Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
The Run Away Fiancee.

The Run Away Fiancee.

Isang mapagmahal at mabuting asawa si Dave Justin Alarcon at malapit na sana siyang maging ama nang sa hindi inaasahang pangyayare ay nabaril ang kanyang asawa sa isang bank robbery na ikinamatay nito. Nabiyudo ng maaga at nawalan ng direksyon ang buhay ni Dave. Isang dalagang guro si Leslie Hidalgo na nakatira sa maynila, Kinailangan niyang umuwe ng probinsya sa pakiusap ng mga magulang ng kanyang ina. Sa pagbalik niya ng probinsya ay nalaman niyang nagawa siyang ipagkasundo ng kanyang abuelo sa apo ng isang mayamang angkan sa kanilang lugar, na pinagkakautangan ng malaki ng kanyang lolo Arturo. Labag man sa kanyang kalooban ay pumayag na rin siya sa kasunduan dahil nakasalalay ang kanilang koprahan, ganoon na rin ang bahay at lupa ng lolo't lola niya. Ngunit nakita niya agad ang masamang ugali ng lalaking kanyang pakakasalan, kaya bago dumating ang araw ng engagement party ay tumakas na si Leslie at bumalik ng maynila. Pinagtagpo ng tadhana ang kanilang landas ng mabundol ng kotseng minamaneho ni Dave si Leslie ng dahil sa kalasingan. Naging kargo niya ang babae dahil nagpanggap itong nawalan ng ala-ala upang mapagtaguan ang lalaking pakakasalan. Naawa ang ina ni Dave sa babae kaya kinupkop ito at inalagaan. Sa paglipas ng mga araw ay nahulog ang loob ni Dave sa babae ngunit pilit namang pinaglabanan nito ang nararamdaman. Paano kung malaman niya na ang babaeng kinupkop nila ay ikakasal na pala sa iba? May patutunguhan pa kaya ang nararamdaman ni Dave para sa dalagang tumakas sa napagkasunduang kasal? Ano kaya ang magiging reaksyon ni Dave kung mabatid niya na nagpapanggap lang na may amnesia ang babaeng muling nakapagpaibig sa kanya?
Romance
1014.2K viewsCompleted
Read
Add to library
My Hot Billionaire's Husband

My Hot Billionaire's Husband

Blue_Wave
Primo Del Cuesta- nag iisang anak at tagapag mana ng mga Del Cuesta na natali sa isang arranged marriage nang business partner ng kaniyang mga magulang. At dahil kilala ang kanilang pamilya sa buong mundo at ayaw na ayaw nito nang kahihiyan kaya napilitan siyang pakasalan ang anak ng mga Murphy. Siya si Sandra, maganda at may kaaakit akit na alindog ngunit hindi pa rin ito sapat para mapa ibig niya ako, sapagkat alam ko naman na plinano nila 'to ng mga magulang niya. Alam kong palubog na ang kumpanya nila kaya ginawa nila ang kahangalan na ito. Akala nila magiging buhay prinsesa ang anak nila sa kamay ko, pwese hindi mangyayari 'yon. Sisiguraduhin ko na bawat araw na magkasama kami sa iisang bubong gagawin kung miserable ang buhay niya. Ngunit paano kung dumating ang araw na masumpungan mo na lang ang sarili ko na umi-ibig na sa dalaga. Paano mo sisikilin ang sariling damdamin kung ang isini-sigaw nang puso mo ay ang dalaga At paano kung huli na pala ang lahat kung ang dalaga ay naka tali na ang puso sa iba, ano ang kaya mong gawin sa ngalan ng pag-ibig...
Romance
526 viewsOngoing
Read
Add to library
Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

Soldier's First Love (Sanchez Series #4)

