Filtrar por
Estado de actualización
TodoEn cursoCompletado
Ordenar por
TodoPopularRecomendaciónCalificacionesActualizado
The Billionaire's Blind Son

The Billionaire's Blind Son

Dahil sa hindi sinasadyang kasalanang nagawa, napunta si Nineveh sa isang sitwasyong hindi niya inaakalang mangyayari. Para mapagbayaran ang kasalanang ito kay Don Rioflorido na isang bilyonaryo ay kailangan niyang maging isa sa mga babaeng makikipagtalik sa kaniyang bulag na anak na si Rimo. Sa pagsasama ni Rimo, unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Nineveh sa anak ng bilyonaryo. Ngunit nang mabuntis siya ay plinano niyang makalaya at itanan si Rimo dahil kinokontrol na nang bilyonaryo ama nito ang mga buhay nila. Pero hindi sila nagtagumpay. Hinintay lamang siya nang matandang manganak at saka siya pinalayas at pinakulong nito. Tila pinagdamutan si Nineveh at walang kaalam-alam kung buhay ba ang anak niya o hindi. Makakabalik pa kaya siya sa mansion upang malaman ang katotohanan? o tuluyan na siyang mabubulok sa kulungan?
Romance
10388 vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
BE MY WIFE

BE MY WIFE

Para kay Dhalia Augustine Madrigal, ang buhay ay isang serye ng pagsubok—lalo na nang tanggapin niya ang trabahong maging sekretarya ng malupit at istriktong bilyonaryo, si Henri Yanno Garciaz. Habang lahat ng naunang sekretarya ay hindi nagtagal, siya lang ang nagtiis at nakasabay sa ugali nito. Ngunit hindi niya inasahan na ang trabahong ito ang magdadala sa kanya sa isang alok na magpapabago sa kanyang buhay. Isang kasal kapalit ng sampung milyong piso. Para kay Henri, si Dhalia ang perpektong sagot upang makaiwas sa isang sapilitang kasal sa kanyang unang pag-ibig. Ngunit sa kabila ng kasunduang iyon, hindi niya maitanggi ang lumalalim niyang damdamin para sa babaeng laging naroon para sa kanya. Unti-unting nagbago ang kanilang relasyon, at sa kabila ng mga pagsubok, natagpuan nila ang tunay na kaligayahan sa isa’t isa. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat. Isang rebelasyong nag-ugat sa nakaraan ang gumulo sa buhay ni Dhalia—isa pala siyang Lim, kapatid ng dating minahal ni Henri. At ang mas matinding dagok, isang larawan ang sumira sa kanilang tiwala—isang larawan na nagpatunay na may ibang babae si Henri. Sa gitna ng sakit at kahihiyan, pinili niyang lumayo, dala ang lihim na siya rin ay nagdadalang-tao. Limang taon ang lumipas, at sa kabila ng pagtatago ni Dhalia, hindi siya tinantanan ng lalaking minsan niyang minahal. Ngayon, muling bumalik si Henri sa buhay niya, handang patunayan ang isang bagay—na sa kabila ng lahat, si Dhalia lang ang babaeng nais niyang makasama habambuhay. Ngunit sapat ba ang pagmamahal upang paghilumin ang sugat ng nakaraan?
Romance
101.4K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Unveiling Mr. CEO's Daughter

