Mistress By Contract
Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, napilitan si Amara na pirmahan ang isang kontrata. Isang kasunduang magtutulak sa kanya na maging exclusive mistress ng isang makapangyarihang CEO, si Dominic Severino.
Ang kapalit:, malaking halagang kailangan niya upang mailigtas ang buhay ng kanyang kapatid.
Ngunit malinaw ang kondisyon ng kontrata, hindi siya dapat mahulog kay Dominic.
Para kay Dominic, ang relasyon nila ay dapat manatiling lihim at walang kasamang emosyon. Para kay Amara, ito ay sakripisyo, isang kasinungalingang kailangan niyang itago sa lahat, lalo na’t ang tunay niyang pagkatao ay hindi niya maaaring ipaalam.
Subalit habang lumilipas ang mga gabi, nagsisimulang mabali ang mga patakaran. Nagiging possessive si Dominic, ayaw siyang pakawalan kahit pa malinaw ang kasunduan.