay na may karapatang maging anak ng Lozano… at maging asawa ni Harvey. Ngunit sa gitna ng kanyang pagkawala, isang hindi inaasahang katotohanan ang mabubunyag—isa siyang bahagi ng isang makapangyarihang pamilya na mas higit pa sa kayang ipagkait ng mga Lozano at Alcantara. At sa kanyang pagbabalik, hindi na siya ang Valerie na kayang aapihin ng sino man.
107.6K viewsOngoingAdded to Library 175 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Midnight Temptations

Midnight Temptations

MsDayDreamer99
Mula nang dumating nang walang anumang alaala mula sa party ng kanyang matalik na kaibigan, si Elise ay nagkakaroon ng kakaibang panaginip. Habang lumilipas ang mga araw ay mas nagiging kakaiba ang kanyang mga panaghinip. Natatagpuan niya na lang ang sarili sa isang madilim na kwarto kasama ang isang napakagwapong estranghero. At bawat araw ay hindi niya mapigilan ang sariling mahulog dito. Subalit alam niya na ang kung ano mang namamagitan sa kanila ng estrangherong iyon ay hindi bahagi ng kanyang reyalidad. Hanggang sa nagpakita sa kaniya ang isang lalaking kamukhang-kamukha nito at bumago sa takbo ng kanyang buhay. Ngunit, ano ang misteryong bumabalot sa pagkatao nito? Ano ang mga lihim na pilit nitong itinatago sa kanya?
2.2K viewsOngoingAdded to Library 58 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
GOT TO BELIEVE IN LOVE

GOT TO BELIEVE IN LOVE

Si Dianne Abrenica, isang dalagang probinsyana na walang karanasan sa pag-ibig, ay pumasok sa isang nakakabagbag-damdaming desisyon—ang maging surrogate mother ng pinakamayamang pamilya sa Davao, ang mga Manalo. Isang birhen at NBSB (No Boyfriend Since Birth), handa siyang isakripisyo ang lahat para sa kanyang kapatid na nangangailangan ng kidney transplant. Ang kontratang ito ang nagdala sa kanya sa isang mundo ng yaman at kapangyarihan, ngunit kasama rin nito ang masalimuot na emosyon at mga hamong hindi niya inaasahang mararanasan. Sa kabilang panig, si Drake Manalo, ang CEO ng Manalo Canning Food Industry, ay isang lalaking puno ng kahanga-hangang katangian—gwapo, matipuno, mayaman, at mapagmahal sa kanyang asawa. Nang pumasok si Dianne sa kanilang buhay, tila lahat ay naging maayos, hanggang sa isang trahedya ang biglang yumanig sa kanilang mundo. Ang biglaang pagkamatay ni Tiffany sa isang car accident ay nagdulot ng matinding sugat kay Drake. Sa panahong nagdadalamhati si Drake, andiyan si Dianne na naging sandigan at karamay nito. Dito, natutong magmahal si Dianne—hindi lamang sa sanggol na kanyang dinadala kundi pati na rin kay Drake, isang lalaking naging bahagi ng kanyang mga pangarap. Habang papalapit ang araw ng pagsilang, nahaharap si Dianne sa isang mahirap na desisyon. Ang kanilang kontrata ay malinaw—wala siyang karapatang kumonekta sa bata pagkatapos ng kanyang pagsilang. Ngunit paano niya maiiwan ang anak na kanyang minahal at itinuring na bahagi ng kanyang pagkatao? Paano niya haharapin ang mga damdaming namuo para kay Drake, isang lalaking bihag pa rin ng alaala ng kanyang yumaong asawa? Si Drake, isang lalaking unti-unting natutong muling buksan ang kanyang puso, at si Dianne, isang babaeng handang ipaglaban ang kanyang nararamdaman, ay sabay na naghahanap ng sagot sa tanong: Makakaya ba nilang buuin ang bagong buhay na nilikha ng sakripisyo, pagmamahal, at pag-asa?
104.2K viewsCompletedAdded to Library 141 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

