Love Game with my Executive Assistant
Gray Series 4 (YAEL ANDERSON GRAY'S STORY)
Si Luna Wright ay na-frame ng kaniyang stepmother at stepsister na si Brenda Wright. Habang tumatakas, nakipag-one-night stand siya kay Yael Anderson Gray, Presidente ng Y.A. Group at nabuntis ng kambal. Kinuha ni Brenda ang kaniyang anak na lalaki pagkatapos niyang manganak.
Pagkalipas ng limang taon, bumalik si Luna kasama ang kaniyang anak na babae para maghiganti sa kaniyang madrasta at hilaw na kapatid na babae. Bumalik din siya para muling mag-apply bilang executive assistant ng Presidente ng Y.A. Group dahil napag-alaman niya na ang dati niyang amo ang fiancé ng kaniyang kapatid. Habang pauwi sila ng kanilang tahanan, ang kaniyang anak na babae ay sumigaw nang hindi niya inaasahan.
"Mommy, I have found my twin brother! Magkamukhang-magkamukha po kami!"
Lumapit si Luna sa bata.
"Mommy, please take me away from my fake mommy. Come with me and let's live under one roof with my daddy," mahinahong pakiusap ng batang lalaki.