The Cold Billionaire's Forbidden Maid
Limang taon na ang nakalipas mula nang talikuran ni Nica Mendoza ang lalaking minahal niya higit pa sa sariling buhay. Sa kapalit ng limang milyong piso—at isang pangakong ililigtas ang kanyang ina—iniwan niya si Rafael Watson, ang nag-iisang lalaking pinangarap niyang makasama habang-buhay.
Ngunit ang kapalit ng kanyang sakripisyo ay hindi kapayapaan… kundi impiyernong walang tigil.
Ngayo’y muli silang nagtagpo—ngunit hindi bilang magkasintahan, kundi bilang amo at kasambahay.
Si Rafael, ang ngayon ay tinaguriang Cold Billionaire, ay walang ni katiting na init ng damdamin sa kanyang mga mata. Sa bawat titig, bawat utos, at bawat sarkastikong ngiti niya, ramdam ni Nica ang galit... ang hinanakit... at ang pagnanasang tila hindi nawala sa kabila ng taon.
Sa loob ng apat na pader ng marangyang mansion, isang mapanganib na laro ng damdamin ang magsisimula. Isang larong puno ng pagsisisi, pagkakaila, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa limot. Pero paano kung ang larong ito ay muling mag-alab—mas mainit, mas delikado, at mas makasalanan?
Sa pagitan ng galit at pagnanasa, alin ang pipiliin—ang paglimot o ang muling pagtikim sa isang bawal na pagmamahalan?