Wanted Father of my Child
Naramdaman ko ang pag-lagay ni Zach ng coat niya sa mga balikat ko kaya napalingon ako sa kanya;
"Dumadaan ang lahat sa iba't-ibang problema, darating ang panahon na kailangan mong maging totoo sa sarili mo at sa mga taong nasa paligid mo. Kailangan mo ma-realize kung ano ba talaga ang gusto mo, o ang makakabuti sa sitwasyon mo ngayon, there are a lot of options kaya nakakalito at mahirap pero trust yourself to do the right thing kasi by the end of the day, you're doing it for yourself at sa mga taong mahal mo."
He said those in the middle of fixing his coat na ipinatong niya sa mga balikat ko, and it just hit the spot na namuo agad ang mga luha ko sa aking mga mata.