LauVeaRMD
Isang rebelde si Marcus at hindi iyon alam ni Amara. Habang si Amara naman ay alagad ng batas, isang sundalo. Naging magkasintahan si Marcus at Amara. Nagpakasal, pilit na lumalayo si Marcus sa kanyang pinagmulan ang isang lihim na di dapat mabunyag. Isang gabi, habang nasa biyahe si Marcus, pauwi sa bahay nila Amara ay tinambangan ito ng mga di kilalang armadong kalalakihan. Isang operasyon ang nangyari at kasama si Amara doon, nalaman ni Amara na buhay pala si Marcus at isa itong rebelde. Naging bihag ng kupunan nina Marcus, si Amara. Ano ang pipiliin ni Amara ang mahalin ang kanyang kalaban o iwan ito ay ipagpatuloy ang laban?
Romance
101.2K viewsOngoing
Read
Add to library
A Husband For Convenience

A Husband For Convenience

Sawa na si Danielle Laforteza na marinig sa kaniyang ina ang mga pasaring na bumili na sila ng bahay at lupa. Dahil isa lamang na regular employee na may minimum wage, natatakot si Danielle sa malaking responsibilidad, lalo na't siya rin ang sumasalo ng lahat ng gastusin sa bahay. But a courage hits her, and she decides to apply for a housing loan; little did she know she needed to have a co-borrower to have the high chance of the approval. Kaya naman nang marinig niya ang proposal ni Boulevard Nixon, isa ring empleyado sa kumpanyang kaniyang pinagtatrabahuhan, pumayag siya na pumasok sa isang loveless marriage. Yes, they don't love each other... But that's before she get a husband for convenience.
Romance
10445 viewsOngoing
Read
Add to library
Twin Of Destiny

Twin Of Destiny

Rosellie
Ako si Luisa Naris Moon, inakala ko napapabilang ako sa mundo ng mga Mortal kung saan kasama ko ang mga kinilala ko mga magulang na mayroon mga kapansanan. One day, an old woman handed me a mysterious book. Isa itong lumang libro na aakalain mo kinakailangan ng itapon. Dinala ko ito sa aming bahay, sa gabi ding 'yon umilaw ito at bumukas. Dinala ako nito sa kakaibang mundo na ni sa panaginip ay hindi ko maisip na pupuntahan ko. I meet a woman with white long hair holding a strange wand na sa mga palabas ko lang nakikita.  Her name is Freya, The bandits girl. Since the day I met her, She has been my companion. But the question is until when? Hanggang saan ba kami dadalhin ng aming mga kapalaran? Sa lugar ba nito ganap ko na ba makikilala ang akin sarili? Paano kung sa pagpunta ko sa mundo na ito maging hudyat lamang ito ng akin kapahamakan. At sino nga ba ang babae laging kanila bukang bibig na halintulad ko? Samahan niyo ko sa  pagtuklas ng aking tunay na pagkatao, at alamin ang hiwaga ng Kaharian ng Magicus.
Fantasy
2.1K viewsOngoing
Read
Add to library
SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

SAVAGE BILLIONAIRE SERIES 2: ETHAN VILLAVER

Pansamantalang umuwi si Ethan sa Mindanao kung saan siya lumaki upang takasan ang masalimuot niyang buhay pag-ibig sa Maynila. Tuluyan siyang nakipaghiwalay sa long time fiancée niyang si Klarissa nang mahuli niyang may kaniig ang nobya niya sa mismong bahay nito. Nasa beach resort siya habang nagpapalipas ng kaniyang sama ng loob at payapain sana ang kaniyang isipan. Subalit ang inakala niyang makakalimot siya sa pighating nararamdaman ay hindi pa pala. Mas lalong naging magulo ang buhay at isipan niya nang makilala niya si Rose na receptionist supervisor ng kaniyang private resort. Hindi lang iyon dahil sa una at pangalawang pagkukrus ng landas nila ay naging miserable na. Mas lalong kalunos-lunos ang pagtatagpo nila nang malaman niyang si Rose ang anak ng dati niyang foreman na nagtangka sa pera niya at namatay tatlong buwan na ang nakararaan. Ngayon, kailangan din niyang harapin ang dalaga sa kadahilanang kinukuha nito ang karapatan sa insurance money ng yumao nitong ama. Subalit ayaw niyang ipagkaloob ito sa dalaga ng ganoon na lamang at isa lamang ang naisip niya. He offered her to be his woman, his bedmate and shared his savage and lonely nights.
Romance
1015.6K viewsCompleted
Read
Add to library
DON'T MESS WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG ROMANCE)

