Chained by the Billionaire
Hindi niya alam kung ito'y pagliligtas—o pagkalunod.
At ang mas nakakatakot? Unti-unti na niyang minamahal ang tanikala.
Para kay Seraphina Liam, ang buhay ay isang sunod-sunod na sakripisyo. Ang bawat hakbang ay may kabayaran, at ang tanging iniisip niya ay ang kaligtasan ng kanyang kapatid. Hanggang sa ang isang desisyong desperado ay magdala sa kanya sa isang mundo na hindi kanya—isang mundo ng yaman, impluwensya, at panganib.
Doon niya nakilala si Cayden Deveraux.
Isang lalaking hindi humihingi. Hindi nagtatanong.
Kinukuha niya ang gusto niya.
“The moment I saw you, I knew one thing, Seraphina...
You're mine.”
Sa mata ni Cayden, hindi siya babae. Hindi rin bisita.
Pag-aari siya.
Dinala siya sa isang mundo kung saan bawat galaw niya ay sinusukat. Ang kalayaan niya ay naging kondisyon.
“You don’t run from me. You don’t lie to me. And you don’t leave me.
Try once—and I promise, you won’t get the chance again.”
Sinubukan niyang lumaban.
Pero paano ka lalaban sa lalaking alam ang bawat bahagi ng kahinaan mo?
Sa lalaking kaya kang bihagin hindi sa kamay… kundi sa isip?
Sa dami ng dahilan para layuan siya—bakit siya ang gusto mong lapitan?
At sa bawat gabing lumilipas, habang pinipilit niyang alalahanin kung sino siya bago ang lahat ng ito, mas lalong lumalabo ang hangganan ng tama at bawal. Ng pag-ibig at pagkabihag.
Ito ba’y pagligtas—o pagwasak?
At kung siya na ang kulungan…
May dahilan pa ba para gustuhin niyang makalaya?