Slave By My Stepfather
LEO
Pababa pa lang ako ng taxi na sinakyan ko, kitang-kita ko na si Mama na nakahalukipkip at magkasalubong ang kilay na nasa maliit na gate ng bahay namin naghihintay. Simula ng mamatay si Papa at umuwi si Kuya Jack sa Mindanao ay ganito na ako ituring ni Mama, parang bata at babae, nakakaasar nga, teenager at 17 na ako, ginagawa parin niya akong batang parang kahapon lang pinanganak.