Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Son of a Billionaire

The Son of a Billionaire

Isaacrys
Hyness worked out a way to get money even in a dirty way and sell herself to save her sister Lily from brain tumor disease. Pumunta siya sa isa sa pinakasikat na bar na alam niya sa kanilang lugar. Pinagpilian hanggang sa tumaas ng tumaas ang naging presyo niya at napatapat sa lalaking hindi niya kilala, she only remembers the sword tattoo on his right arm from the man she had slept with that night. She's second year college at malapit na rin gumraduate and one of a famous heartthrob named Kael James Montefalco dated her. Ngunit nagbunga ang nangyari sa kanila nong lalaki na nakasiping niya. She got pregnant and her parents hated her, dahil na rin sa walang maipakilala na ama ng dinadala niya si Hyness. Kael finds out about Hyness' pregnancy at kung ano-ano nalang ang mga nasabi ni Kael tungkol sa kanya. "Get rid of that child Hyness, if you can, abort him before you come to me and beg again in case you come back. If you hadn't just been flirty you wouldn't have gotten pregnant." However, Hyness also finds out who the real father of her baby, kaya mas pinili niya ang lumayo dahil sa kagustuhan ni Kael na ipalaglag ang sarili nilang anak.
Romance
101.8K viewsOngoing
Read
Add to library
His Secret Child (Tagalog)

His Secret Child (Tagalog)

Masaya si Eunice nang mapangasawa ang lalaking mahal niya. Kahit nahihirapan siya sa kanya, patuloy siyang umuunawa at nagmamalasakit. Ikinasal sila para sa kapakanan ng kumpanya at sa kagustuhan ng kanilang mga magulang. Tiniis niya ang lahat, umaasa na balang araw ay matutunan din siyang mahalin at tanggapin ang kanilang kasal. Ngunit nagkamali siya; mas lalo siyang nasasaktan. Mas binibigyan ng atensyon ng kanyang asawa ang dating kasintahan kaysa sa kanya. Hanggang isang gabi, laking gulat niya nang makita ang kanyang asawang lasing na nakatayo sa harap ng kanyang kwarto. Bigla na lang siyang hinila papasok. Doon, may nangyari sa kanila. Ibinigay ni Eunice ang sarili sa kanyang asawa kahit lasing na lasing ito. Pagkaraan ng isang buwan, nalaman niyang siya ay buntis. Pinili niyang lumayo. Natakot siyang hindi siya paniwalaan at itakwil ang kanilang anak. Umalis siya nang hindi sinasabi ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Ilang taon ang lumipas, bumalik siya, ngayon kasama ang kanilang anak. Paano kung muli silang magtagpo at ang tadhana ay magbuklod muli sa kanila? Ano ang gagawin ni Eunice? Sasabihin ba niya ang katotohanan na may anak sila, o patuloy niya itong ililihim?
Romance
9.71.4M viewsCompleted
Show Reviews (295)
Read
Add to library
jmnbt
Ang ganda, sakto yung haba ng kwento. Hindi o.a na aabutin ng ilang chapter bago may magandang mangyayari. Good luck! Sana makita ko agad or meron na yung kay Trish at Jacob. At kung meron mang book 2 for next Gen kila Trishana at baby keil. 😂 Pocketbook na? Hahaha! Sorry, nasa thur* na kasi age ko
Analiza Silos
Ang ganda po sa sobrang dami NG pinagdaanan nila sa huli sila parin Ang nagkatuluyan,marami mang pagsubok Ang dumating sa buhay nila nalabanan nila at kahit sa una puro pasakit Lang Ang ginawa ni Travis Kay Aliyah napatawad parin Niya Ito at binigyan NG second chance...this story is amazing
Read All Reviews
His Sweetest Addiction (Tagalog)

His Sweetest Addiction (Tagalog)

SulatniMiss E
Si Samantha ay isang napakaganda at inosenteng babae, na may matagal nang kasintahan, na si Liam. Gayunpaman, biglang dinurog ni Liam ang kanyang puso, na naging dahilan upang gumuho at miserable ang kanyang mundo. Wala siyang kahit na anumang ideya kung bakit ginawa ito ni Liam sa kanya. Isang kasintahan na minsang nangako sa kanya at napalitan ng walang pakialam at walang puso. Ngunit nang magkrus muli ang kanilang landas, naadik na siya sa kanya. Bumaliktad ang mundo ng dalawa. Naging sobrang possessive niya sa kanya, na kahit isang kaibigan ni samantha na tumingin sa kanya na parang bihirang brilyante, magseselos siya. To the point na gusto na niyang ilibing lahat ng lalaking sumusulyap lang kay samantha. **** "Huwag kang magkakamali, kung ano ang akin ay akin lamang. Kaya kong gawin kahit anong gusto ko. Kung sino man ang gustong magnakaw sa aking pinakamamahal na babae ay dadaan sa galit na aking dadalhin." Galit niyang sabi.
Romance
4.8K viewsOngoing
Read
Add to library
My Daughter's Billionaire Daddy (Taglish)

