Contracted Surrogate of the Billionaire
Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez.
Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon.
Pinatira ni Kairon si Ahtisa sa kaniyang mansion. Ang kasunduan nila ay mabuntis si Ahtisa sa loob ng isang buwan, kung hindi ay hahanap sila ng ibang surrogate. Hindi nakatira ro'n si Celine dahil palagi itong busy sa trabaho kaya may sarili siyang bahay malapit sa pinagtatrabahuan niya at madalang lang siyang bumisita sa bahay ni Kairon.
Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon.
Hindi maiikaila ni Ahtisa na mahal niya na si Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya.
Ano na ang gagawin ni Ahtisa?
Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine?
At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!