Love Revenge Game
Napasandal na lamang ako pagkatapos ko silang bigyan ng ngiti bilang tugon, sapagkat mula noon at hanggang ngayon, hindi pa rin maiproseso ng utak ko na may mga ilang tao pala na ipinadala ng Diyos sa akin upang bigyan nang kaluwagan ang nag-iigtingan kong puso.
“Ayon pa nga sa bibliya, 'I will give thanks to you, Lord, with all of my heart; I will tell of all your wonderful deeds',” bulong ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng buwan sa kalangitan. “Nawaʼy patawarin mo ako, aking Diyos, sa aking nagawang kamalian noon,” dagdag kong bulong sa kalangitan.
“Salamat sa paghatid sa amin, Kuya Khiel,” pasasalamat niya nang makalabas na kami ng sasakyan.