DON'T MESS WITH THE BILLIONAIRE (TAGALOG ROMANCE)

TAGALOG ROMANCE "I am Wolf Atlas and I am here to claim what is rightfully mine, Miss." Natigagal maging ang kaluluwa ni April Rose nang isang lalaking mayroong paris na asul na mga mata ang biglang lumitaw sa pintuan ng kanyang bahay isang mabagyong hating-gabi. The man is a total stranger! A sinfully dashing man and what scared her the most was when he's claiming that he's the biological father of her triplets. Makakaya ba ng puso ni April Rose na ibigay ang tatlong batang tinuring na niyang sarili niyang mga anak sa isang lalaking bukod sa estranghero ay ubod pa ng yabang? O magmamatigas siyang ipaglaban ang multong karapatan niya sa triplets at kontrahin ang isang bilyonaryong katulad ni Wolf Atlas?
Romance
15.2K viewsOngoing
Read
Add to library
AKIN ANG HULING KONTRATA

AKIN ANG HULING KONTRATA

   Si Sabrina ay isang anak isang napakayamang ankan ng mga Isidro. Ngunit sa kasawiang palad nalulong ang kanyang ama sa sugal,at ibininta nito ang lahat ng  kanilang ari-arian hanngang sa wala ng natira sa kanila ng kanyang ina kundi ang nag-iisang bahay nalang nila. Dahil wala na nga silang pwede pa'g ibenta ay siya ang naisipang ibenta nito sa isang bilyonaryong pinagkakautangan nila. Walang magawa si Sabrina kundi ang pumayag dahil naawa sya sa sitwasyon ng kanyang ina kung hindi sya papayag sa gusto ng kanyang ama ay sasaktan niya ito ng sasaktan. Si Sabrina Isidro ang may pinakamagandang mukha sa kanilang lugar ,at halos lahat ng lalake ay nagkakandarapang mangligaw sa kanya pero napunta lang ito sa isang matangdang mayaman na si Don Arturo Agman, sa edad na dalawang pu't anim na taon ay kailangan nitong ibenta ang sarili para lang mabayaran ang malaking pagkakautang ng kanyang ama. Pumerma ito ng kontrata na sa loob ng dalawang taon na hindi mabayaran ng kanyang ama ang lahat ng kanyang utang ay peperma ito ng kahulihulihang kontrata ang maikasal sila ni Don Arturo Agman. Makikilala ni Sabrina ang ampon nitong anak na si Samuel iibig silang pareho ng patago dahil alam ni Samuel ang ugali ng kanyang kinikilalang Ama. Magdurusa si Sabrina sa isang matandang hindi niya mahal at matatali sya dahil sa kanilang pagkakautang subalit makakaranas naman sya ng sarap pag kasama nito si Samuel  hahanap ng paraan si Samuel na makabayad sila ng utang dahil gusto niya na sa kanya mapunta ang huling kontrata yon ang makasal kay Sabrina. Kaya masasabi nito ang katagang akin ang huling kontrata. Sa kabila ng ginawa ni Samuel sa kanya parin ipinamana ang ari-arian ni Don Arturo. At namuhay na sila ng malaya ni Sabrina.
Romance
1.7K viewsOngoing
Read
Add to library
Don’t Mess With Me

