Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Ang Ganti ni Amarra Villasanta

Sa likod ng karangyaan ng Hacienda Avaristo, may mga lihim na itinago — mga sigaw ng kababaihang inapi, mga pag-ibig na pinagkait, at mga kasalanang sinilaban ng panahon. Isang dalagang kasambahay, isang panginoong marahas, at isang pag-ibig na ipinagbawal— mula sa abo ng kahapon ay babangon ang isang babaeng gagamitin ang bawat sugat bilang kanyang sandata. Ito ang kuwento ni Amarra Villasanta, ang babaeng minsang inalipin, ginahasa, itinapon, ngunit muling bumangon upang ibalik ang hustisya sa lupaing minsang kinasusuklaman niya. Isang epikong kasaysayan ng pagdurusa, paghihiganti, at kapatawaran, kung saan matutuklasan na ang tunay na “lihim” ng Hacienda ay hindi ang kasalanan ng nakaraan— kundi ang kapangyarihan ng isang pusong marunong magmahal kahit sa gitna ng impyerno.
Romance
10169 viewsOngoing
Read
Add to library
Acting Of Affection (TAGALOG)

Acting Of Affection (TAGALOG)

Si Lizabeth Villanueva ay isang babaeng may pangarap sa buhay ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay nangailangan siya ng malaking halaga para sa sakit ng kanyang ina. Inalok siya ng sikat na aktor na si Kenzo Navarro ng malaking halaga kapalit ng pagiging pekeng asawa nito sa loob ng tatlong buwan Mauwi kaya ang pagpapanggap sa totohanan? Ilang beses paglalaruan ng tadhana ang pareho nilang buhay?
Romance
1034.9K viewsCompleted
Read
Add to library
I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

I'M THE BILLIONAIRES SLAVE

Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at kapangyarihan, ipinanganak si Elena Cruz sa kahirapan. Maganda siya—mala-porselanang kutis, brown ang mata, at may alindog na kahit sa simpleng ayos ay nakakakuha ng pansin. Pero sa likod ng ganda, puno ng sugat ang kanyang buhay—ama niyang lulong sa sugal at inang kasambahay sa pamilya ng mga Monteverde, isa sa pinakamayamang angkan sa bansa. Isang gabi, nagbago ang lahat. Sa desperasyon at gutom, nagnakaw ang kanyang ama mula sa mansion ng mga Monteverde—isang kasalanang nahuli sa CCTV. At nang mabunyag ito, nasira hindi lang ang tiwala, kundi pati ang buhay nilang mag-ina. Sa gitna ng kahihiyan, pagkakautang, at apoy na sumunog sa kanilang tahanan, namatay ang kanyang ina sa konsensya at pangamba, habang nagtatago naman ang ama. Walang ibang natira kay Elena kundi ang pangalang minantsahan ng kasalanan. Hanggang sa isang gabi, muling tumagpo ang landas nila ni Lance Monteverde—ang bilyonaryong CEO na anak ng among pinagsilbihan ng kanyang ina. Malamig, makapangyarihan, at walang pakialam sa pag-ibig. Ngunit sa kabila ng lahat, tila may kakaibang puwersang nagtulak sa kanya na iligtas si Elena mula sa kamay ng mga mapang-abusong nanghihingi ng utang. Kapalit ng kaligtasan, isang alok ang binitawan ni Lance: “Babayaran ko ang lahat ng utang mo, Elena. Pero may kapalit... ikaw.” Sa pagitan ng utang, galit, at pag-ibig na unti-unting tumutubo sa gitna ng poot—mapipilitan si Elena na maging asawa ng lalaking kinaiinisan at kinatatakutan niya… ang lalaking unti-unti ring matututo kung ano ang tunay na halaga ng pag-ibig at pagkatao. Ngunit sa mundo ng mga Monteverde, walang libre. At sa dulo ng bawat pangako, may kapalit na kalayaan.
Romance
403 viewsOngoing
Read
Add to library
Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Ex-Husband Replaced: Triplets for the Impotent Zillionaire