Unveiling Mr. CEO's Daughter

Ang akala ni Monica Prado siya na ang magiging masyaang babae sa araw ng kasal niya kay Jericho Mendel pero kabaligtaran niyon ang nangyari dahil hindi siya nito sinipot sa mismong kasal nila. Dahil sa sakit na nararamdaman ni Monica, uminom siya sa isang bar at doon niya nakilala si Zymon Coreal at inakala niyang si Jericho ang binata. Dahil sa matinding tama ng alak hindi namalayan ni Monica na may nangyari sa kanila ng binata nagbunga ng isang supling. Lumayo si Monica sa Manila para layuan ang mga taong naging parte ng buhay niya roon. Tumungo siya ng Davao para roon itaguyod ang anak niya. Ngunit paano kung habang nililimot niya ang nakaraan saka naman babalik si Zymon at Jericho sa buhay niya? Paano kung pareho nilang akuin ang pagiging ama sa bata? Handa ba si Monica na malaman ng dalawang lalaki kung sinong tunay na ama ng bata? May pag-ibig bang muling mabubuo sa pagitan ni Monica at Jericho o uusbong ang pag-ibig ni Monica kay Zymon?
Romance
1041.3K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
When a Single Mom meet the Hot CEO

When a Single Mom meet the Hot CEO

Steph is a single mother. Kaya todo kayod siya sa buhay para lang tustusan ang pangangailangan ng kanyang anak na si Michael. Lahat ng trabaho ay pinasukan niya na. At sa pagtatrabaho niya sa club ay nakilala nito ang isang Hot CEO ng Kompanya na may lihim na pagtingin sa kanya.
Romance
107.1K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
The Billionaire Marriage Matchmaker

The Billionaire Marriage Matchmaker

JustALittleGirl07
Si Marissa Alvarez ay isang marriage matchmaker at siya ang napiling humawak sa kilalang gwapo at di ma reach na bilyonaryong si Ethan Joaquin para makahanap ng babaeng papakasalan nito. Pero bakit parang imbis na makahanap ito ng babaeng makakapareha ay bakit siya ang palaging hinahanap at ginugulo nito. Maloka-loka na siya dahil ang lahat ng babaeng ipinapareha niya sa lalaki ay napupunta lang sa iba. Hindi naman masama dahil malaki-laki din ang porsyentong nakukuha niya pero gusto niyang ikasal kaagad ang lalaki para sa ikakatahimik ng buhay niya. Pero hindi niya akalain na ang sekretong itinatago niya ay malalaman din ni Ethan na humantong sa mas lalong naging magulong buhay niya kasama ang bintang bilyonaryo. "Do you think that I will let you go? Think again, My dear." Magagawa pa ba niyang makawala sa binata?
Romance
101.7K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Ghost Of You

Ghost Of You

Umuwi si Aria sa Pilipinas matapos ng ilang taong pamamalagi sa United States. Hindi naman siya nahirapan dahil dito rin nakatira sa Pilipinas ang kanyang matalik na kaibigan. Naging maayos at payapa ang buhay niya rito. Hanggang sa makilala niya ang binatang si Jackson Kang na isang sikat na aktor, labis ang paghanga ng matalik na kaibigan ni Aria dito, at biglang napasok ang dalaga sa magulong buhay na ginagalawan ng binata. Naging maayos ang turingan at samahan ng dalawa, ngunit kagaya ng ibang kwento lahat ay may hangganan. Dalawang taong nagmamahalan na pinaglayo ng panahon. Mga pusong nabalot ng sakit at galit. Sakit ng nakaraan ay magbabalik. Magkakaroon pa kaya ng puwang sa puso ni Jackson ang dalagang una niyang minahal? Magkakaroon pa kaya ng pag-asa ang naudlot na pagmamahalan? Magiging happy ending ba para sa kanila o magiging huli na ang lahat?
YA/TEEN
102.8K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Nababasa Nila Ang Isip Ko