My Daughter's Billionaire Daddy (Taglish)

Roses are Ryd
From riches to rags. Iyan ang buhay ng isang Mikolaj 'Miko' Piñeda matapos ma-bankcrupt ang business ng family niya. After that, their relatives abandoned them pati na rin ang kaibigan ng kan'yang mga magulang. Ngunit sa kabila ng paghihirap, dagdag na rin sa biglaan niyang pagbubuntis, pilit pa rin nilang mamuhay ng mapayapa at normal. Mikolaj loved her daughter very much at inalay niya ang buo niyang pagmamahal sa pagpapalaki sa kan'yang anak, but amidst of her mediocre and simple life, isang Asher Del Cuangco ang biglang pumasok sa buhay nilang mag-ina. A supposed-to-be future brother-in-law became a nuisance to Mikolaj. Bribing and coaxing her daughter seemed too wrong in her eyes but as time goes by, nahulog rin naman ang loob niya rito. Ngunit paano nalang kung may malaman si Mikolaj na magpapakabago ng kanilang buhay?Matatanggap ba ni Mikolaj ang isang Asher sa buhay nilang mag-ina lalo na't iba pala ang dala nitong intensyon sa simula palang?
Romance
102.0K viewsOngoing
Read
Add to library
BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]

BROKEN SERIES 2 FREYA SANDOVAL [SINNER]

Mhiekyezha
Ellie and Elia Madrigal are identical twin sisters. Despite their different personalities, they love each other and support their parents. Their life is like a fairy tale book that everyone dreams of. Money, fame, power, and a pretty face. Ngunit nagbago ang lahat ng mamatay ang magulang nila sa plane crash at tangkain silang patayin ng matalik na kaibigan ng ama na si Don Faustino. Napilitan na magtago at magpakalayo-layo sina Elia at Ellie. After eight years napagpasyahan ni Ellie na bumalik sa Pilipinas bilang Freya Sandoval na isang sikat na top model sa ibang bansa, para alamin kung bakit ninais na kitlin ng kaniyang kakambal na si Elia ang buhay kaysa sa gamutin ang sakit nito. Magagawa pa kaya ni Ellie ang misyon kung ang lalaking napangasawa ng kakambal niya, ay ang lalaking nakaniig niya eight years ago?
Romance
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
Death Judge Noble Park

Death Judge Noble Park

Maganda ang mundo, ngunit malupit din ito. Sa mundo ng Gaia, mayroong apat na rehiyon. Iyon ay ang Normous, Defracia, Bandalia Cifalia, at Isla ng Anino. Sa bawat rehiyon ay mayroong Death Judge, ang pag-asa ng bayan, ngunit ang Rehiyon ng Normous lamang ang walang Death Judge at ang umako sa posisyon nito ay ang emperor mismo. *~* Si Maximaze Lativitus Park ay isang mamamayan ng Normous at nasa pinakamababang-antas lamang ng sibilisasyon sa rehiyon. Sa ibang salita, siya ay isang alipin ng nakatataas. Nang siya ay hindi pa ipinapanganak ay nawalan na ito ng ama dahil sa kabayanihang ginawa. Nang dumating ang kaibigan ng kaniyang magulang, nagbago ang kaniyang buhay. Siyaʼy binigyan ng pagkakataon na makapag-aral at makalaya sa pagkakaalipin, ngunit sa isang kondisyon. Kailangan niyang maging isang kandidato sa paglalakbay at maging Death Judge ng Normous sapagkat ang emperor ay nanghihina na. Ang tahimik niyang buhay kasama ang kaniyang ina ay naging magulo—mas malala sa pagkakaalipin. Marami siyang inaasahan sa mundo ngunit nang kaniyang malaman ang katotohanan, ang kaniyang pangarap ay nawasak sa pira-piraso. Sa araw na iyon, nakatanggap siya ng isang masamang paalala.
War
9.73.1K viewsCompleted
Read
Add to library
Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Contract Marriage: Love Beyond Agreement

Sa isang mundo kung saan ang pag-ibig ay tila isang laro ng kapangyarihan at pangangailangan, nagkrus ang landas nina Isla Montemayor at Liam Callisto-dalawang taong magkaiba ng mundo pero parehong desperado sa isang bagay. Si Isla, isang matapang at determinadong babae, ay kailangang iligtas ang kanilang naluluging negosyo at ang nag-iisang pamilya niyang natitira—ang kapatid niyang si Lucas na may malubhang sakit. Samantalang si Liam, isang malamig at istriktong CEO, ay nangangailangan ng isang huwad na asawa upang mapanatili ang kanyang posisyon sa Callisto Group at hindi ito mapasakamay ng kanyang tusong madrasta. Dahil sa desperasyon, isang kasunduang kasal ang nagbuklod sa kanila—isang kasunduan na dapat ay walang halong damdamin. Ngunit paano kung ang larong ito ng pagpapanggap ay unti-unting maging totoo? Paano kung sa kabila ng kanilang matinding away, pagkakaiba, at mga lihim, ay matutunan nilang umibig sa isa't isa? Sa gitna ng pagsubok, pagtataksil, at mga hindi inaasahang rebelasyon, matutuklasan nina Isla at Liam na ang tunay na pag-ibig ay hindi isang kasunduan—ito ay isang bagay na lalampas sa kahit anong kontrata. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang talunin ang lahat ng balakid? Isang kwento ng pag-ibig na hindi lang tungkol sa isang kasunduan, kundi sa pagpili ng pagmamahal kahit gaano kahirap. Dahil sa huli, kahit anong pagsubok, ang tunay na pag-ibig ang magtatagumpay.
Romance
10266 viewsOngoing
Read
Add to library
Prae High