Sa isang marangyang hotel sa gitna ng lungsod, natagpuan ni Lily May Salvador ang panandaliang paglimot sa sakit ng pagtataksil ng kanyang asawa—sa bisig ng isang misteryosong estranghero. Isang gabing puno ng kapusukan ang nag-ugnay sa kanila, isang sandaling hindi niya inasahang mag-iiwan ng panghabambuhay na marka. Ngunit bago pa sumikat ang araw, pinili niyang lumayo, dala ang isang lihim na babago sa kanyang buhay. Siya ay buntis. At hindi lang isa—triplets ang kanyang dinadala. Sa paglipas ng mga taon, matagumpay niyang itinaguyod ang kanyang mga anak, malayo sa anino ng kanilang ama. Ngunit isang araw, bumalik ang kanyang dating asawa, desperadong humihingi ng pangalawang pagkakataon. Kasabay nito, isang hindi inaasahang pagtatagpo ang naganap—ang pagbabalik ng lalaking hindi niya kailanman nakalimutan, ang tunay na ama ng kanyang mga anak. Pareho silang may nais. Ngunit sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyan, sino ang dapat niyang piliin? Ang lalaking minsang bumasag sa kanyang puso, o ang estrangherong itinakda ng tadhana para sa kanya?
Romance
10479 viewsOngoing
Read
Add to library
The CEO'S RENTED WIFE

The CEO'S RENTED WIFE

chantal
Naudlot ang mga pangarap ni Laura Anderson dahil mas pinili ng kanyang mga magulang na unahin ang pag-aaral ng kanyang nakatatandang kapatid sa Amerika. Gayunpaman, sa gitna ng kawalan ng pag-asa na ito, nakilala ni Laura si Mark Santivaniez at nagpalipas ng isang mainit na gabi sa kanya. Hindi ito tumigil doon, hiniling ng mayamang CEO kay Laura na maging isang inuupahang manliligaw sa isang tiyak na tagal ng panahon. So, anong gagawin ni Laura? Tsaka nung nalaman niyang si Mark ay pinipilit na magpakasal ng mabilis at isang...biyudo!
Romance
2.9K viewsCompleted
Read
Add to library
My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

My Mother’s Fiancé: Yes, Daddy Governor

Napilitang mag-extra sa bar si Danica Olivarez bilang tindera ng sigarilyo at mga alak para sa mayayamang customer dala ng pangangailangan para sa operasyon ng kanyang ina. Hindi niya inakalang may estrangherong ubod ng gwapo at misteryoso na mag-aalok ng malaking halaga kapalit ng isang gabi sa kama. Dahil sa desperasyon, pumayag siya, at ang perang iyon ang nakatulong sa operasyon ng ina at pagtatapos niya sa kolehiyo. Pagkaraan ng tatlong taon sa Maynila, umuwi siya para sa kasal ng ina, ngunit halos bumagsak ang mundo niya nang makilalang ang mapapangasawa nito ay si Zachary Cuevas, ang gobernador ng probinsya, at ang lalaking minsang bumili ng kanyang dangal. Paano siya makikisalamuha sa magiging ama kung bawat tinginan nila ay bumabalik ang alaala ng gabing iyon, lalo na’t tila mas lalo pa itong lumalapit sa kanya?
Romance
438 viewsOngoing
Read
Add to library
Secrets of Tajana

Secrets of Tajana

TaigaHopeRainbow
Si Tajana Canizales ay apo ng isang tanyag na pamilya sa probinsya. Siya ay kilala dahil sa angkin niyang ganda, talento at talino. Pero sa likod ng perpektong pagkatao niya, walang nakakaalam na siya ay nababalot ng mga sikreto. Ano ang mangyayari kapag nalaman ng pamilya niya ang lahat ng kanyang lihim? Ano nga ba ang mga itinatago ni Tajana? Magawa pa kaya siyang mahalin ng mga tao sa kabila ng kanyang mga lihim? Saan siya dadalhin ng kanyang mga sikreto?
Romance
3.2K viewsOngoing
Read
Add to library
HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

