The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG)
Ipinangako niyang wawasakin siya… pero nauwi sa pagnanasa.
***
Umuwing buo ang loob ni Caleigh Villamor—handa siyang ipaglaban ang ama niyang ikinulong dahil sa isang operasyong nauwi sa kamatayan ng isang kilalang pasyente. Ngunit hindi niya inaasahan na ang pagbabalik niya sa Pilipinas ang mismong magiging simula ng pagkawasak niya.
Si Drako Valderama, isang brutal at makapangyarihang billionaire, ay gutom sa paghihiganti. Sa mata niya, ang pamilya ni Caleigh ang dahilan ng lahat ng sakit niya. At ngayon, ang plano niya ay simple lang: pagbayarin ang pamilya ni Caleigh... durugin ang puso nito hanggang sa magmakaawa.
Ngunit sa isang gabing puno ng galit, init, at pagkakamali—may nabasag.
Ang puso ni Drako.
At habang lalo niyang sinasaktan si Caleigh, mas lalo siyang nalulunod sa sarili niyang pagnanasa.
Ito ba'y paghihiganti—o isang nakakalasing na pagnanasa sa babaeng dapat niyang kamuhian?