Billionaire’s Bride: The Classroom Deal
Si Allison Reyes ay isang simpleng guro na ang gusto lang ay makaraos sa bawat araw; makabayad sa gamot ng tatay niya, makapagturo ng tahimik, at mabuhay nang disente. Pero nagulo ang mundo niya nang isang viral photo ang nag-ugnay sa kanya sa lalaking ni wala man lang siyang planong kausapin. Walang iba kundi ang may-ari ng eskwelahan, si Zion Almonte.
Mayaman, malakas ang dating, at malamig ang pakikitungo ni Zion sa lahat. Pero sa likod ng itsura at yaman, desperado rin siyang ayusin ang pangalan niya. Kaya’t inalok niya si Allison ng kasunduan: isang taong peke nilang kasal kapalit ng pambayad sa hospital ng ama nito. Walang feelings na involved, walang komplikasyon, tanging business lang.
Pero paano kung habang ginagampanan nila ang papel ng mag-asawa, may mga tingin at kilos silang nagagawa na hindi parte ng usapan? Paano kung kahit anong iwas nila, may parte pa rin ng araw-araw nila na unti-unting nagiging totoo?