HANGGANG NGAYON IKAW PA RIN ANG MAHAL

KweenMheng12
Ang spoiled bratt na kababata ni Clyde ay laging sakit ng ulo ng kanyang Daddy, inatasan siya ng ama ng dalaga na maging personal bodyguard kapalit ng pagpapa-aral o maging scholar ng kumpanya nito. Childhood bestfriends na ang dalawa tinuturing na na kapatid ni Clyde si Chloe. Laging nasa malayo at nakamasid lamang sa malayo ang binata para bantayan si Chloe. Mula ng mamatay ang ina ng dalaga ay lalong lumala ang pagiging party goer, kahit sang club nag-iinom para lang makuha atteention ng daddy nito. Nauunawaan naman ni Clyde ang sitwasyon ni Chloe gusto lamang nito mabigyan ng halaga at oras. Tanging siya lang ang kasama ng dalaga sa lahat ng oras. Pero paano kung isang araw ay malaman nila ang isng sikreto na nagkapalit sila ng tadhana dahil sa isang pagkkamali. Si Clyde ang totoong anak ni Don Robles,dahil sa desperadang kinilalang ina ni Clyde. Pinagpalit silang dalawa ni Chloe para maging maganda ang buhay ng kanyang anak na babae,dahil iniwan ito ng kanyang kinakasama. Sa sobrang galit ng Don ay pinalayas silang mag-ina ni Chloe. Nanirahan sila Chloe sa probinsiya at hindi na muling nagpakita pa kila Clyde at Don Robles dahil sa sobrang kahihiyan. Makalipas ang isnag taon kinuha si Chloe para maging isang modelo. Ang dating spoiled bratt, pasaway at kinaiinisan ng lahat ay natutong magpakumbaba, mapagpasensiya at natutong makuntento sa simpleng buhay. Sa muling pagttagpo ng kanilang landas ay isang bilyonaryo at CEO na si Clyde dahil ipinamana na sa kanya ang negosyo ng mga robles. Inimbitahan siya na maging modelo ng alak, kaya sexy ang theme ng magiging trabaho ni Chloe. At sa hindi niya inaasahan ay darating si Clyde para panoorin ang kanyang shoot. Sobra siyang nanliit sa kanyang sarili dahil halos ibilad na niya ang kanyang katawan.
Romance
103.6K viewsOngoing
Read
Add to library
The Other Dimension

The Other Dimension

Tet Cruz
Sa kabila nang modernisasyon ng mundo ay tahimik na nabubuhay ang grupo ng mga engkantao sa Mt. Talumpit. Sila ang mga nilalang na naging bunga ng pagmamahalan ng mga engkanto at tao noong panahong bago pa man dumating ang mga dayuhang mananakop. Nakalimutan na sila ng mga tao at itunuring na isa na lamang kwentong-bayan. Si Seiri Santos ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Quezon City. Si Matuk ay itinuturing na susunod na pinuno ng mga engkantao. May forever ba kung sakaling bigyan nila ng chance ang isa't-isa? O isa lang itong kaso ng pinagtagpo ngunit di itinadhana?
Fantasy
2.3K viewsOngoing
Read
Add to library
Married into His Billion-Dollar Life

Married into His Billion-Dollar Life

Isang ordinaryong babae si Trina, anak sa labas ng isang prominenteng pamilya, na hindi kailanman inasahan na magiging sentro ng isang nakakagulat na sitwasyon: nagkaroon siya ng marriage certificate na nagpapakita na kasal na siya… sa isang lalaki na hindi niya kilala — si Luke Montenegro, ang misteryosong heir ng pinakamayamang angkan sa mundo. Habang sinusubukan ni Trina na alamin ang katotohanan, natuklasan niya ang masalimuot na relasyon ng kanyang pamilya sa mga Montenegro, at kung paano siya itinuturing na walang karapatan kumpara sa kanyang kapatid na si Gabriela, na nakatakdang pakasalan si Xander Montenegro, ang panganay ng pamilya. Sa gitna ng mga intriga, bulung-bulungan, at paninibugho ng pamilya, napilitang makipag-ugnayan si Trina kay Luke, na sa unang tingin ay malamig, misteryoso, at makapangyarihan. Ngunit habang nagkakaroon sila ng hindi inaasahang koneksyon, lilitaw ang tanong: maaari bang mabuo ang pag-ibig sa pagitan ng dalawang taong napagbuklod ng tadhana sa pinaka-kakaibang paraan? Punong-puno ng drama, misteryo, at romantikong tensyon, ang kuwento ay sumusubok sa hangganan ng pamilya, kayamanan, at kung paano hinaharap ni Trina ang kanyang kapalaran sa piling ng isang lalaking hindi niya inaasahan.
Romance
193 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
1213141516
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status