Nababasa Nila Ang Isip Ko

Ako ang tunay na anak ng pamilya Stone. Gamit ang gossip-tracking system ko, nagkunwari akong mahinhin at masunuring tao, pero sa loob-loob ko, matindi ako gumanti sa tamang oras. Ang hindi ko napansin ay may nakakarinig sa isip ko. “Kahit na anak ka naming tunay, si Alicia lang ang tunay naming tinatanggap. Kailangan mo matututong lumugar,” sambit ng mga kapatid ko. ‘Iniisip ko na baka sinira ko ang usapan namin ng demonyo sa nakaraan kong buhay kaya ako napuntas a pamilya Stone ngayon, naisip ko. Tumigil bigla ang mga kapatid ko sa paglalakad. “Si Alice ay masunurin, may sense kausap at mahal ng lahat sa pamilyang ito. Huwag ka magsimula ng drama para lang magpapansin.” Hindi ko mapigilan isipin, ‘Kung ganoon, may sapat ang sense niya para sirain ang buhay ng lahat at mahal na mahal kayo sa puntong nakakasuka na.’ Natanga ang ekspresyon ng mga magkakapatid.
Historia corta · Imagination
503 vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
The Ex-Convict Billionaire

The Ex-Convict Billionaire

Nagboluntaryo sa isang medical mission sa loob ng bilangguan si Mikaella. Nagkaroon ng riot at doon niya nakilala ang gwapong preso na si Liam. Na-love at first sight sa kanya ang binata. Ngunit hindi niya ito type. Isa itong malaking red flag. Natitiyak niyang gulo lamang ang hatid nito sa kanyang buhay. Ngunit tila may magnet ang ngiti at expressive eyes ng lalaki. Bakit biglang parang gusto niyang magwala at lumihis ng landas kasama ng binata. Itataya ba niya ang buhay at kinabukasan para sa lalaking hindi niya lubusang kilala? Ginising ng binata ang lahat ng natutulog na damdamin sa kanyang pagkatao. Nakipagtanan siya dito at sinuway ang mga magulang. Nangako itong aayusin ang buhay para sa kinabukasan nilang dalawa. Ngunit ang mga pangako ay napako. Madami siyang natuklasang lihim nito. Ngunit hindi siya sumuko, ipinaglaban niya ang pag-ibig. Nalagay sa panganib ang kanyang buhay dahil sa lalaki. Nagising siya sa katotohanang siya lamang ang tunay na nagmamahal. Makalipas ang limang taon ay muling nag-krus ang kanilang landas. Ngunit bakit ibang-iba na si Liam. Bilyonaryo na ito at makapangyarihan. Tila hindi siya kilala, para siyang invisible sa paningin nito. Ang nakapagtataka ay ito pa ang matindi ang galit sa kanya. Nabaligtad na ang mundo. Siya na ang bilanggo ngayon. Bilanggo ng nakaraan at ng pag-ibig na walang katiyakan.
Romance
9.950.3K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
My Professor Loves Me

My Professor Loves Me

coffeesu
Maxine Ynstuk, a heir. Mahal na mahal niya ang kaniyang nobyo at gusto niyang makasama ito habang buhay. Pero may isang problema. Tutol ang mga magulang ni Maxine sa kanilang dalawa dahil sa hindi malamang rason. Ibubuhos na lang ba ni Maxine ang lahat ng kaniyang oras sa pag-aaral o ipaglalaban niya ang pag-ibig na hindi pinahintulutan? Habang nag-aaral si Maxine ay maraming magmamahal sa kaniya. Ano kaya ang mangyayari kay Maxine kung mawalan man siya ng mahal niya sa buhay? Makakayanan kaya ni Maxine ang hamon sa kaniya ng buhay o susuko na lang siya? May lilitaw na isang tao na tiyak ikagugulat ni Maxine, ano kaya ang pakay nito? Makakapagdesisyon kaya si Maxine ng tama? At the end Maxine had to decide and choose wisely.
Romance
103.0K vistasEn curso
Leer
Agregar a biblioteca
Stuck With The Billionaire

Stuck With The Billionaire

Paano kung ang buhay mo na inaakala mong sa'yo, ay hiram lang pala mula sa taong matagal nang wala? At sa tulong ng isang guwapong bilyonaryo na ang ngalan ay Jacob Castillo, matutuklasan ni Andra ang malalim na lihim ng kaniyang pagkatao.
Romance
1076.8K vistasCompletado
Leer
Agregar a biblioteca
ANTERIOR
1
...
4344454647
...
50
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status