Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Billionaire's Hidden Mask

Billionaire's Hidden Mask

Paano kung ang kagustuhan mong mamuhay nang mapayapa upang takasan ang nakaraan ay unti-unting nabubuhay sa kasalukuyan? Ang nangyaring unos, krimen o trahedya sa pamilya ni Bethany Francheska Hamilton ay hindi pangkaraniwan. Sa loob ng dalawang taon ay namuhay siya nang normal. Maaraw sa araw na iyon. Nakilala ni Bethany ang lalaking si Danger. Sumulpot ito bilang kapitbahay niya sa inuupahang apartment katabi nang sa kanya. Wala itong sinabi noong una, ngunit ang panahon na mismo ang nagtalaga kung bakit dumating ang lalaki roon nang biglaan. Iyon ay magiging bodyguard 'raw niya ito. Sa hindi ni Bethany malamang rason at kung kaninong utos nanggagaling iyon. They became acquaintance. Pinoprotektahan siya nito sa abot nang makakaya nito. Ang totoong katauhan ni Danger ay hindi tuluyan ni Beth na napagtanto. Paano kung isang araw ay matuklasan ni Beth ang lihim nitong itinatago. Ang pangalan nitong ipinakilala sa kanya ay isa lamang palang palayaw na konektado sa napakadelikado nitong trabaho. Higit sa lahat, paano kung mapag-alaman niyang matagal na pala siyang niloloko nito at pinaglalaruan lamang siya nito. The Mask is literally hidden. At hindi alam ni Bethany kung paano pakiharapan iyon. Lalo na nang makumpirma niyang nahulog na pala ang loob niya rito sa ganoon kaikling panahon. Magagawa kaya niyang patawarin ang lalaki at kalimutan ang ginawa nito? O susundin niya ang iniutos nang kanyang puso dahil napamahal na siya rito?
Mafia
101.9K viewsOngoing
Read
Add to library
ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

ISLA FERRER: Unspoken Sacrifice

"Let's file an annulment, Isla..." Ibinigay ni Isla Ferrer ang lahat-lahat sa pinakamamahal niyang asawa na si George Madrigal. Mula sa pagmamahal, oras, atensyon at salapi. Subalit imbes na suklian ng kaakibat na pagmamahal, isang pagtataksil ang ginawa ng kanyang asawa at balak pang pakasalan ang kabit nito, dahilan kung bakit tuluyang nawasak ang puso ni Isla. Dahil sa sakit na ipinaramdam ni George sa kanya, ipinapangako ni Isla sa sarili niya na gaganti siya sa mga taong nanakit sa kanya. Kahit pa pabagsakin ang sarili niyang asawa na minsan na niyang minahal at sinamba. At sa kanyang pagbangon, mapagtatagumpayan kaya ni Isla ang balak niyang paghihiganti? O muli lang na manunumbalik ang dati niyang pagmamahal sa lalaki. Hanggang saan dadalhin si Isla ng galit na bumabalot sa kanyang puso? Magawa kaya niyang pabagsakin ang negosyo at ang pamilya Madrigal? Kayanin kaya niyang paghigantihan ang pamilyang naging ikalawa niyang tahanan?
Romance
103.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Finding Daddy

Finding Daddy

Nicolet Mae Talessdo, mabait, matlino at magandang bata. Sa napakamura nitong edad ay nakitaan na ito ng mga talent na higit para sa kanyang gulang. Ngunit sa kabila ng mga bagay na kanyang nakukuha at ibinibigay sa kanya ni Maeve, ang kanyang mommy, nanatiling kulang. Lumalaki si Nami na may pagtataka kung sino ang kanyang tunay na ama ngunit hindi iyon magawang sagutin ng kanyang ina. Gusto niya magkaroon ng ama tulad ng mga bata kung kaya nang sandaling makauwi sila ng kanyang Mommy Maeve sa Pilipinas ay agad niyang sinimulan ang paghahanap sa kanyang tunay na ama. Nang sandaling makita niya si Nicholas Sandoval, ang boss ng kanyang mommy, tinawag niya itong ‘Daddy’. Ano ang kaugnayan ni Nicholas kay Nami? Siya na ba ang tunay na ama ni Nami? Abangan ang mangyayari sa buhay ni Maeve at ang paghahanap ni Nami sa kanyang tunay na ama.
Romance
108.0K viewsOngoing
Read
Add to library
Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

Mistress On-Duty (PEG SERIES: 1)

