The CEO Boss Is My Ex-lover
Akala ni Marianne “Anne” Dela Fuente tama ang desisyong iwan si Isagani Malcon. Sa tingin niya kasi ay walang magandang kinabukasan kung pipiliin niya ito. Kahit mahal niya si Isagani, pinili niyang lumayo dahil sa isang dahilan na siya lang ang nakakaalam.
Paglipas ng walong taon, nagtagpo silang muli. Nag-apply si Anne sa isang malaking kumpanya at laking gulat niya nang malaman na ang may-ari nito ay si Isagani, ang lalaking iniwan niya noon.
Ngayon, si Isagani na ang may kapangyarihan. At sa halip na pagmamahal, galit at paghihiganti ang bumabalot sa kanya. Gusto niyang iparamdam kay Anne ang sakit ng panahong iniwan siya nito.
Pero paano kung sa gitna ng galit, muling umigting ang damdamin na matagal na nilang pilit kalimutan?