THE CONGRESSMAN'S MISTRESS

Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila. Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan. Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw. Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.
106.4K viewsOngoingAdded to Library 242 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
Eternally

Eternally

Isang car accident ang kinasangkutan ng sikat na nobelista na si Jia Molejon. Ang beinte-singko anyos na dalaga, nakatakda na sanang ikasal sa anak ng Gobernador ng kanilang probinsiya. Sikat at maimpluwensya ang kasintahan nitong si William Cervantes. Ang kanilang kasal na tila hinadlangan ng trahedya. Nagising si Jia mula sa mahabang panahon na pagka-comatose. Ngunit nang magising ito, tila nagbago na ang mundo niya. Bagong kapaligiran, bagong kabanata. Nagising siya sa katauhan ng isang nagngangalang Matilda. Tila nagkatotoo ang mga kwentong-pantasya na dati ay isinusulat lamang niya. TIME TRAVEL. At sa lumang mundo, tila kaya niyang baguhin ang tadhana sa hinaharap. Ngunit paano kung mas nagugustuhan niya na ang lumang panahon, ang panahong kaedad niya ang kaniyang Abuela? O, dahil sa lumang panahon niya rin nakilala ang lalakeng bahagi na ng mga libro ng kasaysayan, si Macario Manlapaz Apolinario na nagpakulo ng kaniyang dugo ngunit palihim na nagpatibok ng kaniyang puso. Sa mundo ng kahapon at kasalukuyan. Paano pipigilan ang itinakda ng tadhana?
10842 viewsOngoingAdded to Library 26 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
SEND TO THE WRONG HEART

SEND TO THE WRONG HEART

Dapat ay para sa foreigner na online boyfriend ni Erica ang nudes na sinend niya—pero sa boss niya napunta. Oo, yung boss niyang halos araw-araw na lang galit sa kanya. Akala niya katapusan na ng mundo niya, lalo na kung malaman ito ng fiancée ng boss niya at ipinost sa social media para sirain siya. Inisip niyang matatanggal siya sa trabaho at wala nang balikan ang reputasyon niya. Pero nagulat siya nang mapanood ang boss niya sa isang interview. Kalmado lang ito at ang sabi: "Girlfriend ko siya. Normal lang naman iyon sa magkarelasyon." At just like that, nasangkot na siya sa isang kasinungalingang hindi niya inasahan. Kapalit ng pagtanggol sa kanya, kailangan niyang magpanggap na girlfriend ng boss niya... at kunwari'y nagmamahalan sila. Hindi ito bahagi ng trabaho niya. Pero bakit parang unti-unti, nagiging totoo ang lahat?
10750 viewsOngoingAdded to Library 17 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
I Found Forever with My Ex's Uncle

I Found Forever with My Ex's Uncle

She was betrayed by the man she trusted. He never believed he would love again. Matapos wasakin ng panloloko ang puso ni Hanna Portugal, pinili niyang itayo muli ang sarili—malayo sa sakit, kahihiyan, at mga alaala ng nakaraan. Ngunit ang kapalaran ay may kakaibang paraan ng pagbabalik sa mga sugat na pilit mong tinakpan. Muling nagtagpo ang kanilang landas ng lalaking hindi niya inaasahang magiging bahagi ng kanyang buhay—Harold Cardinal, ang tiyuhin ng kanyang dating kasintahan. Isang malamig, disiplinado, at makapangyarihang CEO na matagal nang isinara ang pinto ng kanyang puso sa pag-ibig. Sa gitna ng ambisyon, responsibilidad, at mga lihim na hindi dapat nabubunyag, isang ugnayang itinuturing na bawal ang unti-unting nabuo—hindi dahil sa kapusukan, kundi dahil sa pag-unawa, paggalang, at tahimik na pagpili sa isa’t isa. Minsan, ang forever ay dumarating hindi bilang pangarap—kundi bilang pagsubok na handa mong panindigan.
101.2K viewsOngoingAdded to Library 39 Times as bahagi ng mata
Read
+Library
PREV
1
...
1112131415
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status