SYNOPSIS: Leila Reign Dominguez is an elite mistress of the most well-known CEO in the business world. Walang ibang hangad ang puso niya kundi ang mapasa kanya ang lalaking minamahal kahit may kahati siya rito. She tortured herself as the second, a mistress, and a prey of the most prominent person in her life. Ginawang magpaka baba para sa taong mahal niya. They have past that hard to forget. Kaya noong nag offer si Rameses Vin Salgado sa kanya bilang mistress nito ay kaagad siyang pumayag dahil sa kanyang pagmamahal dito. She fulfills her duty as a mistress habang wala ang asawa nito sa tabi. Lingid sa kaalaman ni Leila nagkaroon ng amnesia si Ram at pinakasal siya ng kanyang mga magulang sa isang mayaman at kilalang pamilya. Nang maalala na ni Ram ang nakaraan nilang dalawa ni Leila ay kaagad nag offer ng proposal ang huli kay Leila. Leila has no idea that Ram still loves her and never forget their past. Boung pag aakala niya na hindi na siya mahal ni Ram dahil iniwan siya nito at nagpa kasal sa iba. Nang malaman ng asawa ni Ram na nagkaroon ito ng relasyon sa isang secretary ay kaagad nitong nakipag kita kay Leila. Hindi nagpa tinag si Leila o na sindak sa asawa ni Ram. Kaya ng hindi tumalab ang ginawang komprontasyon ng asawa ni Ram na si Suzy kay Leila ay kaagad itong nagsa gawa ng ibang plano. Magagawa kayang pag hiwalayin ang pagmamahalan na naka kubli pa sa nakaraan? Leila lost and broken again because of the love that is not meant for her. Is she be able to find the love that she wanted? Or be able to find herself way back to him again.
Romance
10329 viewsOngoing
Read
Add to library
OUR THING

OUR THING

Si Talya Cacho ay ang bata na ibinenta kay Geralt Monro, ang pinuno ng pinakamalaking Italian mafia sa Asia. Makalipas ang ilang taon, pinili ni Geralt si Talya para iregalo sa kanyang nag-iisang tagapagmana, ang kanyang nag-iisang anak na si Oliver Monro. Patuloy na pinaglilingkuran ni Talya ang kanyang malupit at malibog na pangalawang amo, si Oliver Monro, hanggang sa mahulog ang loob nito sa kanya. Ngunit may sikreto si Talya na isa talaga siyang sikretong espiya na itinalaga ni Geralt para sa kanyang anak. Dahil sa miscommunication at pagtataksil ng ilang miyembro, mananaig kaya ang tunggalian? Matatapos na ba ang palitan ng putok? Matatanggap kaya ni Oliver Monro na si Talya ang nakatanim na bala para sa pagbagsak ng mafia, paano na ang pag-ibig na nararamdaman ng dalawa?
Mafia
103.3K viewsCompleted
Read
Add to library
The Shoemaker

The Shoemaker

Achyxia
Napakarami na ng problema ng bayan ng Garapal dahil sa bilang ng mga krimeng nangyayari ngunit parang mas malaki pa yata ang problema ni Ruanne. Nais lang naman ni Ruanne na makalimot sa pangangaliwa ng nobyo niya na sa kaaway pa niya napiling makipaglandian. Ngunit ang taksil niyang puso ay hindi umaayon sa gusto ng kanyang isip. Sa gitna ng kanyang pagmomove-on ay nakilala niya si Pio, ang isa sa mga staff ng sikat na tindahang 'The Shoemaker'. Ang 'The Shoemaker' lang naman ang pinakasikat na tindahan ng sapatos na mayroon lamang isang branch na nakapuwesto pa sa tapat ng boutique ni Ruanne. Ito lang din naman ang magiging kalaban ni Ruanne kung sakaling simulan niya na ang kanyang shoe line. At ang tahimik na buhay ng binatang nag-aasikaso nito ay mabubulabog dahil sa alok ni Ruanne na maging pekeng kasintahan niya na siya namang tinanggap agad ng binata. Ngunit sa pagsunud-sunod ni Ruanne kay Pio, may malalaman siyang hindi dapat. At matatagpuan niya na lamang ang sarili niyang sinusunod ang lahat ng gusto ng binata, maging sa ibabaw ng kama. At hindi lang iyon, mapapasok niya pa ang delikadong mundo ng mafia.
Romance
1.5K viewsOngoing
Read
Add to library
Falling For Her Unexpectedly