Prae High

MarkusJuan
Taong 2000, isang pandemya ang sumakop sa buong mundo na naging sanhi ng malaking pag baba ng populasyon. Lahat ng may buhay ay naapektuhan. Lahat ng natamaan ng virus ay nawawala sa sarili, kinakain ang sariling laman pati na rin ang sa kapwa nila, na sa kalaunan ay mapaparalisa hanggang sa maagnas ang natitirang parte ng katawan nito. Ang pandemyang umabot ng dalawang dekada ay kusang naglaho gaya ng mga naagnas na mga bangkay. Pero naging daan din ito para umusbong ang panibagong kababalaghan at misteryong dala ng virus na ito. Si Migi Baldemor na simpleng estudyante ay mababago ang buhay mula nang masaksihan niya ang karumaldumal na pagkawala ng mga kaibigan niya. Kasabay nang pagkawala ng kanyang ina ay siya rin paghahanap nito ng hustisya. Makikila niya ang lalaking tutulong at magdadala sa kanya sa Prae High. Sari-saring emosyon ang mararamdaman niya habang nakikipagsapalaran at nakikipaglaban na nakataya ang kanilang buhay. Hanggang saan sila dadalhin ng problema? Sino ang kakampi at sino ang tunay na kalaban?
Mystery/Thriller
102.4K viewsOngoing
Read
Add to library
My Billionaire Daddy

My Billionaire Daddy

Matapos ma-frame ng kanyang boyfriend at matalik na kaibigan, si Jennica ay nagpalipas ng gabi kasama ang isang misteryosong estranghero. Lubusan siyang nag-enjoy sa hindi inaasahang pagkikita, ngunit nang magising siya kinaumagahan, hindi niya maiwasang makaramdam ng sama ng loob sa kanyang ginawa. Ang lahat ng kanyang kasalanan, gayunpaman, ay nahugasan nang makita niya ang mukha ng lalaki na nakahiga sa kanyang tabi. “He’s... handsome,” bulong niya, napanganga sa nakikita. Ang kanyang pagkakasala ay mabilis na napalitan ng kahihiyan, at ito ang nagtulak sa kanya na iwanan ang lalaki ng kaunting pera bago siya umalis. Nagulat si Darf. ‘Ang babaeng sinubukang bayaran ako? Parang baliw?’ naisip niya, na-offend. "Tanungin mo ang manager ng hotel para sa CCTV record," maawtoridad na utos niya sa kanyang assistant, na kumunot ang kanyang mga kilay. May determinadong ekspresyon sa mukha niya. "Gusto kong malaman kung sino ang nasa kwarto ko kagabi." ‘At kapag nahanap ko na ang babaeng iyon, tuturuan ko siya ng leksyon!’ Saan kaya pupunta ang kanilang kuwento?
Romance
8.716.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Hidden Mafia King and the Fearless CEO

Wanted: Mayaman, matulungin, at mamamatay na... sana. Joke lang ‘yon ng kaibigan—pero ang ending? Natagpuan ni Jenica ang sarili sa harap ng pinakamayamang lalaki sa siyudad: si Alexander Fuego, nasa wheelchair, naghihingalo, at nag-alok ng kasal na parang promo lang sa mall: "Marry me now, and inherit everything when I die." Siyempre, sino ba naman ang tatanggi sa instant yaman? Pero may problema: Hindi ito namatay. Ilang taon na ang lumipas, buhay pa rin si Alexander Fuego—fresh na fresh, at parang si kamatayan pa ang natigok sa halip na ang lalaki. Kaya tumakas si Jenica, dala ang sikreto: buntis siya sa tagapagmana ng Fuego Empire! Fast forward, balik bansa si Jenica. Mayaman na rin. Confident. Glamorous. Pero—wait lang. Si Alex? Gumaling na, mas hot pa, at may fiancé? Excuuuse me? Buhay pa siya, pero may balak na itong magpakasal sa iba? Game na. Pupunta si Jenica sa engagement party. Hindi para bawiin si Alex. Hindi para manira. Okay fine... maybe a little.
Romance
107.4K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
3940414243
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status