Don’t Mess With Me

LEXIE ZIMMERMAN- Isang simpleng babae na puno ng dignidad, nangangarap ng isang simpleng buhay na may kapayapaan ngunit mahirap para sa kan’ya na makaalis sa poder ng mga Terorista. Ang unang misyon ni Lexie ay patayin si Cedric ngunit dahil sa maling impormasyon na natanggap niya, nabigo ang kanyang misyon. Sa halip na patayin si Cedric, iniligtas pa niya ito. Idineklarang traydor sa kanilang grupo ang dalaga, dahilan kung bakit gusto siyang patayin ng mga kasamahan niyang terorista. CEDRIC HILTON- Sa edad na 34 ay naging matagumpay sa buhay, siya ang batang bilyonaryo na naging Governor ng Montenegro City. Naging obsessed sa babaeng nagligtas ng kanyang buhay. Hindi tumigil ang binata sa paghahanap sa dalaga hanggang sa natagpuan niya ang pamilya nito. Pwersahan niyang ipinakasal sa kanya ang dalaga, ngunit isang pagkakamali ang naging desisyon ng binata dahil ang babaeng pinakasalan nito ay ang identical twin ni Lexie, si Chloe Tanner. Ano ang gagawin ni Cedric kung malaman niya na ang babaeng kinahuhumalingan ay isang Terorista? May pag-asa pa bang magkatuluyan ang dalawa, gayong kasal na ang binata sa kakambal ni Lexie? Ano ang mangyayari kapag nagsama sa iisang bubong ang supladong Governor at ang makulit na dalagang Terorista? Siguradong babaligtad ang mundo mo dito. Samahan n’yo akong pasukin at tuklasin ang mundo ni Lexie Zimmerman at Cedric Hilton sa “Don’t Mess with Me.”
Romance
1018.0K viewsCompleted
Read
Add to library
Marreid to the secret Billionaire

Marreid to the secret Billionaire

Lumaki si Celestine Navarro sa bahay na kailanman ay hindi naging tahanan. Sa ilalim ng pang-aapi ng kanyang madrasta na si Margarita at ng maldita niyang stepsister na si Veronica, natutunan niyang maging matatag, tahimik, pero palaban. Isang araw, bigla siyang pinapirma sa isang arranged marriage contract—isang kasal na hindi niya maintindihan. Wala siyang ideya kung sino ang lalaki sa papel, at tanging sinabi lang ng abogado ay: “Mas gusto niyang manatiling pribado. Pero simula ngayon, nasa ilalim ka ng kanyang proteksyon.” Ang lalaking iyon ay si Adrian Cruz—isang malamig, makapangyarihang Bilyonaryo at CEO sa isang malaking kumpanya na sanay makuha ang gusto niya. Sa harap ng mundo, isa siyang taong walang emosyon at walang kahinaan. Ngunit sa likod ng kanyang katahimikan, may lihim siyang dahilan: minsan niyang nasaksihan kung paanong hinamak si Celestine ng sarili nitong pamilya. At mula noon, hindi na siya mapalagay. Tahimik niyang inayos ang kasunduan ng kasal—isang paraan para masiguro na walang sinumang makakasakit kay Celestine muli. Habang patuloy siyang binabastos at minamaliit ng mga Navarro, patago namang nakamasid sa kanya ang lalaking handang ipaglaban siya… kahit hindi pa niya kilala. Hanggang isang gabi, nakatanggap siya ng mensahe mula sa hindi kilalang numero: “Hindi mo na kailangang harapin sila mag-isa.” —A.C. Hindi niya alam, ang lalaking iyon ay ang mismong asawa niyang hindi pa niya nakikita—ang lalaking tahimik pero mapanganib magmahal. At kapag dumating ang araw na mabunyag ang katotohanan, malalaman ng lahat… na ang babaeng minamaliit nila ay asawa ng pinakamakapangyarihang lalaki sa lungsod.
Romance
10588 viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2324252627
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status