Falling For Her Unexpectedly

Jenaiah
ni Khealie na umalis at suwayin ang mga magulang sa sapilitang pagpapakasal nito sa kaniya at sa lalaking hindi niya naman mahal. Sa kaniyang pag-alis ay hindi sinasadyang magka tagpo ang landas nila ni Cloud na siyang naging daan niya upang tigilan na siya ng mga magulang niya sa pwersahang pagpapakasal nito sa anak ng isa sa mga investors ng kaniyang ama. "Hindi ko sukat akalain na ang babaeng noon ay nag mamakaawa lamang na pakasalan ko ay siya palang makakatuloyan ko, hindi ako makapaniwala." madamdaming sambit ni Cloud. tanging matamis na ngiti lamang ang ibinigay ni khealie sa kaniyang asawa. Sino nga ba naman ang mag aakala na tototohanin pala nilang dalawa ang kasal na dapat sana ay palabas lamang kagaya nang napag kasundoan nila bago ang kasal.
Romance
855 viewsOngoing
Read
Add to library
THE TWIN and The Chaos

THE TWIN and The Chaos

Isinilang na magkadikit. Paghihiwalayain Ng Kapalaran. Pagtatagpu-in ng Ibang kata-uhan. Saan hahantong Ang dalawang Kambal. Sa muli nilang pagkikita. Makikilala pa kaya nila ang isat isa. Paano kung Hindi na nila makilala ang isat isa at ang lalaking Nagpatibok sa puso ni Dennes ay Naging Siya rin ang dahilan ng pagbabago ni Maria. Ang Dating Maria Gonsales Ay mapapalitan Bilang Eloisa Chin. At si Mayra naman ay mabubuhay sa kata-uhan ni Luisa Chua! Muling magtatagpo ang landas ng Kambal at sa iisang lalaki lang sila iibig! Sino kina Eloisa Chin At Luisa Chua Ang Magpaparaya para sa kanilang kaligayahan. "Paano kung iisang babae lang ang mahal na mahal ni Dennis Duatin At siya ang hinahanap niya buong buhay niya!'' Magpaparaya kaya ang isa o mananatili silang magbabangayan sa pag-ibig.
Romance
10691 viewsCompleted
Read
Add to library
Undying Memories

Undying Memories

Cactushoney
Dahil sa isang aksidente ay nagbukas ang third eye ni Quinn Belle at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ang lihim sa likod ng luma at nakakatakot na itsyura ng old Diplomat hotel na pinangangalagaan ng isang masungit but charming na si Florence. Sa pagkakataong ito ay binigyan ng misyon si Quinn kasama si Grim reaper na kamukhang-kamukha ni Florence, upang hanapin ang mga lost soul upang maihatid na sila sa liwanag. Sa kanilang pagsasama na puro bangayan ay may isang pangyayari sa nakaraan ang mauungkat at may kinalaman ito sa matagal na pananatili ni Florence sa lupa. Hanggang saan nga ba ang tapang ni Quinn para harapin ang mga nakakatakot at med'yo pasaway na mga multo? Maari nga bang muling tumibok ang pusong matagal ng patay?
Romance
105.2K viewsOngoing
Read
Add to library
THE GANGFIA QUEENS

THE GANGFIA QUEENS

Napatawa sina Yanah at Emerald sa akto ni Marian. Lasing na kasi ito. "Ayaw mo pa lang maputulan ng kaligayahan ang gagong Drix na iyon! Sinaktan ka na nga, may awa ka pa din!" Bulyaw ni Yanah. "Ba-liw ka ba! Mag-pa-pa-anak pa ako sa hi-nayu-pak na 'yon! Sa-ka ko iwan!" Napabunghalit si Marian ng tawa sa na isip. "Ay baliw! Lakas ng tupak mo, Mars! Mas malala ka pa pala sa amin ma-inlove!" Napapailing na sambit ni Emerald. "W-Walang ba-sha-gan ng t-trip!" Bulalas ni Marian. "What's happening here, Ladies!" Isang malamig na boses ang nagpalingon sa kanilang tatlo. "Kylle" "Sean" "D-Drix!" Sabay-sabay na bigkas nila ng sumulpot bigla sa harap nila ang tatlong mga greek god na seryoso na nakatingin sa kanila na walang kangiti-ngiti.
Romance
104.1K viewsOngoing
Read
Add to library
PREV
1
...
2930313233
...
50
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status